3

3K 98 2
                                    

Deanna's POV

"Ganito kasi yung nangyari kagabi." Pasimula ni ponggay.


"Si Jema kasi halatang pinopormahan kagabi ng pinsan mo ate bea si Kuya Martin. Tanda mo yun jema?" Pareho pareho kaming napatingin kay Jema. Tumungo tungo naman siya meaning naaalala niya yun. So may naporma nga talaga sakanya? Medyo natatandaan ko na rin. Iniiwasan ko naman talaga siya nun kaso napatingin ako sakanya nun then nakita ko siya tumatawa dun sa Martin na yun. Hindi naman ako bitter, lalong hindi ako defensive, nasira lang talaga mood ko.








"Napansin ko yun kasi sayo nakatingin si Deanna habang tuloy tuloy sa pag inom." Tumatawang kwento ni ponggay. Anong nakakatawa dun? Napansin ko naman napangiti si Jema. Tsk! Anong akala niya? Akala ba niya kaya ako uminom ng tuloy tuloy ay dahil sakanya? Nasira lang talaga ang mood ko. Maniwala kayo!










"Ah kaya pala nalasing ng sobra si Deanna gawa ni Jema." Pagbibigay comment ni ate bea.


"Hindi no! Hindi ko lang talaga namalayan na naparami na pala ang inom ko." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Sino pa ba magtatanggol sakin? Ako lang naman talaga e. Lalo na't nakangiti na pang asar sila ate bea at ponggay sakin ngayon.









"Hmm.. Hmmm.. Sige kunwari maniniwala kami." Maang maangan na sabi ni ponggay, may patungo tungo pa. Aaaaay! Nakakabadtrip!









"Uy Wong! San ka pupunta?" Tawag sakin ni Ponggay ng palabas na ko ng bahay. Bakit kasi ang asar talo ko? E sa nakakapikon sila. Ano ba kasing nangyari talaga kagabi?








Umupo ako sa buhangin habang nakatapat sa dagat. Bakit kasi siya ininvite pa nila ate bea? Wag nilang sabihin na hanggang ngayon umaasa pa rin sila na magkakabalikan pa rin kami ni Jema? Siguro panahon na para magmahal ulit. Tama! Malay natin nandito sa resort yung taong mamahalin ko.









"Bakit ka nakangiti dyan ng mag isa?" Kahit hindi ko lingunin ang tumabi sakin ay kilalang kilala ko ang boses niya.







"Sa tingin mo ate jho nandito sa resort yung magiging future ko? Iniisip ko kasi na sana nandito siya sa resort. Nakakamiss na kasi yung feeling na may special someone." Sabi ko habang nakangiti na nakatanaw sa kaya kong natawin na parte ng dagat. Ang lawak!










"Ewan ko ba sayo Wong. Alam mo ba na lahat kami boto kay Jema para sayo?" Alam ko yun. Ramdam ko yun, noon pa man at hanggang ngayon alam kong nakasupport pa rin sila samin.







"Ate jho, yung samin ni Jema. Wala na, naisara na namin pareho yung libro namin. Pareho naming piniling tapusin yun, isang malaking parte ng nakaraan ko si jema pero hanggang dun nalang yun ate. Hanggang dun nalang." Nakangiti kong tanaw sa dagat pero alam ko, alam kong dala dala ko pa rin yun hanggang ngayon. Alam ko na ako mismo hindi ko pa tuluyang naisasara yun kaso ayoko kasing ipakita sakanila na mahina ako, dapat strong! Kaya dapat kahit nasasaktan na tayo, smile lang.










"Akala ko iba ka samin ni bea. Nakakalungkot isipin na isa ka pala samin. Duwag ka din Deanna. Mahina ka rin pala." Gulat na napaharap ako kay ate jho. Nakangiti siya habang nakatanaw din sa dagat pero yung mga mata niya, ang lungkot.









"Pwede ba nating balikan ang simula niyo ni Jema? Gusto ko marinig yung kwento niyo hanggang sa huling kabanata. Deanna, pwede mo bang ikwento?" Malungkot na napatingin ako sa dagat bago simulang ikwento kay ate jho ang kwento namin ni jema.

No titleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon