4

3.1K 106 3
                                    

Deanna's POV


"Nakilala ko si Jema dahil kay ate Jia. Magkasama sila nun after training ng makasalubong ko sila kaya binati ko si ate Jia then dun na. Pinakilala na rin niya sakin ang bago nilang teammate na si Jema." Tahimik lang na nakikinig si ate Jho. Hindi ko alam na magiging special pala si Jema sakin nung time na yun.



"Nagkafollowan sa mga social media kasi magkakilala na naman kami then react sa mga post namin hanggang sa nagkakausap na kami thru social media. Nakasanayan. Hanggang sa naging araw araw. Dumating na sa point na nagkikita na kami kapag may free time kami. Sinasama niya ko sa gala niya with her friends and ganon din ako sakanya kapag may gala tayo sinasama ko na siya. Madalas kaming dalawa lang. Naging komportable na kami sa isa't isa. Marami na rin ang nakakapuna ng pagiging close namin. Maraming nag aassume kung kami ba daw." Masaya na malungkot balikan yung nakaraan. Nakita kong tumingin sakin si ate Jho pagtigil ko sa pagsasalita marahil ay hinihintay niya ang susunod na nangyari.









"Habang naglalaro kami ng baraha ng mga kapatid niya na sila ate Jovi at Mafe dinare nila ako kasi natalo ako. Sinabi ni Mafe tutal daw para na kaming magjowa ng ate Jema niya ang dare niya ay maging kami daw ng ate Jema niya for 1 week. Nagkatingin kami nun ni Jema at sabay din kaming natawa. Para kaming nakarinig ng sobrang nakakatawang joke, sobrang havey." Mahinang natawa ako ng maalala ko yun. Good times.








"Pinatulan namin ni Jema yung dare ni Mafe. We acted like a couple for a week pero hindi namin napansin na nagtuloy tuloy na siya. Mag isang buwan na ata bago namin napansin na tuloy tuloy yung goodmorning and goodnight, yung date namin every free time, yung tawagan at pagmemessage namin. Na kapag may lalapit samin at gusto kaming pormahan hindi namin napansin na umabot na pala ng isang buwan na lagi naming sinasabing 'I'm taken' na dapat isang linggo lang." Na dapat dun palang tinigil na namin kasi tapos na yung dare.








"Mahal mo na siya nung time na yun?" Napangiti ako sa tanong ni Ate Jho.







"Mahal ko na siya nung time na yun kaya nag usap kami nun na kung itutuloy pa ba namin yun, then nagkaaminan. Yung smooth na relationship namin biglang naging seryoso hanggang sa naging toxic na. Masyado na naming minahal ng sobra yung isa't isa na pareho na kaming nasasakal sa trato namin sa isa't isa. Na parang lahat pagseselosan namin. Mahal na mahal namin yung isa't isa pero alam namin pareho na napasobra na. Di ba sabi nila mas maganda yun kapag mahal na mahal ka ng partner mo? Pero bakit ganon ate Jho, bakit yung sobrang pagmamahal namin parang yun pa yung nakasira samin?" Naramdaman kong sinide hug ako ni ate Jho tsaka siya umakbay sakin.






"Punasan mo yang luha mo." Agad ko namang pinahid sa palad ko ang mga luha ko. Masakit pa rin pala talagang balikan.






"Pasensya na kung ginusto kong malaman yung naging kwento niyo ni Jema hindi ko alam na maapektuhan ka pa rin pala ng nangyari sainyo." Gusto kong sumagot na hindi na ko affected pero ayaw makicooperate ng katawan ko. Para san pa nga ba ang pagprepretend ko at panloloko sa sarili ko kung halatang halata naman na.









"Sabi ko ikwento mo sakin simula umpisa pero sinammarize mo lang ang mga nangyari sainyo. Inaasahan ko pa naman ang mga flashback na mga pangyayari." Napangiti naman ako ng makitang nakasimangot si ate Jho.








"Ate Jho, balik na tayo sa bahay gutom na ko e. Kape palang inaalmusal ko."








- - -

Jema's POV


"Nagwalk out tuloy. Si Ponggay kasi e." Natatawang sabi ni Ate Bea bago umalis sa tabi namin at bumalik sa sofa.







"Ate Bea babalik din agad yun. Di pa yun nag aalmusal e." Natatawa nalang din ako sa nangyari. Pikunin e.






"Anong akala mo kay Wong gutumin?" Sabi ni Bea. Bumaling naman yung tingin sakin ni Ponggay.






"Gutumin ba si Wong?" Parang walang alam sa mundo na tanong sakin ni Ponggay.




Kunwaring nag isip naman ako habang nakahawak pa ang kamay ko sa baba ko.




"Oo gutumin yun kahit busog na busog yun sa pagmamahal ko." Halos lahat naman ng kasama namin ay natawa.






"Iba ka talaga mareng Jema kaya sayo boto ko e!" Kantyaw ni Ponggay sakin.










"Oh bakit ang saya niyo?" Tanong ni Bebe ko pagpasok niya. Hindi niya alam na hanggang ngayom bebe ko pa rin siya, mahirap na baka magbreak kami kapag nalaman niya.


- - -
A/N: Pasensya na sa slow update! 🤗

No titleWhere stories live. Discover now