Jema POV
Habang nagmamaneho ako napasin kong tahimik si fhen, hindi ko naman alam kung ano iniisip nito
Jema- fhen are you okay?
Fhen- jema pwede bang mag coffee muna tayo sandali
Jema- sige daan nalang tayo SB
Ayoko na sanang mag coffee pero nahihiya naman akong tumanggi sa kanya
Naka order na kami ng coffee pero tahimik pa rin sya at tulala
Jema- ok ka lang ba talaga?
Fhen- sorry
Naguguluhan ako sa taong to bakit sya nag sosorry
Fhen- sorry dahil nasaktan kita, sorry sa lahat ng nagawa ko
Jema- fhen matagal ng tapos yun, ok na tayo napatawad na kita
Fhen- pero sa akin hindi pa tapos yun dahil gusto pa rin kita, mahal pa rin kita. Gusto ko sanang bumawi sayo bigyan mo pa sana ako ng chance, alam kong nagkama—
Tumayo at di ko na tinapos ang mga sinasabi nya pero hinabol pa rin pala nya ako
Fhen- jema please, gagawin ko lahat bumalik ka lang
Jema- fhen sorry pero wala ka ng babalikan may mahal na akong iba
Fhen- sya ba? Si Deanna tama ako diba ( habang my luhang pumapatak)
Jema- sorry talaga
At tuluyan na akong umalis
Pagdating ko ng bahay naghilamos at nag toothbrush lang ako at dumiretso na sa kwarto ko pero hindi ako makatulog di dahil sa sinabi ni fhen kundi dahil sa kape na ininom ko
Kinuha ko nalang ang cellphone ko sigurado magkasalubong na kilay nun ni Deanna, naiinis pa naman un nung pag alis namin
9 missed calls
1 new message receivedNapangiti nalang ako sa nabasa ko, tatawagan ko pa sana sya pero napansin ko ang oras baka tulog na din yun bukas ko nalang sya tatawagan
Magbabasa nalang ako para makatulog
Nagising ako dahil sa tawag ni fhen. Pagkakita ko sa pangalan nya pinindot ko agad ang end call, ayoko pa kasi syang kausapin baka maopen nya ung kagabi
9am na tawagan ko nalang si Deanna.
Aba di sumasagot gumaganti ata to sa akin
Si tito nalang tawagan ko
Sa sobrang tagal din naka idlip ako sandaliTito- hello, hello hello anak, Jema
Jema- sorry po tito naka idlip po ako. Si Deanna po tinatawagan ko po kasi pero di sumasagot (hikab) sorry po
Tito- nak si Deanna nasa baba kasi sya, sabihin ko nalang sa kanya
Jema- sige po thank you tito
Tito- nak mamaya sumama ka sa amin may dinner kami sa labas kasama mga tita nyo
Jema- sige po tito message ko nalang po sa akin ung location
Tito- ok sige masyado pang maaga matulog ka na muna ulit, ako na bahala magsabi sa kanya, sige bye anak
Pagtapos namin magusap ni tito ay nakatulog na rin ako agad
Nagising ako ulit dahil sa my tumatawag na naman.
Pagtingin ko si Fhen ulit, Hay naku!
End call ang pinindot koHalos tanghali na din kaya bumangon na ako at naghanda ng makakain at lakas ng loob kasi alam kong yari ako kay Deanna. Mamaya ko nalang papaliwanag sa kanya
Sandali hindi naman kami bat ako magpapaliwanag baka nga wala ng pakealam yun, iniisip ko lang ata na naiinis sya pero hindi naman siguro talaga tingnan mo wala ngang message sa akin, walang paramdam man lang. mali ata yung ginawa kong moves.
Hay bahala ka na nga!
Nag aayos na ako ng sarili ng makatanggap ako ng message galing sa papa nya, buti pa ung papa nya mayroong paramdam
Minessage nya sa akin ung location ng dinner namin
Medyo malayo ung location kaya maaga akong umalis at pagdating ko nandoon na rin ung family ni Deanna pero wala p si Deanna
Tatawagan ko na sana ng biglang dumating si Deanna at
Si Nikki
Ano ba pumasok sa isipan nito at dinala pa ex nya at kaya pala walang paramdam kasi kasama nya ex nya
Di ko namalayan na lumapit si Deanna sa akin dahil sa ex nya ako nakatingin
Umiwas ako sa kanya at umupo sa tabi ng papa nya
At ung isang tita nya lumapit sa ex nya at nagyakapan niyaya nya to tumabi sa kanya
Di ko ulit namalayan na naka tabi na pala sa akin si Deanna at panay tanong sa nangyari sa amin kagabi
Kahit isa sa mga tanong nya wala akong sinagot, parang nagsasalita lang sya sa hangin
Dumating na ung order namin at dire- diretso lang ang subo ko hanggang nasamid ako
Nakatingin lang ako sa tubig na inaalok sa akin ni Deanna at di ko to kinuha
Sya nalang uminom sa tubig na inaalok nya sa akin
Pagkatapos kong kumain nagpasya na akong magpa alam na sa family ni Deanna at nag dahilan nalang ako na masama ang pakiramdam
Tumayo na ako at lumabas ng biglang my humila sa braso ko
Deanna- Jema hatid na kita
Jema- wag na Deanna kaya ko naman at dala ko kotse ko
Deanna- galit ka ba? Parang wala akong kausap kanina pa
Jema- HINDI ! Sige na alis na ako
Deanna- sandali wala ka ngang sinagot sa mga tanong ko at hindi ka nagpapaliwanag
Jema- at ano naman papaliwanag ko sayo? Ung pagsama nga nya hindi mo sinabi
Deanna- Wow ano un Jema diba ikaw din naman di mo sinabi sa akin na kasama si fhen
Jema- magka iba un Deanna, ako wala na akong feelings kay fhen ee ikaw ha Deanna?
Bigla syang natahimik at hindi nakasagot kaya tumalikod at umalis na ako
Deanna POV
Hahabulin ko sana si Jema ng biglang tinawag ako ni tita elaine
Nag order pa sila ng dessert at medyo nagtagal pa sa resto
Gustohin ko man umalis at sundan si Jema hindi naman pwede kasi para sa akin tong dinner na to
Sa wakas nag decide na rin ang lahat umuwi
Tita Elaine- ihatid mo si nikki ah ikaw na bahala sa kanya
Hindi naman ako makatanggi kay tita kasi ako naman nagsama sa kanya at kargo ko kapag my nangyari sa kanya
Nagpa alam na sya sa parents ko at bumeso na sya
Bumulong naman sa akin si papa
"Anak ah alam mo na yan wag na uulit"
Alam ko na yung tinutukoy ni papa at tumango nalang ako at umalis na kaming dalawa