K A B A N A T A (13.5)

169 17 1
                                    

Nasa harap na ako ng kama ni Dodong habang mahimbing na natutulog si Dodong.
Wala na akong dala ngayon, kundi ang pagkain nalang na ginawa ko para sa kanya.
Isang oras narin ako naghihintay para magising sya.
Hinawakan ko ang kamay nya ng bigla itong gumalaw.
Napaayos ako ng upo dahil nagising sya matapos kong hawakan ang kamay nya.

Tumingin sya sa akin dahil ngayon lang din ako nakapunta. Kahapon kasi, wala akong lakas ng loob para magpakita sa kanya. At ang maga din ng mga mata ko. Kung hindi lang din ako tinawagan ng Mommy nya, hindi ako pupunta dito.
Hindi ko alam kung bakit ang aga ko mawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko kasi, hindi na nya ako maaalala pa.
"Dinalhan kita ng pagkain.

Hindi nya ako tiningnan, at ako din ay nakayuko lamang. Parehong kaming kinain ng katahimikan at pagkailang sa isa't-isa. Ang status namin ngayon, ibang-iba sa dati na sya talaga ang laging lumalapit o di kaya'y mang-aasar sa akin.
Sa ganitong lagay, hindi ko alam kung lalapitan o kakausapin ko sya?
Talagang hindi ko alam. Sa tuwing gagawin ko iyon, napanghihinaan na agad ako ng loob.

Agad akong napatayo nung pumasok yung Doctor nya. Mula sa benda at mga mata ni Dodong gamit yung parang may flash light ba yan?
Back up check up sya agad sa condition nya ngayon.
"Okay na ang sugat at condition mo, kaylangan mo pa ng pahinga. Kaylangan mo din kumain ng mga masusustansyang pagkain para mas bumuti pa ang kalagayan mo.

Aalis na sana yung doctor ng pinigilan ko sya. Sumunod ako sa kanya sa labas para tanungin yung tungkol sa condition ng amnesia ni Dodong.
"Doc, yung tungkol sa memory nya. Posible bang hindi na nya ako maalala?

"Frankly to saith ma'am. Yes. May posibilidad sya, hindi natin masasabi. Depende iyan sa pasyente kung may recovery improvement ba sa memory nya, its either the two result will be, temporary or permanent amnesia. Hindi natin masasabi. Base sa test a days ago, grabi talaga ng damage nya sa head nya expected na may mangyayari talagang amnesia at salamat nalang talaga at amnesia lang resulta ng damage. Yung iba, critical at 50/50 ang lagay. Pero, let see ma'am. Tulongan mo lang syang ma-regain yung memory na nawala.
Umalis na din agad yung doctor at nanatili nalang din ako sa labas.
Sa loob kasi, pakiramdam ko mas lalo ko lang pinapahirapan si Dodong. Talagang hindi nya ako maalala.

"Tempory? permanent? Amnesia?
Bakit ang hirap mong tanggapin. Pasalamat ka nalang grasya at iyan lang ang ngyari sa kanya.
Na buhay pa sya! Yung iba nga, 50/50! Huwag ka ng magreklamo!

"Iha, anong ginagawa mo jan? Pinaalis ka ba ng anak ko?
Napatayo ako ng makita ang Mommy ni Dodong.

"Hindi po tita. Baka kasi, mas lalo syang mahirapan dahil sa akin kapag nasa loob ako.
Tsaka na siguro kapag okay na po sya tita.
Bibisita nalang po kaya ako, kapag okay na sya?
Nakayuko lang ako, hindi ko na kasi napigilan itong bigat sa loob ko. Dapat hindi ito sinasabi sa Mommy nya eh. Ano ka ba grasya!

"Nahihirapan ka ba iha sa condition nyo ngayon?
Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Tumango nalang ako bilang tugon.
"Hindi kasi iha, mas makakatulong kung lagi mo syang kasama. Para lalo ka nyang maaalala.

"Naiilang po ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, iba na ako sa mga mata nya. Pasensya na po talaga.
Ngumiti sakin ang Mommy nya at hinawakan ang kamay ko.

"Halika, magtutulongan tayo para maalala ka nya. Okay?
Hinila na nya ako papasok sa kwarto ni Dodong.
Pagkapasok namin sa loob. Nakatalikod si Dodong ng higa at tumayo din ito agad ng makita nya kami.

"Mom, you told me that she is my wife?
Lumapit sa kanya ang Mommy nya.

"Yes baby, you promise to your lola na papakasalan mo sya. And now it happened.
Umupo sya at hinawakan ang mga kamay ni Dodong.
You should remember her. You treasure her like a gold son.
Why you ask? Did you doubt what I saith? I don't know how to lie son. You know that.

TadhanaWhere stories live. Discover now