Jema POV
Sa sobrang tuwa ko nayakap ko si Deanna. Ang galing nya mag isip. Alam nya na namimiss ko ang family ko.
Dalawang beses pa lang nami-meet ni Deanna ang family ko sa personal pero madalas naman nya to makausap sa video call kaya kilala na rin sya ng mga to.
Alam din ng parents ko na gusto ko si Deanna lalong lalo na yung kapatid ko na si Mafe
Speaking of my kapatid, tinulak kami nito bigla at napaupo si Deanna sa sofa at ako napaupo sa kanya
Sa sobrang hiya ko tumayo ako bigla at pumunta sa tabi ni Mafe para kurutin ito ng patago
Ngumiti nalang sa akin si Deanna habang ako namumula pa din
Malapit ng mag lunch ng makarating kami ni Deanna sa bahay kaya niyaya na rin agad kami kumain ni mama
Habang nasa mesa kami di maiwasan ni Mafe na asarin ako, halos alam kasi nito lahat. Madalas ko kasi ikwento si Deanna sa kanya, ganun ata talaga kapag inlove sa isang tao nagiging bukang bibig mo ito
Natapos na kami kumain kaya tumulong muna ako kay mama maglinis at mag ayos ng kinainan namin
_____________________________
Deanna POV
Nasa kusina si Jema at naiwan kami ng papa nya dito sa sala
Bigla nalang sumulpot at my binigay sa akin si Mafe
Photo album ni Jema, dali dali ko tong binuksan at tiningnan isa isa. Mayron dito yung baby pa sya, tapos mayron pareho ung damit nila ni Mafe, mayron din umiiyak sya na parang inagawan ng pagkain ng papa nya
Napapangiti nalang ako dito mag isa, talagang bawal ata talaga magutom to si Jema kundi yari na, ang cute nya kahit umiiyak sya dito
Jema- Deannaaaa!!! Bakit mo to tiningnan (sabay kuha ng photo album) ano ba yan nakakainis ka
Nakangiti lang ako habang naiinis sya sa akin
Jema- Mafeee!!!!
Ayun nakatakbo na agad si Mafe at nag lock ng pinto ng kwarto nya
Deanna- bakit ba naiinis ka? Ang cute mo kaya dyan (habang nakangiti)
Jema- ewan ko sayo Deanna
Lumabas sya at pumunta sa karaoke machine nila, sumunod ako sa kanya at nag simula na sya kumanta
Napansin ko ung sarili ko na para akong ewan na naman kasi nakangiti ako kay Jema na wala naman dahilan, maraming beses na akong natutulala sa kanya tapos ngingiti
Bakit ba ano bang masama? Ang ganda nya kasi
_____________________________
Jema POV
Lumabas ako at umiwas kay Deanna para di nya mahalata na kinikilig ako sa sinabi nya
Idadaan ko nalang to sa pagkanta
Ano mayron dito kay Deanna kanina pa ngiti ng ngiti
Hay Jessica wag ka nga mag isip at umasa dyan wala lang yan kay Deanna
Hanggang sa nakisali na din ang family ko sa pagkanta, kada uwi ko kasi ito yung nagiging bonding namin ng family ko
Medyo dumidilim na kaya tumayo na ako para magpaalam kila mama at papa. Ayoko pa umalis pero kailangan na din maaga pa pasok ko bukas. Nagpa alam na din si Deanna sa parents ko at sinabi pa nya na babalik daw sya sa next weekend
Nung narinig ko yun bigla nalang ako nalungkot kasi alam kong di na yun mangyayari
Sa byahe namin naging tahimik lang ako, gusto ko man umiyak ng malakas pero di naman pwede magtataka to si Deanna sa akin
Naging mabilis lang yung byahe namin kaya nakarating agad kami sa apartment ko
Pinapasok ko muna si Deanna para makasama ko pa sya kahit sandali nalang
Nakapasok na kami ng pinto ng bigla akong hinila ni Deanna at kinausap
Deanna- ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik, ok naman tayo diba?
Hindi ko na napigilan niyakap ko na sya at tumulo na ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan
Tanong sya ng tanong kung bakit pero hindi ako nagsasalita
Niyakap na rin nya ako ng mahigpit kahit hindi nya alam ang mga dahilan nito
Matatagalan pa ulit bago tayo magkita. Sorry Dean, di ko sinasadyang mahalin ka, wala kang kasalanan kaya ayoko ng sabihin pa to sayo at tuloy tuloy na ang mga luha ko sa pagpatak
Naputol lang ung moment namin nung my tumawag sa akin
Deanna- di kita pipilitin magsabi kung ano man yan. Hintayin kita maging ready
tango lang nasagot ko kay Deanna at pinauwi ko na sya baka kasi kapag pinatagal ko pa di na sya makauwi pa
_____________________________
Deanna POV
Nandito pa ako sa labas ng apartment nya, nag aalala ako sa nangyare kanina na bigla nalang nya ako niyakap at umiyak sya
Hindi ko alam ung dahilan nya pero niyakap ko din sya at ang bilis ng tibok ng puso ko nun. Ayoko pa nga sana sya bitawan kaya lang istorbo ung tumawag sa kanya. Ayoko pa sana yun matapos
Bakit kaya ako ganito sa kanya ngayon? Madalas natutulala nalang ako sa kanya at ngingiti ng walang dahilan.
Parang gusto ko na ata sya? Parang may mali akong nagawa, mali ata naging desisyon ko
______________________________
Dahil sa 1st vlog nila napa update tuloy ako
GV sobra sila 😂😂😂😂😂