K A B A N A T A (LABING PITO)

248 20 7
                                    

Gabi na at pangawalang araw na namin dito sa resort nila Jake. Nasa pool na ang lahat at may pagkain parin na pinagsasalohan naming lahat.
Katabi ko sila Alex at Josie. Nakalubog lang sa tubig ng pool ang mga paa naming tatlo.
"Okay baby, I will call you right away after this party. You should take your lunch there okay? I love you so much----yeah, I know.
You b-bye--okay baby. Bye.

Kaka-video call lang ni Josie sa boyfriend nya.
Nakatingin lang kami kay Josie kami ni Alex dahil abala ngayon sa kakatapos na video call si Josie.
"Andami ng makati sa mundo! Ang tamis-tamis kasi!

Ngumiti lang si Josie sabay rolyo nya sa mga mata nya.
"Kaylan ka kasi, magb-boyfriend?
Napatingin sya doon kay Jake na abala sa pagk-kwentohan sa tropa ni Dodong.

"Depende sa progress. Hihihi.
Ngumiti sya sabay takip sa bibig nya. Ngumisi lang ako na parang diring-diri sa kilig ng pinsan ko. Ngayon ko lang sya nakita ng ganyan. Promise.
Para syang tomboy na umaaktong nagki-kikay?
Babaeng-babae naman talaga ang pinsan ko. War freak lang kaya ganoon ko sya i-metaphor.
Ang sama kong pinsan noh?

"Kayo? Kumusta naman kayo ng gwapo mong asawang teenager?
Natawa ang pinsan ko sa biro ni Josie pero ngumiti lang naman din ako. Totoo naman? Wala namang mali syang sinabi?
Ang nakakainis lang ay, dapat pa ba yun sabihin?
(.--)

"Ayun, walang progress ang memory gap. Pero okay lang?--di naman importante na sa ngayon ang past.
Tumingin ako sa dako ni Dodong na ngayon ay nagtatawanan na sila ng mga katropa nya. Close talaga sila ng tropa nya noh?
"Ang importante ngayon, ay yung makasama ko sya.

"Kumusta naman yung higad? Nabawasan na ba ang kaliskis ng balat nun?
Tiningnan namin si Monica sa gilid ng pool na abala na kausap yung Mike na isa din sa tropa nila Dodong.
"Tss. Sarap nya balatan eh!

"Siguro ngayon, lalaban na ako.
Napatingin sila sa akin sabay. At tumawa din kalaonan.

"Naku, ang legal wife lume-level-up na!
Untag sa akin ng aking pinsan sabay thumbs-up nya sa akin.

"Mahal ko na sya eh, ganun naman pala kapag nagmahal ka.
Lahat, ipaglalaban mo kahit yung emosyon mo, lalabanan mo para sa kanya.
Tiningnan ko ulit si Dodong, dahil tumingin din ito sa akin pero iniwas nya din ang tingin nya.
"Kahit alam kong kalahati ng parte ng halaga ko sa kanya ay nawala, sa sitwasyon namin na nakalimotan na nya ako? Susuko pa ba ako? Sino nalang ang lalaban sa amin kung susuko ako diba?
Ngumiti ulit ako sa kanya ng mahuli nya akong nakatingin parin sa kanya. Umiwas ulit si Dodong ng tingin sa akin.
Para syang naiilang na ewan?
Haha.

"Tompak ka jan insan! Go for it, we will support you!!
Ngumiti lang din ako habang kami ni Dodong ay naghuhulihan ng tinginan.

Tumayo na kaming tatlo para sana kumain na sana. Dahil nakaramdam ako na pag-iihi, nag excuse muna ako para pumunta ng CR.
Pagkalabas ko ng cubin ay naabutan ko si Monica sa tapat ng pinto. Naka-ekis ang kanyang mga braso na nakatingin sa akin.

Hindi ko sya pinansin bagkus ay itinulak ko sya para makadaan. Ngunit hinawakan nya ang aking braso. Tiningnan nya ako na wari ay kinakatay ako sa mga titig nya.
"So feeling mo, kaya mo na ako ngayon?

Ngumisi ako sabay kuha ko sa kamay nya sa braso ko.
"May kapangyarihan kana ba ngayon para matakot ako sayo? Ordinaryo ka lang ding tao gaya ko. Kaya siguro naman wala akong katatakotan mula sayo?

"You just a poor girl with ugly duckling creature with zero bank record who are wish to be an instant wealthy person. That is why you want to marry Ethan?!
Tinaasan ko lang sya ng kilay. Tama naman lahat ng description nya sa akin. Ang mali lang nya ay yung pinakadulo nyang sinabi!
Pinakasalan ko man si Dodong noon. Dahil nasa bitag na ako ng kontrata.
Papel, oo yung dati? Pero ngayon, puso ko na ang pinaiiral ko, hindi sa papel lang!
"Your just, gold digger! Hindi ka iba sa kanila, bitch!

TadhanaWhere stories live. Discover now