Epilogue

2K 51 9
                                    

Napatanaw ako sa bintana. Ang ganda talaga ang buwan at lalong nakapagpaganda dito ang mga bituwin na nakakalat sa kalangitan.




Napabaling ako sa telepono ko ng makitang agaw atensyon ang pag ilaw neto dahil lamp shade lang naman ang nagbibigay liwanag sa kwarto ko ngayon.





Nagulat ako sa rumihistro. It's been 3 years ng last na usap namin netong tumatawag sa messenger ko.

Nagdadalawang isip man ako ay sinagot ko ang tawag niya pagsoot ko ng earphones.




"Hello?" Pasimulang pagbati ko sakanya. Ngunit paghinga lang niya ang sumalubong sakin.



Lumipas ang mga minuto, limang minuto pero wala ni isa samin ang nagsalita. Kaya sinubukan ko ng iconnect sa video call ang tawag niya.



Hindi naman ako nabigo at sumalubong sakin ang nakangiti niyang mga labi ngunit kung titignan mo maigi ay ang mga nangungusap niyang mga mata ang sasalubong sayo, masaya? Malungkot? Hindi ko mabasa.



"Bakit ka napatawag?" Basag ko sa katahimik.




"Gusto kong marinig yung boses mo. Sobrang namimiss na kita Jema. Baka pwede pa?" Kasabay ng pagtanong niya ang pagpatak ng mga luha niya.

"Sinubukan ko. Sinubukan kong kalimutan ka. Sinubukan kong lumayo sayo kasi alam kong sobra kitang nasaktan pero hindi ko talaga kaya. Babalik at babalik ako sayo." Dagdag pa niya. Hindi ko maiwasang malungkot at mapaluha sa nakikita ko ngayon. Umiiyak na naman si Wong.




"Jema, sa huling pagkakataon, baka pwede pa?" Gusto ko siyang yakapin pero napakaimpossible dahil screen lang ang kaharap ko ngayon.






"Darating din ang panahon na marerealize mo kung bakit hindi tayo nagwork. Isa ako sa magiging masaya kapag dumating na yung right person na makakasama mo sa pagtanda at mamahalin ka ng higit pa sa binigay kong pagmamahal sayo." Pilit niyang pinipigilan ng palad niya ang bibig niya sa pagbigay boses sa iyak niya.


"Jema, wala na ba?" Garalgal na tanong niya sakin.





"Deanna, bukas na. Bukas na ang kasal ko." Nakita ko sa huling pagkakataon ang pagngiti niya bago niya patayin ang video call.




'Congratulations. Best wishes. I'm happy for you.' Mensaheng natanggap ko sa nag iisang babaeng minahal ko.









- The End -





"Hindi ka mabubuo kung palagi kang babalik sa taong sumira sayo."










- - -
A/N: Hindi lahat ng ending ay masaya. ✌ May mga relasyon na hindi na worth it bigyan ng try or chance. Kapag inalis mo yung taong pinipilit mong maging sayo, kapag sumuko ka, dun mo makikita yung totoong tao na nakalaan sayo. ❤

Thanks sa pagtyatyaga na basahin to! Awabu guys! 💞


Guys, recommend ko lang yung YT channel ng RoTin. Roanne and Tina. Natutuwa ko sakanila, sana kayo din! ❤

No titleWhere stories live. Discover now