18

2.7K 76 7
                                    

Jema's POV

"May mukhang excited ha!" Puna ni Kyla kay Cedrick habang papunta na kami sa kotse ni Cedrick. Kakatapos lang ng training namin.

"Jema." Napalingon ako sa likuran ko kay Jia.

"Bakit Jia?" Tanong ko paglapit niya samin.

"Kumusta na kayo ni Deanna? Hindi ako nirereplyan nung batang yun. Sabi ko pumunta siya ngayon sa training natin e." Tanong ni Jia habang sabay na kami naglalakad at nauuna na sila Kyla at Cedrick papuntang parking lot.

"Okay lang naman kami. Everyday siyang pumupunta sa apartment. Baka busy lang ngayon kaya di nakapunta dito." Sabi ko sakanya. Kahit ako pala di ko na alam nangyayari kay Deanna dahil hindi na namin nakakamusta ang isa't isa.

"Nagcracraving kasi yun kanina, text ng text sakin. Sabi ko nga sayo manghingi ng cravings niya pero gusto daw niya sakin. Kain sana kami ngayon ng Ramen pero di naman pumunta." So kay Jia nagagawa niyang magtext sakin hindi? Hindi ko alam pero medyo nasaktan ako sa part na nagcracraving siya pero hindi niya sinasabi sakin.


"Ah ganon ba. Wala siyang nasasabi sakin about sa cravings niya e. Pero for sure, kaya di na pumunta yun siguro nakakain na ng ramen. Tsaka siguro nasa apartment na yun ngayon." Nakangiting sabi ko kay Jia.

"Oh, live in na ba kayo? Walang nababanggit sakin si Deanna." Tanong ni Jia.

"Hindi, ano kasi tuwing gabi after ng training natin pag uwi ko laging nasa apartment na yun at dun natutulog pero laging aalis din every morning para sa training nila. Dun pa rin siya sa dorm nag iistay." Paliwanag ko kay Jia.


"Ah sige. Pakisabi nalang kay Deanna miss ko na siya. Punta ako bukas sa training nila." Paalam ni Jia bago sumakay sa kotse niya. Dumaretso naman ako kila Cedrick. Nasa kotse na sila ni Kyla.

"Kyla sama ka samin sa apartment?" Tanong ko pagpasok ko ng backseat.

"Yup, hahatid nalang daw ako ni Cedrick pagtapos natin sainyo. Dun na rin kami makikikain ni Cedrick." Nagnod nalang ako sakanila, habang nasa byahe kami ay napaiglip ako sandali. Nagising nalang ako sa tapik ni Kyla sakin.


"Jemalyn, sure ka bang andito si Deanna Wong sa apartment mo? Bakit parang walang tao?" Tukoy ni Cedrick sa apartment ko kaya napabaling na din ako. Nasa loob pa kami ng kotse dahil kakapark palang ni Cedrick.

Patay nga ang ilaw. Kung wala si Deanna dito ngayon ibig sabihin 1st time niyang di pumunta dito sa apartment simula ng magkabalikan kami.

"Jema." Tawag ni Kyla sakin. Tiningnan ko naman sila ni Cedrick bago sila niyaya na pumasok na sa bahay.



Pag open ko ng ilaw ay wala ngang tao. Walang bakas ni Deanna Wong.















Deanna's POV

"Deanna." Rinig kong tawag sakin ng roommate ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinilit matulog.






"Nasa baba si Jema." Patuloy ni Ponggay. Nasa baba siya? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang niya ko naisipan icheck? Isang linggo na kaming di nagkakausap pero bakit ngayon lang?








"Hindi ko alam kung anong problema niyo, nanibago din ako na lagi ka ng nandito sa dorm pero bakit tuwing training o nakakasama ka namin parang wala ka namang pinagdadaanang problema? Ang galing galing mong magtago Deanna." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Buti nalang sa pader ako nakaharap.






Ayokong maging demanding na girlfriend kay Jema.

Ayokong dumating ulit sa point na masakal siya sakin at iwan ako.

No titleWhere stories live. Discover now