1

7.4K 110 2
                                    

Jema's POV


Naalimpungatan ako. Idagdag mo pa ang sobrang lamig kaya lalong nagising ang diwa ko. Nagtatakang nagmulat ako ng mga mata ng makaramdam ako ng tibok ng puso sa pisngi ko.






"Aaaaaaah!"

"BAKIT KA NASIGAW!?" magkasalubong ang kilay na tingin sakin ng taong katabi ko. Umupo siya sa kama. Napatingin ako agad sa damit ko! Hindi ko to damit!





"That's mine!" Turo ko sa soot niyang shirt. Sumulyap siya sa soot niya sabay tingin sa soot ko.



"And that shirt is mine!" Turo naman niya sa damit na soot ko. Paano?



"Oh shit! Hang over! Fuck!" Ungol niya habang nakahawak sa ulo niya. Tsk. Nasobrahan na naman siya sa alak, alam naman niyang bawal siya masobrahan dahil low alcohol tolerance siya.





"I conclude pareho tayong nasobrahan ng inom. Fuck! Bakit ikaw nandito sa room ko? Paano?" Palakad lakad na sabi ko. Hindi ako mapakali. May nangyari ba?





"JEMA PWEDE BA TUMIGIL KA SA KAKALAKAD LAKAD! NAKAKAHILO!" Naglakad ako patungo sa harapan niya. Nakasunod naman ang tingin niya sakin.






"WAG MO KONG SIGAWAN!" Nagsalubong na naman ang kilay niya sa sigaw ko sa harapan niya. Halatang inis na inis na siya. Ayaw na ayaw pa naman niya yung may hang over siya tapos ang ingay pa sa paligid niya.









*tok tok

"Deanna? Jema?" Nagkatingin kami. Hindi siya tumayo, hinilot hilot niya ang noo niya. Noon ako gumagawa sakanya ng ganyan. Tumalikod na ko sakanya para buksan ang pintuan.






"Maddie." Sabi ko pagbukas ko sa pintuan. Nakangiting bumungad naman niya samin.




"Kumusta kayo?" Nakangiwing tanong niya samin ni Deanna ng pumasok siya.





"Ate maddie pakipaliwanag nga. Paano kami nag end up na magkasama?" Tanong ni Deanna sakanya. Tulad niya yun din ang tanong ko. Hindi naman kasi kami nagkakatabi kagabi.





"Wala kang maalala kahit konti?" Umiling lang si Deanna habang hinihilot pa rin ang noo niya. Bakit kasi siya naglasing ng sobra? yan tuloy. Tsk.







"Ikaw jema? Kahit konti?" Baling sakin ni Maddie. Umiling iling rin ako sakanya. Hindi na ko iinom.



- - -

No titleWhere stories live. Discover now