Wattpad Original
There are 12 more free parts

CHAPTER 17

1.6M 34.5K 12.2K
                                    

CHAPTER 17

"—HINDI KA natatakot?" 'Yon ang tanong ni Cloud kay SM na hindi sinasadyang narinig ni Knight habang papasok siya ng kusina. Kaagad niya kasing hinanap si SM ng magising siya at wala ito sa tabi niya. "I know that it must be terrifying to see my Lord like that, dripping with someone's blood... but please don't leave him."

Knight stiffened. Hearing Cloud begged for him... it warms his heart, but it scared him at the same time. Scared of what SM will say.

Gusto niyang humakbang paatras para hindi marinig ang sagot ni SM pero hindi niya magawa. He was rooted in place. Deep inside him, he wanted to hear what she's gonna say.

Naaalala pa niya ang pagsigaw niya rito kagabi. He felt so guilty and ashamed. He just didn't want her to see him like that— it scared him.

"Leave him?" SM's soft voice filled his ears, making his heartbeat faster, "I don't think I can do that to him. Mas nakakatakot para sa 'kin ang makita siyang sugatan keysa sa nakita ko kagabi. Nang makita ko siyang ganun, bumalik sa ala-ala ko nuong una ko siyang nakita sa labas ng café ko. Bleeding and near death. That's what's terrifying, Cloud. I don't want to see him like that ever again."

Napasandal siya sa gilid ng hamba ng pintuan ng kusina habang sapo ng isang kamay ang mukha niya.

SM... she always understand and accepts him. Palagi nitong pinapakita sa kaniya na hindi siya nito iiwan. Even after what happened last night... she still wants to be with him?

"If that didn't scare you, then does that mean you can accept my Lord wholeheartedly?" Tanong ni Cloud kay SM, bakas sa boses nitong umaasa ito ng positibong sagot mula sa dalaga. "I mean... may ideya ka ba sa ginawa niya kagabi?"

"I don't want to assume—"

"He killed someone." Wika ni Cloud dahilan para manigas siya sa kinatatayuan. "Sigurado akong wala siyang lakas na aminin 'yon sa 'yo pero sigurado rin akong tumatakbo na 'yon sa isip mo. You're smart, Lady SM. I know you know that much.

"Ngayon pa lang, kung hindi mo siya kayang tanggapin, iwan mo na siya. He will lose his mind, but he'll recover. Kasi kung patatagalin mo pa 'to at iiwan mo lang rin siya sa bandang huli. He will not just lose his mind, but his life as well."

Pilit na inihakbang ni Knight ang mga paa pabalik sa kuwarto niya. Ayaw niyang marinig ang isasagot ni SM kay Cloud.

Every woman who's in their right mind would leave him after knowing that he killed someone. No sane woman will stay by his side after knowing that side of him. Gusto niyang magalit kay Cloud dahil sinabi nito ang mga 'yon kay SM pero may parte sa kaniya na nagpapasalamat na sinabi nito iyon sa dalaga.

Because he doesn't have the courage to confess to SM that he's a monster.

Kailangan na niyang ihanda ang sarili na iiwan siya ni SM. Pero anong ihahanda niya? He's already falling too deep that even if he readied himself, it's no use.

He will still lose his mind since his body can no longer tolerate SM's absence.

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig na bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok doon si SM.

"Good morning!" She had a bright smile on her lips for him. "Did my baby sleep well?"

He has no words... no words to explain how her bright smile lightens up his mood at that very moment.

Lumapit ito sa kaniya na nakaupo sa gilid ng kama habang may ngiti pa rin sa mga labi, "it's been a long time since I baked. Gusto mo bang gawan kita ng cake para mamayang tanghalian natin? Sasarapan ko, pangako. Gusto mo ba?"

POSSESSIVE 21: Knight VelasquezWhere stories live. Discover now