Chapter 18

3.6K 159 100
                                    

❤18❤

XYRAINNE

Bumungad sa akin ang puting kisame ng  imulat ko ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking leeg at may naramdaman parin akong konting kirot mula dito.

"Your awake!.." Natutuwang wika ni Nicka at lumapit sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?"  Nag alala niyang tanong sa akin at  tumuon ang mga mata niya sa akin leeg.

"Ayos na ako..." Tipid kong sagot at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"I'm sorry .... .... Sorry sa nagawa ni kuya.. Alam Kong sumosobra na siya at wala man lang akong magawa.  Nasa sayo ang desisyon ate Rainne, kung patuloy kang mananatili sa poder niya o lalayo ka sa kanya." Malungkot niyang sabi at umupo sa kamang hinihigaan ko.

"Ayos lang ako Nicka, kaya ko pa naman. Kaya ko pang pakisamahan siya." Sagot ko dito at napailing iling lamang siya.

"No, you need to run away from him and don't comeback anymore.  You don't know everything... You don't know everything about him..... Yeah, he's good to me and he's best brother ever. Kahit hindi niya ako kadugo pero tinuring niya akong na parang tunay na kapatid. He's protective brother. I know him... I know everything about them pero wala ako sa katayuan na sabihin sayo ang  tungkol sa kanya. Ni minsan ay hindi pa niya ako sinaktan at ayaw Kong mangyari ang bagay na iyon at ayaw Kong masira ang tiwala niya sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanya at tanging maitutulong ko lang sayo ang paluyuin ka sa kanya hangga't maaga pa... Ate Rainne... Please... Layuan mo nalang siya kung may natitira ka pang pagmamahal sa sarili mo... ..  " Mahaba niya wika at napaluha ako. Hindi ko kayang lumayo sa kanya.

"Pero mahal ko siya Nicka.... At hindi ko kayang iwan siya.  Mahal na mahal ko ang kuya mo...." Naluluha Kong sambit.

"Pero sinasaktan ka na niya.... At kinakain na ako ng konsensya ko na nakikita kang sinasaktan niya. Mahal ko ang kuya ko pero namahal ka na rin sa akin ate Rainne... At nag alala ako sa kung ano pa ang kaya niyang gawin sayo..... Lumayo ka nalang ....please...... Maawa ka naman sa sarili mo..." Pagpupumilit niyang wika na paluyuin ako sa kuya niya.

"No... Hindi ako lalayo... Mananatili ako sa tabi niya hanggang sa matitiis ko..pa ang pananakit niya sa akin.... Kaya ko pa siyang patawarin sa nagawa niya dahil mahal ko siya."
Pagmamatigas Kong sagot at napabuntong hininga na lamang siya.

"Pero kailan ka po titigil? Kung ubos na ubos ka na ...at hindi mo na kayang bumangon muli.....Pero Hindi Kita mapipilit kung yan ang gusto mo ate Rainne basta nasabihan na kita. Pero ihanda mo nalang ang sarili mo kung may matutuklasan ka pa sa kanyang buong pagkatao. ... Marahas siya lahat maliban sa akin at sa isa pang tao. Basta't huwag mo lang hayaang tuluyan ka niyang patayin dahil kilala ko siya ate Rainne. .."

Gusto Kong tanungin si Nicka tungkol sa asawa ko pero alam kong hindi naman niya sasabihin sa akin ang nalalaman niya. Sino ba naman kasi ako, asawa lang ako ng kinikilala niyang Kuya at mas papabor siya sa asawa ko, sa Kuya niya.

"Sinong nagdala sa akin dito ?" Tanong ko nalang sa kanya.

"Ako po, mabuti nalang marunong din akong magmaneho ng sasakyan." Sagot niya.

"Paano mo ako nakayang dalahin palabas ng bahay? Medyo mabigat ako kaya imposibleng nakaya mo akong akayin papunta sa garahe."

" Syempre, inutusan ko si kuya na dalhin ka niya sa garahe. Eh nag away pa nga kami nun kanina dahil ayaw ka niyang buhatin. Mabuti nalang napilit ko siya." Tugon niya at napatango tango lamang ako.

Nakalabas din kami pagkakinabukasan at mabuti nalang ay nagreport si Sofie sa hospital kung saan ako dinala ni Nicka  at tumulong siyang magproseso ng mga papeles ko.  Once a week daw sipot niya dito dahil mas  pinagtutuonan niya ng pansin ang pagiging private nurse niya sa pinsan ni Emerald.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon