K A B A N A T A LABING TATLO

205 16 7
                                    

Dali-dali akong pumunta sa sinabi nilang hospital. Nagkakagulo na nga doon sa loob ng hospital. Hinanap ko agad yung Operation Room na sinabi sakin nung receptionist.
Pagkarating ko doon ay naabutan ko yung mga tropa ni Dodong.
Lumapit sila sa akin pero ni pagtingin at kausapin sila ay hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa pintoan ng Operation Room. Tulala ako habang yakap-yakap yung album na ginawa nya para sa akin.

Umabot na ng dalawang oras bago may lumabas na doctor sa Operation Room.
"Doc, ako po yung asawa nung dinala jan. Kumusta po sya?!

Nanginginig man ako, pero pinapalakas ko ang sarili ko. Yung Monica naman, ay iyak ng ng iyak. Humagulgol sya kaya ume-echo ang iyak nya sa buong paligid.
Gusto kong huwag syang pansinin pero naiinis na ako sa boses nya. Kaya lumapit ako sa kanya!
"Pwede ba, hinaan mo yang boses ng iyak mo! Ako ang asawa at hindi ko kaylangan ng suporta ng iyak mo!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumalik ulit ako doon sa Doctor.
"Critical ang lagay nya, may fracture syang natamo pero mas malakas yung impact sa ulo nya. He has a serious damage in his head kaya kaylangan pa naming i-under observation sya ng ilang araw. If there is a serious result in our test to your husband, please be prepared ma'am.

"Ano?! Doctor po kayo diba? Please po, gawin nyo po lahat para m-save si Dodong! Please po, gusto ko pa po syang makasama Doc!
Hindi ako iiyak, alam ko! Malakas si Dodong, kaya nya ang operation. Alam ko, hindi nya ako iiwan! May promise sya sa akin!

"Don't worry iha, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin. As for now, we need your permission para permahan ang another operation namin sa asawa mo. Please follow me.
Nakatingin ako sa pinto ng Operation Room bago ako sumunod doon sa Doctor.

Ilang oras lang ang nakalilipas. Nasa labas na ako ng Operation Room, at kanina lang ay tinawagan ko na ang mommy ni Dodong. Sa boses ng mommy nya, alam kong sobrang pag-alala na nya sa anak nya, hindi na nga nya mabanggit ang mga salita.
Babalik daw sila dito sa pilipinas agad.

Napatingin ako doon Operation Room, may apat na oras narin. Gustong-gusto ko na makita si Dodong!
"Hindi ako iiyak, ang iiyak lang yung wala ng pag-asa. Alam ko, magigising si Dodong. Malakas si Dodong, lagi nga nya akong pinapagalitan, sobrang sungit nun!

Hinawakan ko pa yung dalang album ko. Nagulat ako ng nagsilapitan sa akin yung mga tropa nya. At isa-isa nila akong pinapalakas.
"Huwag kayong mag-alala, magiging okay din sya. Umuwi muna kayo, tatawagan ko nalang kayo pag gising na sya.
Nakaramdam ako ng kakaibang paghilo at paghihina. Pero hindi ko iyon iniinda. Hihintayin ko pang magising si Dodong!

Nakatingin lang ako sa operation room. Hindi ko alam, wala na akong alam sa mga sinasabi ko. Ang alam ko lang ng mga oras na iyon. Gusto ko na syang makita.
Gustong-gusto.

Ilang saglit lang ng biglang dumilim ang aking buong paligid. Ang narinig ko lang. Ay mga boses nila na tinatawag ang pangalan ko at naramdaman ko nalang yung pag-angat ko. At sa sumunod na ngyari. Wala na akong alam.
Black out na ako.

********

"Gising na sya!
Ang bigat ng mga mata ko. Sinalubong ako ni Alex na may pag-alalang mga mata. Naroon din ang ilang mga ka-tropa ni Dodong na nakaupo sa couch.
"Insan!

"Anong ngyari?
Nagtinginan sila bago lumapit sa akin ang mga katropa ni Dodong.

"Nahimatay ka kagabi, ang sabi ng doctor, kaylangan mo pang magpahinga insan.
Umiling ako at inalis ko ang mga kamay ni Alex, tatayo ako.

"Si Dodong Alex!
Hinayaan nila akong tumayo. At tiningnan ko ang mga katropa nya para sa sagutin ang kundisyon ni Dodong.

"Gising na sya.
Lumawak ang mga mata ko at bumangon ako agad. Inalayan ako ni Alex at tinulongan din ako ng ilang katropa ni Dodong.
"Ako na jan.

TadhanaWhere stories live. Discover now