Chapter 11

1.9K 77 15
                                    



11


XYRAINNE

Nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo sa sobrang sakit. Ito na nga ba ang ayaw ko kapag  pumupunta kami sa bar dahil  gigising akong masakit ang aking ulo.

Napalinga linga ako sa buong  silid at nanlaki ang mga mata ko.  Kaagad Kong sinipat ang aking kamay at totoo ngang kasal na kami ni Damon dahil patunay ang singing sa aking daliri.  Totoo nga ang lahat at hindi lang isang panaginip.

Hindi ko alam ko saan ako ngayon pero isa lang ang sigurado ko, silid ito ng aking asawa. Nakatulog kasi ako kagabi habang nasa byahe pa kami at hindi na niya ako ginising nang makarating na kami.

Dahan dahan akong bumangon at pumasok sa banyo.  Naligo ako at naghanap ako ng pwede Kong maisuot sa closet ni Damon.  Kinuha ko ang kulay  itim niyang t-shir at pinarisan ko ng kanyang boxer.  Mahaba naman yung damit sa akin kaya walang problema.

Lumabas ako sa silid niya at napahanga ako sa ganda ng kanyang bahay. Malawak ang loob nito at sigurado akong malaki rin ito mula sa labas.

Dahan dahan akong humakbang pababa sa mahabang hagdanan at wala akong marinig na ingay na kahit ano mula sa loob nito.

Nasaan na si Damon at bakit walang katao tao dito.  Palakad lakad ako sa malawak na sala hanggang sa nagpunta ako sa kusina ngunit wala parin siya doon. Wala din akong makitang kasamabahay.

Mabilis akong nagtungo sa malaking pintuan  dahil baka nasa labas ang mga kasamabahay niya pero nanlumo ako ng hindi ko mabuksan ang pintuan dahil nakalock ito.

Naghanap ako ng pwede Kong  malabasan pero wala akong nakita. Nakasarado ang lahat ng pwede ko sanang labasan.

Napabuntong hininga akong bumalik sa sala at hihintayin ko nalang na  bumalik si Damon kung saan man siya pumunta.

Pabagsak akong umupo sa sofa at nilaro laro ang aking mga paa. Napatayo ako ng tumunog ang aking  tiyan dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Mabilis ang ginawa Kong hakbang papunta sa kusina at naghanap ng puwedeng kainin.

Tatlong ref ang nasa tapat ko ngayon  at hindi ko alam kung saan ang una Kong binuksan. Mmmp, lahat ko nalang titingnan  kung ano ang mga lamang nito. 

Binuksan ko ang malaki niyang ref sa right side at bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng mga inumin kaya isinara ko ito.  Kasunod Kong binuksan ang nasa  gitna at  bumungad sa aking ang iba't ibang klase ng gulay at ang huli Kong binuksan ay ang nasa left side.  Iba't ibang klase rin ang laman nito at karamihan ay mga chocolates.

Hindi naman ako mabubusog sa mga chocolates eh. Magluluto nalang ako dahil sigurado pang mabubusog ako at hindi naman siguro magagalit sa akin si Damon kapag pinakylaman ko ang kusina niya. Hindi ko naman mauubos ang lamang ng mga ref.

Nasaing ako sa rice cooker at naglabas ako ng gulay at karne ng manok mula sa ref.

Nagluto ako ng tinulang manok na hinaluan ko ng petchay at repolyo.
Nagpalakpak ako ng matapos akong magluto at malawak aking ngiti habang hinahanda ko na ito sa mesa.

Umupo ako at nilagyan ko ng kanin at ulam ang aking plato. Nag umpisa na akong kumain hanggang sa maubos ko ang  aking pagkain sa plato. 

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon