Deanna POV
Deanna- Ma, Pa (malakas na sigaw ko)
Pero ung mga mata ko sa iba nakatingin kahit katabi lang nito ang parents ko, natulala ako di ko napansin na niyakap na ako ng mama ko
Mama- nak bakit hindi ka man lang nagsabi na darating ka
Deanna- ma syempre para masurprise kayo ni papa
Lumapit na rin sa akin ang kanina ko pang gustong malaman kung bakit sya nandito. Matagal na rin akong walang naririnig na balita sa kanya
Jema- Deans pinapunta ko nga pala sya dito para tulungan ako sa plano
Fhen- grabe ang tagal nyo naubusan na ako ng kwento kay tita
Tumingin lang ako kay Jema at takang taka dahil wala naman syang binabanggit sa akin na kasama sa plano ang ex nya
Si fhen ang ex nya na niloko sya at pinagpalit sya sa iba, di ko nga alam sa mokong na to bat nya pa pinagpalit si Jema, ang ganda ganda na nga ng friend ko at maalaga pa
Mama- buti nalang malapit na maluto yun, kumain muna tayo
Jema- Tita tulungan ko na po kayo maghanda, gutom na rin po kasi ako ginawa akong driver nitong anak nyo
Pumunta na ng kusina sina Mama at Jema sumunod din ako kasi marami akong gustong itanong sa kanya
Deanna- bakit sya nandito at wala ka man lang sinabi sa akin
Jema- bakit ko naman sasabihin sayo, alam ko naman hindi ka papayag sa idea ko
Deanna- hindi talaga kasi manloloko sya, kanina ko pa nga sya gustong paalisin nagpipigil lang ako
Jema- matagal na yon, nakalimutan ko na yun at napatawad ko na sya. Close naman kayo dati diba
Deanna- pero kahit na ayoko pa rin na nandito sya
Jema- bakit nagseselos ka ba?(smile)
Deanna- selos? Inis ang nararamdaman ko
Jema- bahala ka! Gutom na ako
Natapos na niluluto ni mama at kumain na kaming lahat. Puro kwentuhan at tawanan lang maririnig pero hindi ko pinapansin at kinakausap ang nangloko sa kaybigan ko hindi ko pa rin sya napapatawad sa ginawa nya
Nagpapahinga na kami sa sala ng biglang tumayo ang ex nya
Fhen- tita, tito at deans gusto ko pa po sana mag tagal kaya lang po maaga pa po ang pasok ko bukas , mauuna na po ako
Jema- fhen sabay na tayo
Napatingin ako kay Jema at bigla hinila ko to palayo
Deanna- so sabay talaga kayo uuwi
Jema- Oo ako yung humingi ng pabor sa kanya diba
Deanna- di naman kasi kaylangan yan dito at malaki na yan pwede na yan umuwi mag isa, ako na maghahatid sayo
Jema- wag na pagod ka pa magpahinga ka nalang, kaya ko na to malaki na rin ako
Di ko na nagawang pigilan si Jema at umalis na sila ng mokong na yun
Pumasok ako sa kwarto para magpahinga na pero hindi ako makatulog kaya naisipan kong lumabas ng kwarto pumunta sa sala at naabutan ko si papa na umiinom ng kape
Papa- nak gusto mo ba ng kape?
Deanna- hindi Pa baka ho lalo lang akong hindi makatulog dyan
Papa- may iniisip ka ba kaya hindi ka makatulog
Deanna- si Jema lang Pa hindi kasi sya nag update sa akin
Papa- gumaganda sya lalo nak , ano na ba kayo?
Deanna- magkaybigan lang kami nun Pa
Papa- magkaybigan? Bakit kaylangan ka nya iupdate?
Deanna- concern lang ako Pa ayoko masaktan yun
Papa- yun lang ba talaga anak?basta kami ng mama mo boto kami dyan kay Jema
Natahimik ako sa sinabi ni Papa, di naman kasi mahilig si Papa maki alam sa lovelife ko pero mula noong nalaman nila na nasaktan ako lagi nalang nila ako kinakamusta at ngayon nagulat ako gusto pa nila si Jema para sa akin
Deanna- Pa sige po matutulog na ako. Goodnight po
Nasa kama na ako ng maisipan kong tawagan si Jema pero hindi nya sinasagot ang tawag ko kaya nag message nalang ako sa kanya
To Jema
Nasaan ka na? Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Tumawag ka sa akin kapag nakarating ka na at wag mo kakalimutan niloko ka nyan
Sa paghihintay ko ng tawag nya nakatulog na ako at sa sobrang pagod ko na rin sa byahe
1 new message received
![](https://img.wattpad.com/cover/185460981-288-k971781.jpg)