Jema POV
Papalabas na sana ako ng pinto ng bigla kong nakita si Deanna na paparating, agad akong tumakbo papasok at sinabi ko sa kanila na kapag may naghanap sabihin na wala ako
Dumiretso ako sa storage room namin para doon magtago
_________________________
Deanna POV
Deanna- hello Good morning nandito ba si Ms. Jema?
Thang- si Ma'am Jema po diba po kakapasok
Dori- Ay wala po si ma'am
Thang- diba si ma'am
Dori- hindi! Wala sya diba kakapasok mo lang wala talaga sya
Thang- tama po wala nga sya
Di ko alam kung maniniwala ba ako sa dalawang to, parang iba yung kutob ko
Kyla- uy Deanna kanina ka pa ba? Halika samahan mo muna ako bumili ng maiinom
Hinila naman ako ni kyla palabas. Di ko alam kung saan ako dadalhin nito, mukhang malayo na kami sa store nila at di ko rin alam bakit kami sa iba pa bibili ee pwede naman yung milk tea's at fruit tea's nila
___________________________
Jema POV
Hay naku thang muntik pa akong mahuli dun buti nalang dumating si kyla, marami na talaga akong utang sa kanya. Malaki pa naman maningil yun
Habang naglalakad ako papuntang parking lot di ko naman inaasahan na masalubong sya
Jema- bakit ka nandito? Halika na nga, sa ibang lugar na tayo magusap
Habang nagmamaneho ako wala ni isa sa amin ang nagbabalak magsalita
Mukang mapapanis na ata mga laway namin hanggang sa makarating kami sa Fisher mall
Dito ko nalang sya dinala para siguradong di ako makikita ni Deanna, di naman maiisip ni Deanna na nandito ako kahit malapit lang to sa Sm North
Jema- di mo pa rin sinasabi sa akin kung bakit pinuntahan mo ako?
Fhen- ha? Ano kasi gusto kitang yayain kumain sana, diba nga liligawan kita
Habang kumakaen kami di maalis sa isip ko si Deanna. Di ko alam kung nasaan na sya, kung ano na nangyare sa kanya? Baka magalit na yun sa akin,, teka Ano ba tong naiisip ko nasa harapan ko ang taong gusto akong mahalin, masaya na si Deanna sa iba. deserve ko naman din maging masaya kaya focus tayo jema
______________________________
Deanna POV
Di ko alam kung may problema ba to si kyla kanina pa sya di makapili ng maiinom nya
Kyla- sorry ah ang tagal ko pumili kinakabahan kasi ako sayo este dun sa vlogger,may darating kasi mamaya alam mo na first time ko yun
Deanna- sige okay lang take your time. By the way si Jema nasaan?
Kyla- si Jema may minimeet na client yun ngayon. Magiging busy yun sa mga susunod na araw.
Pagkatapos ni Kyla bumili di na rin ako nagtagal at nagpaalam na ako umalis
Deanna- ganun ba sige mauuna na ako mukhang Madame ka pang gagawin. Good luck wag mo ako kakalimutan kapag sikat ka sa youtube ah 😄
Pauwi na sana ako ng maisipan kong daanan si cathy. Malapit lang din kasi sya dito at kailangan ko din sya kausapin ng personal para humingi ng favor na icomfort muna si Nikki
Nakarating na ako sa meeting place namin di naman sya kalayuan kaya mabilis lang din ako nakarating
Oorder na sana ako ng biglang may nakita ako sa gilid ng mga mata ko pero paglingon ko bigla ito nawala
Cathy- Hoy Deans may hinahanap ka ba?
Deanna- wala naman parang may nakita lang ako pero anyway gusto ko sana humingi ng favor
Cathy- oh sure sure ano yun?
Kinikwento ko kay Cathy lahat ng nangyare, di nya maiwasan na himinga ng malalim ksi ito na naman yung problema namin ni nikki pero hindi sya nagdalawang isip sa hiningi kong favor. Sya na daw bahala kay nikki at ako sundin ko daw kung saan ako sasaya
Cathy- deans next time na magkita tayo pakilala mo na sa akin yan ah
Di ko maiiwasan ngumiti ng mahaba habang pinaguusapan namin sya
Paglabas namin ng resto habang naglalakad kami bigla nalang ako napangiti ng mahaba
Napaka gandang anghel ang nakita ko parang tumigil ang oras
pero bigla ito nasira na may makita ako sa kasunod nya sa kanyang likuran
Si Fhen, bakit na naman sila magkasama? Sya ba yung sinasabi ni kyla na client nila pero bakit sya pa ang dami namang iba dyan
Sa sobrang inis ko hinila ko papalayo si cathy at niyaya na itong umuwi
Habang nag mamaneho di ko maiwasan isipin ang mga nakita ko. Iniiwasan ba ako ni Jema dahil dun or baka naman sinabi ng ungas na yun iwasan ako. O baka kaya sya umiiyak kagabi dahil nagkabalikan na sila at di nya masabi dahil magagalit ako
Gusto ko syang tawagan at tanungin lahat ng nakita ko at lahat ng tanong sa isip ko pero wala naman akong karapatan dun
Napabuntong hininga nalang ako sa nangyare.
At naisip ko Noong mga panahon na sinabi ko kay Jema na nagkabalikan kami ni nikki wala akong narinig sa kanya, sinuportahan nya ako at naging masaya sya sa akinSiguro dapat ko rin sya suportahan sa gusto nya at kung saan sya sasaya
_______________________________
![](https://img.wattpad.com/cover/185460981-288-k971781.jpg)