#012

890 15 5
                                    

It was 3 in the afternoon. Sobrang init sa labas pero napili parin naming maupo sa isa sa mga benches. Kaharap ng malapad na field.

Cleo forced me to come with them. Para narin daw makasagap ako ng fresh air. If I know.

I busied myself reading notes yesterday. And I could hear my friends talking about school pressures.

"Nakakapagod na." I heard Pearl complain.

"Sobrang hirap pala pag 1st year, ano? Paano kaya pag 2nd year? 3rd year? 4th year? Lord!" She cried kaya naman napairap ako.

Sobrang uneasy parin ako sa labas, may mga iba kasi na hindi nahihiyang sundan ako ng tingin. May iba naman na sobrang lakas ng boses, obvious tuloy na pinaguusapan nila ako.

"I thought Juan is courting her?"

"She is Noah's cousin, diba?"

"Kaya naman pala nakakalapit sa mga GdL kasi pinsan."

"Hindi naman maganda. Maputi lang."

"Hindi ko naman sila nakikitang magkasama e."

"Hindi pa tayo nakaka-isang buwan. Nasusuka na ako sa sunud sunod na mga requirements." Ani Pearl.

"Mabuti nalang talaga may mga ganitong view dito sa school kung hindi, matagal na akong nakacoma sa St. Luke." Narinig kong sabi ni Cleo kaya napatingin ako sa sinasabi nya. Nakasunod ang tingin nya sa tatlong kalalakihan na nakasuot ng training clothes. Mga player pala ng Soccer team.

"I thought you're into my cousin?" Tanong ko. Kaya napalingon sila sa akin.

"Yeah. Pero may crush din ako sa Volleyball team. Sa Soccer team. Sa College of Engineering. Tsaka sa MedTech. Tsaka dalawa dun sa seniors na hanggang ngayon di ko pa alam mga pangalan. Hay nako." Mahaba nyang litanya. Akala ko si Kuya Noah lang gusto nito.

"Gulat ka no? Hahaha ikaw lang naman 'tong loyal sa lalaking di ka gusto. Hmp."
Sarap talaga tapunan ng libro etong babaeng 'to.

"Nakakatampo kayo dalawa." Ani Pearl. "Kung di pa kinwento ni Cle mga nangyayari sa buhay nyo di ko malalaman."

"Eh kasi strict parents mo. Kaya nung gabing nagparty kami di ka nakasama. Tsaka masyadong OA tong si Mandy, tuloy nawala sa isip kong magkwento."

"Hmm. Okey na. Alam ko naman e. So, Mands sinagot mo na?"

My eyes went big after Pearl's words.

"Excuse me? He's not courting me. And we're not even friends. Sa FB lang."

"Oh." Sabay nilang sagot habang nakangisi ng malapad.

"Amanda."

"Ay butiki!" Napatalon ako sa inuupuan ko ng may magsalita sa likuran ko.

Damn.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan kong mamamatay na sa kakatiis ng tawa.

Geez.

Muli kong hinarap sina kuya Noah, kuya Gelo and the mighty, Juan GdL. He was staring at me. At hindi man lang sya nahiya.

"Yes?"

Dumapo ang likod ng kamay ni kuya sa noo ko para icheck ang aking temperature.

"I'm fine." Sabay iwas ng kamay nya.

"Good." He smiled before looking at Juan. "Looks like the slurpee made you feel better." And I heard the laughs of my friends. My face went red and I saw how Juan's forehead creased.

Sa sobrang hiya ko, hindi ko namalayan na umaalis na ako palayo sa kanila.

I heard Pearl and Cleo's voice calling me.

No way!
I'm not going back. Binalewala ko ang mga tingin ng mga kapwa kong estyudante. Bahala kayo.

3 times.
Tatlong beses na akong napahiya sa harap ni Juan.
Una ay nung nasa party kami. Kahit naman na wala ako sa tamang pagiisip. Nakakahiya parin yon.
Pangalawa, noong nasa harap kami ng gym. Natapon ko yung dala kong paper bag sa mukha nya.
And now, damn.

Napatigil ako sa paglalakad ng mamalayan kong may humawak ng balikat. Hinawi ko kung kaninong kamay man yon and shouted.

"What?!"

We both stopped and just looked at each others eyes. Oops.

Pati ang mga students na palakad lakad ay napalingon sa amin dalawa ni Juan. Aba! Mapapalingon talaga sila. They're idol Juan GdL just got shouted by some random girl in public.

"Sorry. But you forgot." Sabi nya at inabot sa akin ang bag ko.

Lumaki yata ang butas ng ilong ko ng marealize kong nakalimutan ko nga pala dalhin ang mga gamit ko.

Napayuko ako at tinanggap nalang ang aking mga gamit.

"Thanks." Mahinang sabi ko.

"It's okay." Inangat ko ang tingin ko. And he scratched his nape. Hey. I like that gesture.
"I'm sorry back there. I didn't expect that. Noah's a bully."

"Okey lang din...sige salamat."
Akmang tatalikod na sana ako ng banggitin nya ang pangalan ko.

"Amanda...Amanda, right?" I nodded and smiled.

"Look I just want to be your friend---"

"But you have lots of friends." Pagpuputol ko sa sasabihin nya.

"Yeahhhh." He drag the word like he realized something. Cute. Huh?! What?!
"But still. I want you to be my friend." Napaatras ako ng bigla nyang abutin ang palad nya.
"I'm Juan GdL. Let's be friends?"

Mahirap man iprocess sa isip ko. But I accepted his hands.

"Okay, Juan. By the way, I'm Amanda, but I prefer others calling me Maganda." I chuckled and quickly take it as a joke.

"No joke. You're beautiful." I pulled my hand away and awkwardly smiled at his words.

"Kidding. Just call me Mandy."

"Okay. Mandy. Uhm..
Won't you mind if I invite you to drink slurpee with me?"

Napatawa ako sa sinabi nya pero tumango narin ako.

Shot And BeepsWhere stories live. Discover now