K A B A N A T A (LABING Anim)

205 21 2
                                    

Nakatingin lang ako sa isang malawak na karagatan at mga taong abalang naliligo sa dagat.
Isang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin sabay pikit ko na parang kino-comfort ako ng malayang hangin.
Ngumiti ako kay Alex at Josie na abalang-abala sa pagluluto ng barbeque. Kumaway sila sa akin.

Napayuko ako ng ng bumagsak sa buhangin ang aking sunglass.
"Luto na?
Kinuha ko sa buhangin ang aking sunglass at lumapit na ako sa kanila.

"Magpahinga ka nalang doon sa cottage insan!
Umiling lang ako sabay kuha ko ng pamaypay.

"Naku ha. Hindi porket birthday ng Jake na yan. Kung ano-ano hihingin nyan sayo. Babantanyan ko talaga kayong dalawa!
Siniko ako nya sabay turo nya sa may kanan.

"Kami ba dapat mo bantayan? o yung higad at gago mong asawa?
Sumimangot ako ng lumingon ako sa kanila ni Dodong at Monica.
Ako ata ang dapat bantayan mo insan, baka may ulo nalang gugulong sa lupang sinilangan talaga!
Nakatingin padin ako doon sa bandang kanan na abala ang mga tropa nila sa paglalaro ng volleyball.

"Ako ang hihila sa ulo girl!
Kinuha ni Josie ang kanyang dalang kutselyo.

"Bago kayo maging murderer taposin na muna natin yang mga pagkain dahil gutom na gutom na ako.
Kinamot ko nalang ang aking mukha dahil natatamaan ito ng usok.

Ilang minuto lang ng naluto na ang mga ito. Napagdesisyunan naming lumapit sa dagat.
Abala naman yung iba sa paglalaro ng volleyball eh.
"Girl. Ang daming mga fafa dito!

"Pano ba m-attract ng lalake?
Napatingin silang dalawa na waring gulat sa aking tanong.

"May plano ka bang palitan ang asawa mong perfect girl?
Tumango ang pinsan ko at ngumiti lang ako sa kanila.

"Wala lang, naisip ko lang?
Tumawa silang dalawa sa akin na akala mo ay umaayon sa sinabi ko.

"Kung ako din naman ang tatanongin? Bakit pa ako magtatagal sa asawa mo, eh may higad na baliw na baliw sa kanya?
Tiningnan ko lang yung dagat. Ang lawak!
Gaya ng sinabi ni Josie ngayon? Malawak isipin, pero mahirap gawin.

"Insan, kung may plano kang makipag-hiwalay sa kanya. Sabihan mo lang ako, madami akong irereto sayo!
Nag apir sila ni Josie.

"Try mong tingnan yung sa kaliwa. Gwapo noh? Matangkad din! Madaaaming gwapo sa mundo! Pwedeng kapang pumili girl!
Tiningnan ko yung tinuro nya.
Umiwas agad ako ng matantong tumingin din ito sa amin.

"Hoy! Ano ba kayo! Wag nga kayong turo ng turo jan!
Sinimangotan lang nila ako.
At hindi na nila tiningnan yung lalake.

Umupo kami sa buhangin at humarap sa dagat.
"Gusto ko na bumalik ng states.

"Gwapo din ba ang boyfriend mo?
Ngumiti si Josie at tumango kay Alex.

"Oo naman! Pure American! At, mabait din sya.
Tumango lang sa kanya si Alex at tumingin sa akin.

"Alam mo insan? mag enjoy ka nalang kaya? Wag puro selos ka jan sa higad na yan! Pag ako talaga mapuno jan? Naku talaga!
Tiningnan nya ng masama si Monica na dikit ng dikit kay Dodong.
Nahuli kasi ako ni Alex na nakatingin sa kanila habang nag-kwento si Josie.

"Di ko maiwasan eh.
Niyakap ako ni Josie sa aking braso at hinimas ang likod ko.
Nag cross arm lang si Alex sabay tingin ulit sa kanila ng masama.

Isang oras din kami nagk-kwentohan doon habang nakaupo sa buhangin.
Ilang saglit lang ng tinawag na nila kami para kumain.

Lumapit na kami doon at kasama ng mga tropa nila ay inabotan nila kami ng mga pagkain.
"Anong gusto mong pagkain?

TadhanaWhere stories live. Discover now