Chapter 7

3.8K 104 11
                                    

7


XYRAINNE


Nang imulat ko ang aking mga mata, puting kisame ang bumungad sa akin.  Marahil ay naririto ako sa ospital.

"Oh my god... Rainne.  Are you okay  now?  Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba? Saan ang masakit?  Sandali lang tatawag lang ako doktor." Tarantang turan ni Yvonne.

Wala naman si Yvonne ng mahimatay ako. Sino kaya ang nagdala sa akin rito. Baka ang mga empleyado namin sa hotel.

"Okey lang ako. Hindi mona kailangan tumawag ng doktor. Maayos na ang pakiramdam ko." Walang gana kong sagot.

"Hah? Pero... " Maang tanong niya.

"Ayos na ako. Gusto ko na ring umuwi kaya paki ayos nalang ang mga kailangan para makalabas na ako. Sa unit nalang ako magpapahinga." Mahina kong sabi.

Pinindot ni Yvonne ang emergency button.

Masama talaga ang pakiramdam ko pero baka mas lalong lumala ito kapag magtatagal pa ako dito sa hospital. I hate the smell of hospital. Kaya nga kapag nagkakasakit ako noon ay ang doctor ang pinapapunta ni kuya sa bahay dahil ayaw ko sa hospital.

"Pero dumating si sir Xander. At ang sabi niya ay dumito ka mona hanggang sa lumabas na ang resulta ng test nila sayo.  Babalik rin yun dito, may importante lang daw siyang pupuntahan."
Wika ni Yvonne habang nagbabalat ng mansanas.

"Paano niya nalaman na nandito ako sa hospital?" Tanong ko.

"Sinabi ko sa kanya dahil nag alala ako sa kalagayan mo eh. Tatlong araw ka na kayang walang malay kaya nag alala ako ng husto. At saka nagkataon na tumatawag siya kahapon sa cellphone  mo at sinagot ko.
Medyo nagalit nga siya dahil hindi ko agad pina alam sa kanya ang nangyari."

Inabot niya sa akin ang binalat niyang mansanas pero hindi ko ito inabot.

"Pst. Ako nalang nga kakain." Wika niya at sabay ikot sa kanyang mga mata.

"May tinanong ba siya sayo?" Tanong ko ulit dahil baka may gawin siyang masama kapag nalaman niya ang totoong nangyari.

"Actually, marami siyang tinanong sa akin pero hindi ko lahat nasagot dahil wala ako sa katayuan na sabihin ang sagot sa mga katanungan niya. Ang sabi ko sa kanya, eh ikaw nalang tanungin niya. Hindi naman siya nagkulit, pero sa tingin ko may alam na siya sa nangyari."

Umupo si Yvonne sa sofa.
Private ang hospital na ito na pagmamay ari ng isa sa mga kaibigan ni kuya,  kaya maganda ang mga rooms dito. Binili niya ang isang ektarya na lupa na kinatatayuan ng hospital na ito.
Madali niyang napapayag si kuya dahil malaking pabor din iyon sa amin at sa mga tao dito sa isla. Private ito pero sa pagkaka alam ko malaki ang discount ng mga tao dito sa isla
kung sakaling maospital sila.

Kinabahan ako sa sinabi ni Yvonne. Ayaw kong makagawa ng masamang bagay si kaya ng dahil lang sa akin. Alam kong marami na ring problema si kuya kaya ayaw ko nang dagdagan pa. Pero anong magagawa ko kung alam na niya.

Nalulungkot ako dahil unang bisita palang ni kuya sa akin ay problema na ang sumalubong sa kanya. It is Damon fault. Kung hindi sana siya lumandi sa iba ay wala sanang problema.

Naiinis ako sa tuwing maalala ko ang mukhang clown,  haliparot at malanding babaeng iyon.

Hintayin niyo na makalbas ako dito. Dahil hindi ko hahayaang maagaw niya sa akin ang boyfriend ko at sisiguraduhin kong ako ang mananalo sa huli.

Gagawin ko ang lahat para lang
makasal kaming dalawa ni Damon. Tanga na kong tanga basta ang mahalaga ay hindi siya mapunta sa haliparot na yun.

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon