Deanna POV
2 years ng nakakalipas mula noong nasaktan ulit ako sa taong una kong minahal
Oo nagkabalikan kami pero di rin nagtagal, natapos din kasi hindi pa rin sya nagbabago mas mahalaga pa rin sa kanya ang iisipin ng ibang tao
Pareho kaming nag desisyon na maghiwalay nalang at maging mag kaybigan nalang ulit
Sa ibang bansa ako nagtratrabaho, 4 years na rin ako dito pero 2 years ago umuwi ako sa Pilipinas ayun nainlove at nasaktan ulit sa isang tao pa rin at huli na yun
Malapit na ulit ako umuwi wala akong sinabihan bukod sa kaybigan ko na susundo sa akin sa airport
Si Jema matagal ko ng kaybigan, college pa lang ako noong nakilala ko sya pero nawalan kami ng communication dahil naging busy sa buhay, nagkaron na sari- sariling lovelife
Bumalik lang noong durog na durog ako at sya lang yung tumulong sa akin para malagpasan ang lahat at noong nagkabalikan kami ulit nandyan pa rin sya para pagalitan ako
noong panahon na durog din sya at niloko ng ex nya di ko sya iniwan kasi alam ko kaylangan nya ng makakapitan tulad ng ginawa nya sa akin
Dumating na yung araw na uuwi na ako, excited na ako makita silang lahat halos di na ako makatulog dito sa airplane
Di ako mapakali kaya binuksan ko nalang ung window at nagiisip
Kumusta na kaya sya? Masaya na kaya sya?Palapag na ang eroplanong sinasakyan ko pero hindi ko alam bakit bigla akong kinakabahan kanina naman wala to.
Nasaan na kaya yung babaeng yun?
Nakuha ko na lahat ng gamit ko at palabas na ako ng biglang may sumigawJema- Deanna dito
Tumatakbo syang palapit sa akin at ang haba ng ngiti nya
Deanna- kala ko wa..( naputol yung sasabihin ko ng bigla nya akong niyakap)
Deanna- hoy di ako makahinga (pang aasar ko pero di pa rin sya bumitaw ng yakap) grabe ka namiss mo talaga ako Jema ah
Jema- Oo ikaw lang naman yung hindi ako namiss
Deanna- grabe ka naman (biglang hila nya sa akin)
Jema- tara na nandun yung kotse naka park
Nakasakay na kami ng kotse at napasin ko na sobrang linis ng kotse nya, hindi sya malinis talaga or ma organize sa gamit nya kaya nakakagulat talaga
Deanna- ang linis ng kotse mo ah
Jema- syempre pinaghandaan ko yan. Ikaw ba handa ka na? (Biglang ngiti)
Deanna- handa saan?
Jema- magmahal (bulong na sagot nya)
Deanna- ano yun?
Jema- wala! Ang sabi ko maghanda ka na kasi sobrang trapik, parang ikaw trapik mag move on (bulong na sabi nya)
Deanna- paulit nga ung huling sinabi mo di ko narinig
Jema- hoy hindi ako nakaregister sa unli kaya sorry ka nalang ( sabay ngiti)
Deanna- ewan ko sayo hindi ka pa rin nagbabago. Tulog muna ako ah gisingin moa nalang ako
Jema- at ginawa mo pa talaga akong driver ha. Pasalamat ka naku! (Bigla syang nagpatugtog) mahal lang kita ( mahinang sabi)
Nagising nalang ako nasa daan pa rin kami
Deanna- grabe naman trapik dito
Jema- sorry po ah next time yun private plane ko na dadalhin ko
Bigla akong natahimik na narinig ko yung kantang secret love song ng little mix, favorite nya kasi yung kantang yun siguro kasi sakto sa amin dalawa yung lyrics
Napasin ni Jema at bigla nyang nilipat yung music
Jema- malapit na tayo magready ka na
Sa pananalita nya napasin kong nag iba ung timpla nya
Jema- dito na tayo tara na
Nauna syang bumaba para di pa rin nila malaman
Pagpasok namin sakto nagulat silaPero hindi ko inaasahan na mas magugulat pala ako
Bakit sya nandito?
![](https://img.wattpad.com/cover/185460981-288-k971781.jpg)