5

3.4K 121 12
                                    

Jema's POV

"Jema, hindi ka ba magswiswimming?" Umiling ako kay Jia. Nasakit pa ang ulo ko dala siguro ng hang over tsaka Tanghaling tapat pa.



"May konting hang over pa ko. Tutulog muna ko. Mayang pagabi nalang ako lalangoy." Paalam ko bago bumalik sa kwarto ko. Paghiga ko ay hinayaan kong tangayin ako ng antok.








- - -

Deanna's POV

Pagtapos namin kumain ay nagpahinga lang ang mga kasama namin bago nagpalit ng pangswimming nila.






"Huy Deanna! Bakit nandito ka sa buhanginan at ganyan pa rin soot mo? Tara swimming tayo!" Lapit sakin ni Ponggay. Tinatamad pa kong magswimming.





"Lahat kayo magswiswimming na?" Tanong ko habang nakatanaw sa mga kasama naming nasa dagat na.





"Hindi. Naiwan sa bahay si Jema. May hang over pa daw siya." Sagot ni ate Jia paglapit niya samin. Iinom inom kasi di naman pala kaya.







"Magpapalit ka na Deanna?" Hindi pa man ako nakakalayo ay nagtanong na si Ponggay.




"Mayang hapon nalang." Sagot ko bago nagpatuloy sa pagbalik sa bahay.











Pagdating ko ay dumaretso na ko sa kwarto ni Jema. Kakatok na sana ako ng mapansin kong nakaawang ng konti ang pintuan niya. Haynako! Kahit kailan talaga hindi marunong maglock. Paano kapag ibang tao yung pumasok dito? Nakakainis!










"Jema?" Tawag ko bago sumilip. Nakita ko namang nakadapa siyang nakahiga sa kama niya. Tumalikod na ko bago ako umalis ay sinarado ko ang pintuan niya. Dumaretso muna ako sa sala para manood.












"Uy! Deanna!" Napabaling ang tingin ko sa taong pumasok. Si Shelly, kaibigan ni ate Kim. Ito yung tinutukoy nilang nilandi ko kagabi. Nakakahiya.







"Hi." Nakangiting bati ko. Nakaswimsuit na siya. Bagay sakanya ang soot niya na kulay blue swimsuit. Nakita kong pumunta siya sa kwarto nila at paglabas niya ay may dala na siyang camera. Waterproof.









"Bakit nandito ka lang? Tara swimming tayo. Magtatry kami ng mga activity, sama ka?" Gusto ko din sanang matry yung mga activity kaso walang makakasama dito si Jema. Mahirap na't tulog yun.





"Nah. Bukas nalang siguro ako magtatry ng activities. Tinatamad pa ko e." Dahilan ko. Dumating naman si Ate Kim para sunduin na si Shelly dahil ang tagal daw kaya umalis na rin sila pero bago siya umalis ay niyaya niya din ako pero tumanggi din ako.







Pag alis nila ay kumuha ako ng makakain sa kusina para maenjoy ko ang pinapanood ko. Spongebob. Nakakaantok kasi kapag walang nginunguya.













Jema's POV

Pagkagising ko ay wala akong naririnig na ingay mula sa labas siguro wala pa rin sila. Inabot ko agad ang phone ko 1:05pm na pala. Nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nag ayos lang ako ng konti bago lumabas ng kwarto.







Deanna. Siya ang nabungaran ko pagbukas ko ng pintuan dahil kaharap nun ay sala. Nakita ko namang napasulyap siya sa gawi ko. Pokerface lang siya sakin. Sungit naman ni bebe ko.







"Hindi ka mabubusog sa kakatitig sakin. Kumain ka na. May tinira sayo nasa ref." Sabi niya habang nakatutok pa rin sa tv ang tingin niya. Ang hard naman niya sakin. Panget ba ko kaya ayaw niyang humarap sakin? Noon naman gandang ganda siya sakin na halos ayaw niyang mawala sakin ang tingin niya. Subukan natin.








No titleNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ