Deanna POV
Maaga ako nagising nagplano kasi ako kagabi na kailangan kong suyuin si Jema. Kailangan maging okay kami ngayon, kailangan makabawi ako sa kanya
Napansin din ni mama kagabi na hindi kami okay ni Jema at maaga din sya nagising para magluto ng favorite dish ni Jema "buttered shrimp" dalhin ko daw to sa apartment nya
Pa alis na ako ng humabol si papa at inabot sa akin ang isang box ng cookies. Dumaan pala sila kagabi sa isang sweet shops at naalala nila na mahilig si Jema dito
Napaka supportive naman ng parents ko kaya lumakas lalo loob ko para suyuin si Jema
Dumaan muna ako sa isang flower shop binilhan ko sya ng 100 pcs na yellow rose, favorite nya kasi ang color na to
Yan ok na lahat naka set na at nagdrive na ako papunta sa kanya
Pagbaba ko sa tapat ng apartment nya may nakasalubong akong lalake pero di ko nalang pinansin kasi mukhang nagmamadali ito
Isang doorbell ko pa lang bumukas na agad ung pinto nya, parang may inaasahan ata sya na dumating
Nakatulala sya habang inaabot ko ang mga bulaklak at kinabahan ako ng kaunti pero hindi na ako pwedeng umatras pa dito
nakita ko sa gilid ang hawak nyang bulaklak nawala tuloy ang kaba ko at napalitan ng inis
Deanna- mukhang wrong timing ata tong bulaklak ko
Pagkakuha nya ng bulaklak pinapasok na rin nya ako, gustong gusto ko tuloy tanungin kung kanino galing yun
Deanna- pinabibigay pala nila papa at mama mga favorites mo buttered shrimp at cookies
Jema- sabihin mo kila tita at tito thank you
Deanna- sa akin wala man lang thank you porket may mga ibang bulaklak ka pa dyan
——————————————————————
Jema POV
Si Deanna yung nasa harap ko may hawak na bulaklak din,Di ko alam sasabihin at gagawin ko nung inaabot nya yung bulaklak parang gusto kong itago yung hawak kong bulaklak
Sandali ano bang pake nya dito sa bulaklak na hawak ko
Pagpasok nya sa loob inabot pa nya sa akin ang ibang mga dala nya. Galing daw sa parents nya
Diba sino ba naman ang di mamahalin ang Wong family ang sweet nila, doon nga ata nakuha ni Deanna ang pagiging sweet
Pero ngayon di sya sweet at ano problema nito diba dapat nag sosorry sya sa akin bat parang galit pa sya
Napansin nyang nag iba yung mood ko at napatungo sya pero di ko inaasahan ang sumunod na ginawa nya
Bigla syang lumuhod at nag sosorry, ginamitan ako ng mapupungay na mata at nag pout pa ng labi nya
Wala pang isang minuto parang bibigay na ata ako dito kay Deanna. Grabe naman kasi sya
Deanna Wong ano ba ginawa mo sa akin?
Jema- tayo ka na dyan ( hinawakan ko ang kamay nya at hinila ito patayo)
Deanna- pinapatawad mo na ako
Jema- hindi pa
Deanna- ano ba gagawin ko para mapatawad mo ako?
Jema- ang araw mo, ibigay mo sa akin ang araw mo ngayon
Gusto ko muna sya makasama ngayon bago ko sya iwasan. Ayoko naman maging unfair kay Fhen kaya dapat iwasan ko sya muna hanggang sa maging ok na ako at mawala na yung nararamdaman ko sa kanya
Deanna- ano pa hinihintay mo mag ayos ka na kaya
Bago ako mag ayos tinawagan ko muna si Kyla
Si Kyla ang bestfriend at partner ko sa business. Dahil pareho kaming mahilig sa milk tea's ito yung naisipan namin itayo at para sa amin ayaw namin na nabibitin ang customer kaya pinauso namin ang buy 1 take 1, hindi naman kami nagkamali dahil pumatok ito
Ngayon mayroon na kaming 3 branch
Pinaki usapan ko muna si Kyla na di ako makakapasok at pumayag naman sya basta ilibre ko daw sya ng lunch, marami na naman tong tanong sigurado
Pagkatapos ko maligo mabilis lang ako nag ayos ng sarili ko baka mainip na kasi si Deanna
_______________________________
Deanna POV
Isang oras na nasa loob si Jema ng kwarto nya, tatayo na sana ako para kumatok ng biglang lumabas sya
Parang iba sya ngayon hindi ko alam pero iba talaga
Jema- hoy isara mo yang bibig mo, alam ko na maganda ako
Napangiti nalang ako sa sinabi nya
Deanna- tara na (hinawakan ko ang kamay nya at hinila na ito)
Bago kami mag byahe dumaan muna kami sa drive thru para makabili ng pagkain, mahirap na baka uminit ang ulo nya sa byahe
Di alam ni Jema kung saan kami pupunta. Di ko sinasagot ang paulit ulit na tanong nito hanggang sa napagod na ito at nakatulog na
Ayos na din yun para surprise talaga sa kanya
Halos 3 oras din ang byahe namin
Nagising sya nasa tapat na kami ng gate sa bahay nila sa Laguna
Bumaba at pumasok agad sya sa gate nila, sinalubong naman agad sya ng mama at papa nya at niyakap sya ng mga ito
Dalawang linggo na kasi nya hindi ito nakakasama kaya alam ko namimiss na nya ang family nya
Ang sarap nila pagmasdan lalo na si Jema , ang tamis ng ngiti nya, ibang iba sya ngayon at nag goglow yung ganda nya
Dahil sa tulala ako di ko na napansin na nasa harap ko na sya ulit at napatungo tuloy ako ng wala sa oras
🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️🤦🏻♀️
_____________________________