K A B A N A T A S I Y A M

324 30 5
                                    

Ilang araw ko na halos iniiwasan si Dodong. Marahil ay abala naman ito sa mga kaibigan kaya okay lang naman siguro ang ginagawa ko?
May anim na missed call at apat na text galing sa kanya akong natanggap pagkabukas ko ng cellphone ko.
Pabalik na ako ng room ko ng maabutan ko si Mrs. Batohinog sa main entrance ng building.
"Iha.
Nagulat ako sa pagtawag nya sa akin dahil abala kasi ako sa cellphone ko.

"Po?
Nagulat ako ng may inabot sya sa akin na mga susi---ay, mali, susi ko mismo ng room ko?
"Hala, akin to ah, pano po to napunta sayo?

" aba ewan ko sayo iha!
Nilagay nya ito sa inilahad kong mga kamay sa kanya.
"Sa susunod ha, wag mo ng walain ang susi mo, wala kang duplicate na makukuha kung wawalain mo pa ulit yan!

Tumango ako sa sinabi sakin ni Mrs. Batohinog at nilagpasan na sya patungo sa dorm ko.
Nakakatakot talaga sya magalit.
(--.)
Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko, pakiramdam ko kasi pagbukas ng pagkabukas ko sa pintoan, may makikita ako.
At kung ano man iyon, sana walang bahid na galing kay Dodong. Kinakabahan tuloy ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko napag-desisyonan na pumasok na sa kwarto.
" AY! KAMOTE KA!!!
Sigaw ko ng bumungad sa akin ang mukha ni Dodong!

"Sssshhh!!!
Tinakpan nya muna ang aking bibig bago nya ako hinila sa loob ng dorm.
" ang tagal mo naman?!

Sinasabi ko na, kapag may ganitong pangyayari, may Dodong talaga na lilitaw.
(><)
"Bawal ka dito ah! Pano ka nakapasok dito?!
Pag kwestyon ko sabay turo sa kanya. Hindi nya ako pinansin, pero hinagisan nya ako ng paper bag, agad ko naman sinilip ang laman ng paper bag.

" may masama ba na bumisita ako sa asawa ko?
Napangiwi ako habang sya nakangisi lang.

"Para san to?
Itinaas ko yung paper bag na binigay nya sakin.

" may party sa sabado, ikaw ang ka-date ko, kaya yan ang suotin mo.
Inihagis ko ulit yung paper bag sa kanya kaya nagtaka ito sa ginawa ko.

"Hindi ako pupunta, kung gusto mo, yung Monica mo nalang yung ka-date mo.
Umupo ako sa may couch ng dorm namin at hindi sya hinarap.
Umisog ako ng tumabi ito sa couch na inuupoan ko.

" hindi nga pwede, kasi ikaw nga ang ka-date ko, ang kulit mo naman e.
Nakaharap ito sa akin, habang ako ay hindi sya hinaharap.
Ano bang problema nya? Diba nga, kani-kanina lang kasama nya yung Monica nya? Eh kung sya nalang kaya gawin nyang asawa? May sayad na ata tong batang to e.

"Bakit ako? Hindi nga ako uma-attend ng party eh!
Nasasabayan ko na ng sungit ang pagka-inis ko kay Dodong, help me readers, baka mahampas ko to!

" bakit hindi ikaw? Eh, ikaw nga asawa ko diba?
Ayaaan na naman sya. Asawa-asawa sa papel lang po ako Dodong, wag kang ano.
" kung hindi ka pupunta sa party, pupunta ako dito sa dorm mo at tatabi ako sayo matulog kasama ang mga ka-dormates mo.
Nagulat ako ng may itinaas syang isang piraso ng susi sa mukha ko.
" I have a duplicate in your door?

"Baliw ka ba?!
Kukunin ko na sana yung susi sa kamay nya nang inuhan nya ako sa pagtago nito sa likod nito, ang ending. Sa mukha ko ay muntik ko na syang mahalikan sa paglapit ko para makuha yung susi!

" so, you have no choice but to follow me?
Napa-kamao ako sa inis sabay harap sa kanya. Dito sya magaling eh, ang ma-control ako sa mga gusto nya!
"And about Monica, don't be jealous. Kahit naman anong gawin natin, sayo ako kasado e, at hindi sa kanya.

" hindi ako nagseselos! Ang kapal mo ah!
Nag shrug lang sya, at tumayo na agad namang yumuko sabay level nya sa mukha ko, kaya ang ending nagkatitigan lang kami ngayon.
"Anong tini-tingin-tingin mo?!

TadhanaWhere stories live. Discover now