#083

321 7 0
                                    

Ang akala kong home na sinasabi ni Mama ay ang bahay namin. Pero hindi pala, dahil hindi naman matatawag ma home iyon.

Nagtaka nalang ako nang nagising ako ay ang pamilyar na daan patungong Batangas ang aking nakita.

"You're awake?" Si Mama na nagdadrive pa rin. "I bought you your favorite food."

Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi kami sa bahay umuwi but I keep in silence and look for the food.

Tahimik din akong kumain kaya pinabayaan nalang din ako ni Mama. Good thing she didn't asked me anything about what happened.

Dahil di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.

Nang matapos ako kumain ay hinanap ko sa bag ang aking cellphone.

"Kanina pa may tumatawag sayo, Mandy. Hindi ko na sinagot." Ani Mama.

Tumango lang ako.

Dead batt na ang battery ng phone ko dahil siguro sa dami ng tawag. Binalik ko nalang ulit sa loob ng bag at nilipat ang atensyon sa ganda ng tanawin sa labas.

Ang kulay asul at kahel na kalangitan ang nagpapayapa muli ng nararamdaman ko.

I heaved a deep sigh.

Ahh... I really love this kind of beauty.

"Hmm... You feel okay now, anak?"

Nilingon ko si Mama.

"Maybe. But I'm at peace, Ma. Thank you for bringing me here."

"Of course. You don't have to mention it. Pareho tayong pagod sa lahat ng mga nangyayari. I can feel your tiredness. We deserve this kind of out of town." Mama giggled.

My Mama is such an angel. She's a gem. Di ko alam kung bakit nagawa syang saktan ni Papa.

Mama can be strict sometimes pero ang presence nya lamang ay nagpapagaan sa mood ng karamihan.

"Thank you, Ma. I really need this escapade. Uuwi po ba tayo kina Lolo?" Tanong ko.

"Yes... Matagal ng gusto ni Mama na dumalaw tayo sa kanila. Kaya naisip ko na ngayon na ang magandang opportunity."

"It is. Miss ko na rin sina Lolo at Lola. Pati ang mga pinsan ko."

"Amanda?"

"Po?"

Mama glanced at me before sighing.

"I know this is not the right time to ask you this but...is it okay for you? To live for good here in Batangas?"

I cleared my throat. Inayos ko ang upo at nilingon sya.

"Everything will be okay, as long as I'm with you, Ma. So yes... Walang problema."

Hindi na sumagot si Mama dahil papasok na kami sa daan patungong mansyon nila Lolo Gustin.

"Lolo! Lola!" I ran to my grandparents as soon as I step outside our car.

They both welcome us with open arms. Napatawa pa ako ng biruin ako ni Lolo na gumaganda na daw ako at kailangan ng hanapan ng matinong lalaki.

Isang maliit na selebrasyon ang nangyari nang dumating din ang kapatid ni Mama. Binalita kasi agad ni Lola Rida ang biglaan naming pagdating sa mansyon.

"May boyfriend ka na ba, Amanda?" Unang tanong na ibinato ni tito Raf sa akin habang nasa hapag na kami.

"Of course, 'dy! Si Juan GdL kaya ang jowa ni Amanda." My cousin Chanel announced. Kaya marahas akong lumingon sa kanya. She was smiling like there's nothing wrong with what she told them. Sinamaan ko sya ng tingin but she just shrugged.

Shot And BeepsWhere stories live. Discover now