Jema POV
Maaga ako nagising hindi kasi ordinary ang araw to sa akin
Parating na kasi Deanna pero mamayang hapon pa naman, gusto ko lang talaga mag ready ng maaga
Lilinisin ko muna yung kotse tapos maliligo na ako
Natapos na lahat ng gawain ko at nakapag ayos na rin ako ng sarili ko, hindi ko alam pero naka ilang palit na ako ng susuotin ko gusto ko lang talaga maging perfect ang araw na to
Sumakay na ako sa kotse pero hindi pa ako pupunta na airport, makikipagkita muna ako kay Fhen para maayos ang plano namin
Walang alam si Deanna sa plano ko, sigurado kasi akong magagalit yun kapag nalaman nya na kasama si Fhen. Noong nalaman kasi nya na niloko at pinagpalit ako sa iba sobrang nagalit sya na parang sya yung niloko nito dinaig pa ako
Pero ngayon kapag naiisip ko yung nangyari dati natatawa nalang ako, tsaka di rin alam ni Deanna na ok na kami ni fhen na magkaybigan na kami ayaw nya kasi nakakarinig ng tungkol kay fhen
Nakarating na ako sa meeting place namin ni fhen sa isang coffee shop. Nakita ko agad syang kumakaway at naka ngiti sa akin
Fhen- nag breakfast ka na ba? Coffee, juice, frappe, water or cakes ano gusto mo?
Jema- (smile) relax dami mong tanong, ok lang ako
Fhen- sorry di ka pala nag bre-breakfast
Jema- so alam mo na ah yung planong pinagusapan natin kagabi
Fhen- yes ma'am hindi po ako papalpak
Jema- sige na baka matrapik ka pa, punta na rin akong airport
Nakarating na ako ng airport at mukhang napaaga ata ako
bakit pa kanina pa ako hindi mapakali at lakad ng lakad
Hindi ko alam pero di naman ito yung unang pagkikita namin pero sobrang naeexcite akong makita sya, siguro kasi iba na yung nararamdaman ko sa kanya, hindi ko alam kung kailan to nagsimula basta napansin ko nalang unti unti akong nahuhulog sa kanya
Sobrang maalalahanin kasi at maalaga yun hindi ko nga alam bat ganun nalang kadali sya bitawan ni nikki at sobra sobra pa yun magmahal. Alam kong halos mabaliw at magpaka tanga yun kay nikki buti nalang nagising sya at natauhan, buti nalang ok na sya ngayon pero napaka manhid naman kulang nalang sabihin kong liligawan ko sya. Di nya maramdaman yung mga ginagawa ko,bestfriend pa rin turing nya
Ayan na si Deanna at ang lakas ng kabog ng dibdib ko, tumakbo ako papalapit sa kanya at di ko napigilan yakapin sya
Dumiretso na agad kami sa kotse at nag byahe. Natulog muna sya.
Habang natutulog sya madalas ko syang titigan at tinatanong ko sarili ko
Bakit ba di mo maramdaman na mahal na kita?
Pagdating namin ng bahay nila masaya kaming sinalubong ng mama nya gulat na gulat at walang kaalam alam na darating sya
At mukhang sya rin nagulat, kinakabahan tuloy ako sa ginawa ko ,iiwas nalang muna ako
Pumunta ako ng kusina para tulungan si tita pero paglingon ko nakasunod pala si Deanna
Bakit kaya nagagalit to baka naman nagseselos to si Deanna (smile) wish ko lang, sana nga no.
Kumaen kami, nagkwentuhan at nagpahinga sandali pero hindi pa rin sila naguusap
Hindi ko talaga alam ang nararamdaman ni Deanna kaya gusto sana subukan at sakto naman nagpapa alam ng umuwi si Fhen, sasabay ako sa kanya
Pagkatapos ko magpaalam nakita ko sa mukha nya ung inis at magkasalubong mga kilay,pinipigilan kong wag tumawa at biglang hinila nya ako at kinausap
Hindi nya pala gusto na samabay ako kay fhen pero wala naman syang magagawa dahil gusto ko syang asarin at gusto ko malaman ung nararamdaman nya
Lumabas na lang kami at di ko na sya pinansin. Dumiretso na kami sa kotse at umalis.
Kinakabahan tuloy ako sa ginawa ko hindi ko alam kung nagseselos ba sya or gusto nya lang ako protektahan pero sana nagseselos nga sya, gusto kong magselos sya