K A B A N A T A (5.5)

319 28 23
                                    

Isang magulong meeting ang nagaganap sa buong school, dahil may malaking magaganap ngayon sa school.
At kung ano ito? malalaman pa namin ito maya-maya.
Nasa likod lang ako sa madaming estudyante na naghihintay ng speech sa piling estudyante na nangunguna sa buong school, at sa tingin ko, kasama na naman ang grupo nila Dodong dahil nakikita ko sila sa unahan eh, di pa nagsisimula pero nagkakagulo na yung iba sa unahan dahil sa grupo nila Dodong.
Matatangkad ang mga ito kaya agaw pansin sa mga kababaihan, pati na din ang mga kabaklaan, yung ibang lalake naman, idol ang gaya nila Dodong, at yung iba naman, hindi nila feel ang grupo nila Dodong dahil iilan din ang may ayaw sa kanilang grupo.
Unti-unti nang nagsiksikan sa paligid kaya napili kong umatras nalang muna para dun pumwesto, saglit akong natigil ng may maapakan ako, at unti-unti kong nilingonan ang sarili sa likod ko.
Sa di ko mawari, humanga ako sa kakaibang tindig at tikas ng isang lalake na parehong nakatingin din sa akin.
Moreno, matangkad at biniyayaan ito ng angking gandang lalake, first time ko syang nakita dito sa buong school.
"Donny, where have you been?!
Sigaw ng isang babae sa likod nya na wari ay hinahabol sya nito.

"Ah---sorry.
Sabi ko sa kanya dahil sya ay nakatingin din sa akin at hindi doon sa babaeng tinatawag syang Donny.
Ngumiti ako sa kanya dahil nakaramdam ako ng kakaibang pagkailang dahil sa lagkit ng titig nito sa akin, hindi ko din alam pero parang titig na titig ito sa akin.

"Donny, come on!
Hinatak sya nito nung babaeng, may kunting laman sa katawan pero hindi naman ito mataba, sakto lang ang katawan nito, cute sya lalo nung parang galit na sya dito sa kaharap ko na tinatawag nyang Donny.

"Wait kisses!
Nagulat ako ng mas lumapit pa ito sa akin at parang ni-l-level nya ang height nya sa height ko.
Hala, ano bayan!
"Do you believe in love in first sight? Because after this seconds ago, I do believe in, love in first sight.

"H---ha??
Sabay takip ko sa sarili gamit itong dala kong mga libro.
Nagulat ako ng muli na naman syang hinatak nung cute na babae sa likod.

"HEY, girl, don't believe in his word, Casanova kasi ito e, baka isa ka na naman sa mabibiktima sa kamandag ng kumag na ito.
Babala nung cute na babae na akala mo ay galaw lalake, yung suot nitong cap ay sinuot nya ito na baliktad.

"Bro, wag mo kong siraan kay miss!
Sabay hatak nito doon sa babae, at sa tingin ko ay close na close talaga ito sa isa't-isa.
ano? Bro? Bakit sya naging bro? eh ang ganda-ganda nya para maging bro eh.
Anobayan.

Inayos ko na ang sarili ko bago ako humarap ulit sa unahan, huminga ako ng malalim ng makita na naman si Dodong kasama yung Monica, akala mo parang dessert lang kung makadikit yung girl sa kanya, hinahayaan naman nya ito kaya masasabi mong nag-e-enjoy din naman si Dodong sa company nya.
(--.)

Ilang saglit lang ng magsimula ang meeting at napag-usapan ang magaganap na camping sa susunod na araw, pinag-usapan na din ang contribution at dapat dalhin sa camping, sa activity na ito, ay every year ginagawa ng mga estudyante ito at sa tingin ko, dahil sa first time ko to, mangangapa ako siguro kapag sasama ako sa camping na yan.
Mag-isa akong bumalik sa room ko dahil simula nung maganap yung kalasingan ko, hindi ko na nakikita sila Josie at Christian, ano kayang ngyari sa kanila after that night?
Curious tuloy ako.

Nagulat ako ng muli ko na namang nakita ang grupo nila Dodong na busy sa paglolokohan, nagulat ako ng paiwas na sana ako ng direksyon at liliko ng direksyon ng biglang may nabangga ako na matigas na bagay.
Ansakit ng ulo ko!
"Oh! Are you okay?
Tumango ako sabay himas sa aking ilong at ulo.
"Ang ganda mo talaga.
Natigil ako sabay tingin sa aking harapan.
Sya?
"Hey, don't mind about what kisses words kanina, di yun totoo, good boy talaga ako!

TadhanaWhere stories live. Discover now