Jema POV
Nag message sa akin si Deanna, dali dali ko tong binasa
"""Jema sorry na kausapin mo naman ako. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko kasi binigyan ko ulit ng pagkakataon si Nikki, sabi nya magiging matapang na sya ngayon at paninindigan na nya ako. Nasaan ka na ba?? Sagutin mo tawag ko"""
Pagkatapos kong mabasa ang message ni Deanna tumayo at naglakad ako ng mabilis papunta sa CR
Bumuhos na agad ang luha ko pagpasok ko sa loob
Alam ko di naman dapat ako umiiyak ng ganito kay Deanna kasi hindi naman kami pero hindi ko napipigilan dahil sobrang mahal ko na sya
Sana pala tinuloy ko nalang yung pag iwas ko sa kanya dati edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito
Kumatok si Fhen sa pinto , sumunod pala sya at kanina pa nya ako naririnig na umiiyak
Pinusan ko ang luha ko at nag ayos ng sarili tsaka lumabas
Hinila ko si Fhen at lumabas ng coffee shop. Lumipat kami sa katabing bar nito
Nag order agad ako ng dalawang bucket ng beer
Mabilis kong ininom ang mga to wala pang isang oras naka 5 bote na agad ako ng beer at si Fhen ay 2 bote pa lang
Di ko na namalayan bumabagsak na ang luha ko at nagulat ako ng bigla nalang pinusan ni Fhen ang luha ko
Fhen- wag mo sayangin ang luha mo sa taong hindi ka naman napapansin
Jema- di mo naman alam lahat at di mo kilala si Deanna
Fhen- hindi nga pero alam ko di ka nya gusto
Jema- aray ah ! Masyado kang deretso dahan dahan naman dyan
Fhen- ikaw kasi bigyan mo nalang ako ng chance, payag ako Jema na gamitin mo ako para makalimutan mo sya
Jema- talagang ngayon pa Fhen magtatanong ng ganyan tsaka ayoko ng gagamitin kita
Fhen -seryoso ako Jema , kaya kong gawin lahat para sayo. Ayoko ng nakikita kang umiiyak
Jema- bahala na pagiisipan ko, tara na nasusuka na ako
Tumayo at lumabas na kami ng bar, hindi naman kasi talaga ako sanay uminom
Kinuha sa akin ni Fhen ung susi para sya na magmaneho
Pagsakay ko ng kotse nakatulog agad ako
Nagising nalang ako nasa harap na kami ng apartment ko, mag isa lang ako dito, ung parents ko nasa laguna
Dinadalaw lang nila ako kada weekend or ako ung pumupunta sa kanila minsan
College pa lang ako dito na ako nakatira kaya alam ni Fhen kung saan nya ako iuuwi
Sabay kami bumaba ng kotse
Jema- Fhen sige na
Fhen- sige uwi na ako
Jema- Oo na sige na payag na ako sa chance na hinihingi mo
Fhen- talaga ! Yesss !! (Tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako) hinding hindi ko sasayangin ung chance ng binigay mo Jema
Hindi naman siguro masama kong isipan ko rin ang sarili ko
Deserved naman lahat ng tao ang second chance lalo na kung sincere ito
Jema- sige na Fhen uwi ka na pasok na ako sa loob
Fhen - ok sige salamat Jema, magpahinga ka na, Goodnight
________________________________
Jema POV
Umagang umaga my nag doorbell na agad sa pinto ko , pag bukas ko ng pinto bumungad sa akin ang mga bulaklak at chocolates
Ma'am dito nalang po yung pirma- delivery boy
Kinuha ko at sinirado ang pinto, dali dali kong binasa ang card na nakaipit dito
Good morning sunshine
have a lovely day ahead
From- FhenWala pang isang minuto ang nakalipas ng my nag doorbell ulit sa pinto, siguro ung delivery boy may nakalimutan
Pagbukas ko akala ko yung delivery boy ulit pero hindi pala at natulala ako
________________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/185460981-288-k971781.jpg)