TDH ~ 29

1.4K 55 6
                                    


TDH ~ XXIX

***

Cleopatra

"Look at you! Blooming ang gaga!"  Humahalakhak na bulalas ko.

She rolled her eyes at me then gave me a warm hug.

Sinuklian ko rin siya ng mahigpit na yakap. It's been months since the last time we saw each other in Tagaytay. Namasyal kami roon at talagang nag-enjoy kaming dalawa.

Ah, how I miss traveling to places!

Tinawagan ko ulit si Chryss kagabi matapos ang pakikipag-usap sa parents ko. It didn't go too well at the beginning, actually. Kinwento niya ng kaonti ang tungkol sa kanila ni Seine. Napag-usapan na rin namin magkita ngayon para mas maraming chikahan.

"Miss you, Dora! Nandito ka pala sa Pilipinas, hindi ka man lang nagpaparamdam! Akala ko kung nasaang lupalop ka na ng mundo!" she said exaggeratedly.

Namimilog pa ang mata niya habang nagsasalita. May kalakip na paninisi rin doon dahil hindi ko sinabi ang pananatili rito sa Pilipinas.

But I wasn't kidding, though! Chryss looks fabulous and gorgeous more than ever.

She's wearing gray plaid knit mini dress that hugs her perfect figure. Noon pa man, kinaiinggitan ko na ang height niya.

There's just something about her right now. Tila mas glowing pa ang pagiging morena niya. Halatang inspired at smooth ang lovelife. Her eyes was even shining like she's so in love.

Napasimangot ako sa naisip.

"Are you really sure about Senechov Stanford? He's a jerk and a womanizer, you know." I crossed my arms in my chest trying to intimidate her.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nahulog siya sa lalaking iyon. The idea crossed a little in my mind but I was confident that Chryss could handle that guy. I thought she would be able to evade his womanizing charm. I didn't think she would fall for that idiot.

"Huh? And what about you? Akala ko ba moving on ang peg mo?" balik tanong niya sa akin habang nakataas ang kilay.

Napasimangot ako sa sinabi niya. Back at me, huh? Seriously, mabait naman dati si Chryss sa akin. Naimpluwensiyahan siguro siya ni Seine.

"That's different!" nakanguso kong pakli.

"Well, I'm happy for you so just be happy with my choice, too. Tsaka kilala mo naman si Voch, he's not a bad man. And ito ba ang dahilan kung bakit tayo nagkita? Akala ko ba magpapatulong ka?"

Wala na akong nagawa at sumuko na lang. Mabait si Chryss ngunit hindi rin iyan magpapatalo sa akin.

Isa pa, I know she can handle Senechov Stanford. She must be the reason why I haven't heard about another celebrity or woman involved with that man.

Agad na akong hinila at niyaya ni Chryss sa loob ng isa sa pinakamalaking mall dito sa Metro. But I told her I want to have breakfast first kaya iyon muna ang inuna naming puntahan.

We ordered the usual breakfast dishes then ate while talking about a lot of things. Hindi rin nagtagal at nagliwaliw na kami sa iba't ibang high-end boutiques.

She entered a store which sells designer clothes. Napangiwi ako sa mga nakikita.

"Try this one." Chryss gave me another dress.

"Pamamanhikan lang naman iyon, Chryss! Why do I have to wear gowns?" inis kong tanong. "Hindi pa iyon kasal, okay?"

She's giving me all this elegant and sexy evening gowns. Nakakahiya iyong suotin lalo na kung naka-simpleng outfit lang naman ang mga kasama ko.

The Dignified HeartbreakerWhere stories live. Discover now