K A B A N A T A (3.5)

314 28 6
                                    

Nakauwi na kami, makalipas ang isang linggo sa bakasyon sa Cebu.
At isang linggo nalang din ay pasukan na sa skwelahan.
Napag-desisyonan nila na papasukin ako sa school ni Dodong, aalma pa sana ako kasi sa totoo lang, wala sa plano ko ang maging iregular student, kung mag t-transfer ako na eskwelahan, sigurado ako na iregular ako sa bagong eskwelahan na papasukan ko.
Napaka-hassle, isang taon nalang eh, pero heto, parang lahat ata ng year, papasukan ko pa para makuha lahat ng unit na kaylangan ko para maka-graduate.
Ang lalim ng hininga ko ng nakapag-pa-enrol ako sa nasabing eskwelahan, nawala sa paningin ko si Dodong kasi may pupuntahan daw sya, nasa labas ako ng registrar pero hindi padin sya dumadating.
Ang layo ng malaking eskwelahan na ito kumpara sa eskwelahan na pinapasukan ko noon.
Maraming estudyante na mayayaman at puro may sasakyan, halatang puro mayayaman ang naririto kaya masasabi ko na iba ito sa eskwelahan ko dati.
Iniisip ko palang na papasok na ako dito next week, parang hindi na ako makahinga, iba na talaga ang buhay ko ngayon, iba sya sa buhay ko.

Bumalik na si Dodong, pero may mga kasama sya, gaya nya puro matatangkad din at gaya ni Dodong, lahat sila may hitsura.
At may dalawang babae silang kasama, puro sila magaganda.
Sa palagay ko, close yung isa kay Dodong.
Yumuko ako at tumayo na nung papunta na dito sila Dodong.
Naalala ko kanina, hindi pa certified at na process sa ngayon ang bagong apelyido ko, ang gusto kasi sa lola ni Dodong na sa England ito aayusin kaya siguro matatagalan pa ito.
Kaya sa school na ito, ako parin si Mary Grace Dela Cruz.

"Good bye, we have to go.
Nagpa-alam na sya sa mga kasama nya bago sya tuluyang lumapit sa akin.
Hindi ko na sya hinintay at dumiretso na ako sa sasakyan at pumasok agad.
Ilang saglit lang ng pumasok na din sya.
Tumango lang sya sakin bago nya kinuha ulit ang phone nya.
"Hindi nila alam ang tungkol satin, let's keep our secret muna for your safety, kilala kasi ako sa school, pagkakaguluhan ka nila pag nalaman nila kung ano kita.
Nakatingin lang ako sa kanya, bakit ba sya nagpapaalam, maiintindhan ko naman kung itatago nya ako sa school nya.

"Wag kang mag alala, hindi malalaman ng school mo na asawa mo ko.
Napatingin sya sa akin, at tumalikod naman ako sa kanya.
Naiintindihan ko sya, kahit naman ako, ayaw ko pang isipin ng iba na may asawa na ako, baka kasi isipin nila na nabuntis ako ng maaga o ano.
Kahit papano, okay parin ang idea na to na malaya pa ako sa apelyido ko.

"That's not what I meant.
Medyo popular kasi ako dito, ayaw ko lang muna i-public ang status ko for now.
Kahit hindi pa sya mag-explain, maiintindhan ko sya kaya wag na syang mag effort mag explain.
Sya naman uy.
(-.-)

"Wag ka ng masyadong ma-stress okay, okay lang talaga sakin.
Hindi na sya ulit kumibo at bumalik na ulit sa phone nya.
Secret marriage lang kasi ang naganap sa 5 star hotel, only family and relatives and trusted Co-partners and friends lang nila imbitado sa kasal kaya kahit dito, hindi nila mahahalata na kasado ako kay Dodong.

Pag-uwi namin, hindi padin kami kumikibo.
Sa bahay pala nila Dodong may isang oras ang byahe mula sa school nila kaya pati ako ay nag iimpake na, kasi bukas, lilipat na kami sa mga dorm namin sa school.
Siguro iyon na ang set up namin bilang isang mag asawa, gaya ng apilyedo ko, malabo para sabihing mag asawa kaming dalawa.
Masarap maging buhay single sa totoo lang, kaya medyo excited na ako pag nalipat na ako, atlis may freedom na ako kahit pa-paano at mararamdaman ko ulit ang buhay single kahit kunwari lang.

After kong mag impake, natulog na agad ako dahil bukas doon na ako titira sa dorm.
Pero hindi ko mawala-wala sa isip ko ang ngyari kanina.
Ang sinabi ni Dodong sakin, marahil gusto nyang itago ang istado naming dalawa, pareho naman kasing labag sa aming dalawa ang kasal eh, siguro maging sya, nahihirapan sa sitwasyon naming dalawa, lalo na sya at 18 pa, may mga bagay na gusto nya pang gawin at mangyari pero hindi na pwede kasi kargado na nya ako.
Yan yung mas pinaka-mahirap.
Siguro, gagawin ko nalang iwasan sya sa school, para atlis iwas issue sa pagitan namin.
Okay, yan nalang ang gagawin ko.

TadhanaOnde histórias criam vida. Descubra agora