8

3.5K 115 13
                                    

Deanna's POV

"Huh?" Sabi ko habang hila pa rin ako ni Jema. Lumingon nalang siya sakin sabay ngiti dahil nauuna siyang maglakad sakin.


"Hindi ka muna ba kakain?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa likuran niya.

"Kumain na kami kanina nila Bea. Ikaw kumain na?" Sabi bago tumigil at humarap sakin.

"Opo sabay kami ni Shelly." Nakita ko ang pagtaas ng kanang kilay niya bago tumalikod at pinagpatuloy ang paghila sakin.


"Bakit sabay kayo? Hindi niya ba kayang kumain mag isa?" Hindi nalang ako sumagot dahil ramdam ko na ang pagkairita niya. Until now nagseselos pa rin siya kay Shelly? Subukan niya kayang kilalanin yung tao.








"We're here! Heaven's bar!" Sabi niya habang nakaturo sa pintuan ng bar.



"Jema, ang aga pa para magbar." Sabi ko sakanya na nalilito. Wala akong balak magsunog ng baga ng ganitong kaaga. Tanghaling tanghali. Kakagising ko nga lang e.




"Hindi ka iinom dahil bata ka pa pero ako pwede. Pero hindi yun ang pinunta natin dito. Tara." Sabi niya bago ako hilahin papasok ng bar.












Jema's POV

"Wow!" Nakangiting pinagmamasdan ko ang reaksyon ni Deanna. Puno ng pagkamangha. Ako din naman kanina ng pagpunta namin dito nila Bea sobrang natuwa ako. Panong di ka matutuwa kung kayo ng taong mahal mo yung design ng bar na to. Nakakaloka!

Sa bawat sulok ng bar na to ay may picture at painting kami ni Deanna.


"Hi po!" Salubong samin ni Heaven ang may ari ng bar. Solid fan daw namin siya ni Deanna. Naikwento din niya na sobrang nakasubaybay siya sa buhay namin ni Deanna together kaya nabroken din siya ng maghiwalay kami.







"Hello Heaven! Deanna this is Heaven, siya yung may ari ng bar and solid fan daw natin. Halata naman." Biro ko kay heaven. Natawa naman siya.



"Hi Heaven. Wow. Thanks sa pagsupport. Nakakaspeechless naman. Puro pagmumukha namin ni Jema yung nakikita ko." Sabi ni Deanna

"Sobrang love ko po kasi kayo. As in sobra. Pasensya na po kasi ginamit ko po kayong design dito sa bar ko ng walang paalam." yumuyukong paghingi niya ng pasensya samin.

"Nah okay lang. Nakakatuwa nga e." Sagot ko para di na siya maguilty.








"Restobar to?" Tanong ni Deanna. Normal pa kasi ang ayos ng bar na to. Parang restaurant palang.



"Opo. Tara po upo tayo dun." Turo niya sa vacant seat malapit sa counter. Sumunod naman kami ni Deanna. Dumaretso naman sa counter si Heaven.





"Anong meron?" Tanong ni Deanna pagbalik ni Heaven habang nakatanaw sa mga nag aayos sa mini stage.







"Ah may magpeperform po ng spoken poetry. Every 7am til 4pm open ang mini stage para sa mga gustong magperform." Sagot ni Heaven.









"Hi everyone." Natuon ang atensyon namin sa nagsalita sa unahan. Siguro magsisimula na siya.





"Ang tulang ito ay para sa mga taong nakalingon pa rin sa nakaraan. Sa mga taong binitawan na pero pilit pa rin kumakapit. Sa mga taong ayaw pang gumising sa katotohanang TAPOS NA!" Napatingin ako kay Deanna na kasalukuyang nakatanaw sa nagsasalita.








"hindi pa tapos." Munting bulong ko bago bumalik ang tingin ko sa nagsasalita.











"Hanggang kailan?



Tanong na hindi ko alam kung san ko kukunin ang kasagutan.
Pinanindigan kita,
Pinagmalaki kita,
Pinahalagahan kita,
Mahal, mahal kita,
pero putangina naman bakit pinagpalit mo ko?




Dumating siya sa panahong nasa tabi mo ko.
Dumaan siya pero kasabay ng paglaho niya ang pagkawala mo.
Mahal, bakit kamay na niya ang hawak mo?




Mahal, wala na ba?
Wala na ba akong lugar sayo?
Mahal, pasensya na kung inuna ko ang trabaho.
Napunan na ba niya lahat ng pagkukulang ko sayo?
Mahal, hindi na ba talaga ako pwedeng bumawi?




Mahal, hayaan mong punuan ko lahat ng pagkukulang ko sayo ng AKO lang!
Wag mong tapusin dahil ayaw mo na,
Mahal, paano naman ako? Gusto ko pa. Kaya ko pa.




Mahal, kaya kong kalimutan lahat.
Lahat ng nangyari ng dumating siya, bumalik ka lang.






Bumalik lang tayo sa dati."








Natahimik ang mga tao. Umiiyak na bumaba ang nagsalita sa unahan.




"Grabe naman. Dinamdam niya." Mahinang comment ko habang nakatanaw pa rin sa stage na kung saan wala ng tao.








"Labasan talaga ng emosyon yang mini stage. Madalas dyan ay puro pain ang nilalabas. Nagbakasyon ata ang mga tao dito para magmove on kaya isa na ring way nila sa paglelet go is yung mailabas muna lahat through words para paglabas nila dito sa bar ay magaan na. Naiiyak na nila kasabay ng alak o di kaya pagkain. Ganon naman karamihan di ba? Para makapagmove on dinadaan nila sa pagtratravel, pagbabakasyon, pag-inom o di kaya pagkain." Heaven said.







"Marami ka ng nakitang ganon dito?" Deanna asked.






"Yup, and also based on my experience. I was totally broken and dying inside then nagtravel ako and I found this place nagustuhan ko kaya nagpagawa ako ng bar dito. While on going to na ginagawa I saw you guys. I fell inlove sa inyong dalawa kaya isa kayo sa dahilan ng fast recovery ko sa pagmomove on. Hindi ko naramdamang broken ako kapag nakikita ko yung update sainyo together. Kaya thank you mga idol. Sobrang saya ko na nakapunta kayo dito." Speechless. Ang sayang malaman na may mga ganitong tao na minahal kami bilang kami mismo ni Deanna. Yung mga taong tinanggap kami kahit nakakatanggap kami ng panghuhusga sa iba.













"Wala na ba kayong chance?" Napangiti nalang ako. Parang bata si heaven na nagtatanong samin ni Deanna na kung may candy ba kami.













"Bakit ganyan ka makatingin?" Yung tingin kasi ni Deanna parang binabasa niya ko.










"Wala na tayong chance, di ba?" Tanong ni Deanna.








"Ano satingin mo?" Sagot ko. Wag ako Wong! Nananakit ka sa tanong mo e.












Sa tingin mo hahayaan kong makahanap ka ng iba? Nah. Wong, akin ka lang. Magiging akin ka ulit. Ako lang dapat. Wong, ako lang.










- - -
A/N: Thanks sa paghihintay ng update ko. 💕

No titleWhere stories live. Discover now