TDH ~ 12

2.2K 83 1
                                    


TDH ~ XII

***

Cleopatra

Sinalubong kami ng mga hotel staff nang makarating kami sa isla.

Tumambad sa paningin ko ang maputi at makinis na buhangin ng Boracay. Kumikislap ang tubig sa dagat na pinaghalong kulay asul at luntian. The coconut trees are swaying in the sound of the waves and the wind. The sun is up and little clouds can be seen in the vastness of the blue sky.

There were a lot of tourists swimming and enjoying the beach. Parang gusto kong sumigaw sa kasiyahan.

Yes! This is the vacation I've been waiting for! Ilang araw lang ako sa Manila at nag-o opisina pero parang hinigop na ang buong lakas ko.

"Welcome to Island Sunset, Sir, Ma'am!" They were all enthusiastic as they chorused.

Nakahilera sila at may mga dalang buko ng niyog na may straw at maliit na umbrella. It looks so cute! And I bet it tastes good, too. Para kaming nasa Hawaii. May pa-welcome pa talaga! Sabagay, CEO ang kasama ko.

Masayang tinanggap ko ang inialok sa akin habang binalewala iyon ni Odyssey. Tinanguan lang niya ang nagbigay niyon sa kanya. Napasimangot ako.

He's no fun at all.

It was so entertaining to arrive except that almost all of the girl staffs are too energetic of Odyssey's arrival. Sabagay, it's normal naman. As long as walang nginingitian sa kanila si Odyssey, I'm fine with it.

Bata pa lang ako, possessive na yata ako sa kanya. Although before it was just like being selfish of my mother or someone close to me. Nung tumagal na, naglevel up na ang pagkakagusto ko sa kanya. Every woman felt like a rival for me.

I can't help but marvel with the beauty of the island. Maraming nagbago, since sinarado ang isla na ito. But I can see now that it's for the island. Nabuhay muli ito. Hindi nga lang maiwasang may mawalan ng mga trabaho sa mga nakatira rito. Sana lang ay pangalagaan muli ito at hindi na muling sirain pa.

Hinanap ko ang cellphone ko pero nasa kailaliman yata iyon ng bagahe ko. Nakangusong tinitigan ko si Odyssey na nasa tabi ko. He's wearing an aviator and he looks so beautiful while the sun's rays kissed his enthralling face.

"What?" Hindi ko man nakikita ang mata niya'y alam ko nang nakakunot noo siya habang nakatitig sa akin.

"Pahiram ng cellphone."

Nakakainis kasi wala si Bonnie!

"For?"

"Picture! Ipo-post ko sa instagram."

Akala ko ay magtatanong pa siya ng kung ano pero wala na siyang sinabi at agad na inabot sa akin ang cp niya.

"Password?"

Almost all the staff are watching our conversation and looking at us back and forth. Parang may mga question mark sa ulo nila. Hindi yata nila alam kung sino ako.

"No password."

"Ano? Bakit di ka nagpa-password. Paano kung mawala 'to?" I grimaced.

"It's a waste of time." He only answered.

Yayamanin. Grabe naman! Gaano ba ka-importante ang oras niya na ilang segundo lang na pag-type ng password ay waste na sa kanya?

Default ang wallpaper niya. Ni wala man lang anik-anik.

Naiiling na lumayo ako sa kanya. Pinahawak ko muna ulit ang bag ko.
Tinanggap naman niya iyon ng walang reklamo. The staff was about to get it from him but he said it's okay. Siya na raw ang magdadala. 

The Dignified HeartbreakerWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu