6

3.2K 115 6
                                    

Jema's POV

Pinaulanan na kami ng mga tanong ng mga kasama namin. Magkatabi kami ni Wong ngayon kaya walang tigil pa rin ang kulit nila samin kahit natapos na kami magsikain.



"Kaya naman pala nagpaiwan. Hang over mareng jema ha." Parinig pa ni Jia sakin. Para namang walang paki tong kasama ko na tahimik pang na nakikinig samin.






"Kaya pala ayaw mo pang magswimming kasi gusto mong masolo si Jema." Sabi naman ni Ponggay kay Deanna.



"Parang noon lang ha, kung nasan si Galanza nandun si Wong." Dagdag ni Bea. Kinabahan ako ng makita kong tumayo si Wong at walang lingon na umalis.







Natahimik kaming magkakasama dito sa sala habang nagkakatinginan.




"May nasabi ba kong mali?" Tanong ni Bea. Gusto ko siyang sundan. In the first place dapat sinundan ko na siya agad di ba? Pero bigla akong natakot sa kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Deanna. Hindi ko na siya mabasa. Parang kinukulong niya ang emosyon niya, parang ayaw niyang mabasa siya ngayon.







"Bakit hindi mo sinundan?" Tanong ni maddie sakin habang nakatingin sila sakin.

Deanna's POV

"Milktea?" Napaangat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Dalawa ang hawak niyang milktea, isa sa kaliwa niya na inaabot sakin at isa sa kanan na may bawas na.






"Para sayo talaga to, dali kuha na." Pagkakuha ko ay umupo na siya sa tabi ko. Nandito kami sa buhanginan habang nakatanaw sa buwan at sa mapayapang alon ng dagat.






"Thanks dito." Sabi ko sabay angat ng milktea na iniinom ko na.




"Ang ganda ng mga activities na naexperience namin kanina. Gusto mo samahan kita bukas? Kasi wala ka kanina." Napatigil ako sa pag inom ng milktea. Bakit nakaramdam ako ng parang kapag umoo ako ay parang nagtataksil ako?



Nakakainis naman umalis nga ko dun sa bahay dahil gusto kong mag-isip isip tapos eto nga may darating para magulo pa lalo yung isip ko.





"Kung gusto mo lang naman." Dagdag pa niya habang nakangiti ng hindi pa ko sumasagot sakanya.



















"Sige na wag ka ng sumagot. Alam kong nahihirapan kang ireject ako in a nice way." Tumatawang sabi niya. Nahihiyang napayuko naman ako. Hindi ko kasi alam kung paano tumanggi sakanya lalo na't ang bait niya.





"Shelly, sorry. Hindi naman sa ayaw kitang kasama ano lang kasi hmm ano--" napatigil ako sa pagpapaliwanag ng narinig ko siyang tumatawa na. Tinatawanan niya ko. Kaya napasimangot nalang ako.




"Bakit ang cute mo pa rin kahit nakasimangot?"








"Malabo lang mata mo. Pano mo nga pala nalaman na nandito ako? May pamilktea ka pa."






"Inutusan kasi ako ni kimmy na bumili ng milktea kaya nung pabalik na ko nakita kitang parang nakapokerface na lumabas ng bahay kaya sinundan kita. Nagbaka sakali lang ako na mapagaan ng milktea ang nararamdaman mo." Matutuwa na sana ako kaso!





"Hala ka! Kay Ate Kim to?!" Gulat na tanong ko sakanya. Natatawang tumungo naman siya.





"Wag ka ng mag alala pwede pa naman ako bumili mamaya bago tayo bumalik sa bahay." Ang gaan niyang kasama. Masyado siyang positive kung mag isip at lagi siyang nakangiti. Maganda din siya yung tipong mapapasecond look ka.









"Ano nainlove ka na sakin? Grabe makatitig ha." Biro niya kaya pareho kaming natawa. Yung biro niya yung hindi ka maiilang kundi para lang mapagaan yung atmosphere.









"Bakit ka nga pala lumabas?" Tanong niya habang pareho naming ineenjoy ang view.






"Gusto ko lang mag isip isip."


"Deanna!" Napalingon kami pareho kay ponggay na palapit na samin.







"Oh! Hi Shelly." Bati niya. Nginitian naman siya ni Shelly.







"Tara na sa bahay! May palaro si ate Bea!" Yaya niya samin. Nagkatingin naman kami ni Shelly sabay tingin niya sa milktea na hawak ko. Okay! Gets ko na.







"Ponggay una ka na, sunod nalang kami." Sabi ko. Nag aalangan man ay umalis na rin agad si ponggay.







"Tara na." Sabi niya kaya nagtungo na kami sa bilihan ng milktea. Mahirap na baka mainis si ate Kim kapag walang dala si Shelly.






















"Andyan na pala sila!" Sabi ni Ate Maddie pagpasok namin ni Shelly. Halos lahat naman ay napatingin samin.









"Bakit ang tagal niyong sumunod?" Tanong ni Ponggay samin. Nagkatinginan naman kami ni Shelly.





"Nagpasama pa kasi ako kay Deanna, may binili lang kami. Sorry." Sabi niya habang nakatingin kila Ponggay. Napansin ko naman ang pagtaas ng kilay ni Jema sa sinabi ni Shelly.






"Punta ka na dun. Ang sama na ng tingin sakin ni Jema." Bulong sakin ni Shelly. Naitanong niya sakin kanina habang pauwi kami kung may something ba daw kami ni Jema sabi ko naman ay ex ko siya.









"Ikaw san ka?" Baling na tanong ko sakanya.




"Kay Kimmy nalang ako tatabi. Dun ka na, daliiii! Ang talim na ng tingin niya dito." Tumatawang sabi niya bago niya ko mahinang itulak patungo kila ponggay habang siya naman ay kila ate kim pumunta. Magkakatabi lang sila ponggay, bea, at Jema habang paikot sa table. Nasa kabilang dulo naman sila ate Kim, Ate jho, at sila Vanie.











Binigyan naman nila ako ng space sa tabi ni Jema. Naglalaro sila ngayon ng UNO. Nakita ko naman tumabi na si Shelly kay Ate kim, tumingin din siya sa gawi ko kaya nagkangitian kami.










"Sasapakin na kita." Rinig kong bulong ni Jema habang nakatingin sa mga cards niya. Napabaling naman ako kila ponggay at bea na mahinang tumawa.







"UNO!" Sigaw na pasabi ni Jema bago umalis sa table namin at nagtungo sa kwarto niya. Bago siya umalis ay nakita kong inirap niya ko.








"Hindi mo ba susundan?" Bulong sakin ni Ponggay habang patuloy na naglalaro.






"Bakit ko naman susundan?" Bago pa man sumagot si Ponggay ay tumunog ang phone ko.








'Jema'


Bakit tumatawag? Nasa iisang bahay lang naman kami kung gusto niya kong kausapin pwede naman siya lumabas sa kwarto niya.






Umalis ako sa table at naglakad patungo sa labas ng pintuan niya.






"Bakit?" Sagot ko sa tawag niya.



"Nakakainis ka." Sagot niya bago patayin ang tawag. Pinagmamasdan ko ngayon ang pintuan niya.




"Bakit?!" Bungad niya pagsagot ng tawag ko.




"Open mo yung pintuan mo." Sabi ko bago patayin ang tawag.

No titleWhere stories live. Discover now