Wattpad Original
There are 14 more free parts

CHAPTER 15

1.5M 35.4K 14K
                                    


CHAPTER 15

BECAUSE OF HER condition, SM has to stay in Knight's house— Knight's room to be exact. Hindi siya nagpumilit na umuwi sa bahay niya. She has been letting Knight take care of her and her café for more than a week now.

At sa loob ng isang linggo na 'yon, maingat si Knight sa kaniya. He's careful not to do anything that can worsen her condition.

At first, he would kiss her and sleep beside her. Then, gradually, as day passed, he stops kissing her, hugging her and sleeping beside her. At kagabi ang pangalawang beses na tumabi ito sa kaniya. Dinahilan nitong may trabaho pa itong gagawin.

Alam niyang iniiwasan siya nito. She doesn't know the reason and it's bothering her.

Nagsawa na ba ito sa kaniya? Siguro naman hindi. E di sana sinabi nito iyon sa kaniya ng harapan at hindi siya aalagaan. Pagod ba ito? No, she always made sure that he's getting enough sleep every night that they've been together. Wala siyang maisip na dahilan para iwasan siya nito kahit ano pang halukay niya sa isip niya.

Maybe I did something wrong?

Looks like she'll have to ask him directly.

Assuming things won't do her any good.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama saka pumasok ng banyo para maglinis ng katawan.

It's already passed nine PM. Maya-maya, uuwi na si Knight.

Sa mahigit isang linggong lumipas, naging maayos na ang pakiramdam niya. Wala na siyang lagnat at wala na ang sakit sa pagkababae niya pero patuloy pa rin ang pag-inom niya ng gamot. She has to fully recover so she can get back to her work. Her café is waiting for her.

Nang matapos maligo, lumabas siya ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya at naglakad patungo sa bag niyang nasa sofa. Nasa loob niyon ang mga damit niyang kinuha ni Knight sa bahay niya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuot ng underwear habang nakatapi pa rin ng tuwalya ng bumukas ang pinto at pumasok si Knight.

Nakita niyang natigilan ito ng makita ang ginagawa niya at para itong napaso na bigla na lang lumabas ng kuwarto at isinara ang pinto.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "Anong nangyayari dun? Para namang hindi pa niya ako nakikitang ganito."

Naiiling na tinapos niya ang pagbibihis saka umupo sa kama habang sinusuklay ang buhok. Doon pumasok si Knight na walang imik na dumeretso sa banyo.

SM sighed. "I really need to talk to him."

Kaya naman hinintay niyang makalabas ito ng banyo. Pero ang tagal nito sa loob.

What is he doing in there?

Pagkalipas ng mahabang minuto, lumabas din ito sa wakas, nakasunod naman ang mga mata niya rito habang naglalakad ito patungong closet nito.

She was staring at Knight intently as he put some comfortable clothes on. Then he sat on the sofa while trying to dry his wet hair with a towel.

Bumuntong-hininga siya saka umalis sa kama at nilapitan ito.

"Ako na..." aniya saka paharap na umupo sa mga hita ng kasintahan at siya na ang tumuyo sa basa nitong buhok gamit ang tuwalya. "Knight?"

He was stiff. "Hmm?"

"Iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya habang tinutuyo pa rin ang buhok nito gamit ang tuwalya.

"Yeah..."

POSSESSIVE 21: Knight VelasquezWhere stories live. Discover now