Chapter 11

344 6 0
                                    

Ace's POV

Sa totoo lang, nagulat talaga ako dun sa sinabi ni Aia na hindi pa nya nakita yung daddy nya ever since the world began. Kahit hindi nya sabihin at magpretend syang okay lang sya, kitang kita ko kanina na sobrang nasasaktan sya.

Nung nakita ko syang umiiyak, andun na naman yung pakiramdam na gusto ko syang yakapin at protektahan. Dama ko sa bawat paghikbi nya yung sakit na nararamdaman nya. May kung ano na naman tuloy kumirot sa puso ko.

It pained me to see her like that. I can't bear seeing her crying and sobbing hard.

Nung unang sinabi nyang ako nalang daw ang daddy nya, ayoko. Pero nung nalaman ko kung bakit nya gusto, naintindihan ko sya. Kaya pumayag na ko.

Pagpasok palang namin ng studio ko, iba yung ngiti na binigay sakin ng dalawang kumag na yun. Ngayon lang kasi nila ako nakita na may kasamang babae na hindi nakabusangot ang mukha.

Well, the only exception ko kasi to si nene eh. I dunno why pero... Aish! Hindi ko ma-explain! Siguro, special sya sakin. Madali syang makagaanan ng loob. She really is adorable. There's something special about her. I just can't figure it out.

Ang sarap lang sa feeling na she's right here sitting next to me. Pinapanood nya lang yung ginagawa ko. Sinunod nya yung sinabi kong behave lang sya.

Maya maya lang, andito na naman tong limang mga babae na to. Suki na tong mga to dito eh. Ang gagwapo kasi ng mga nilalang dito sa studio ko. Haha. Araw-arawin ba naman nila ang pagpunta dito? Ge, sila na ang mga 'Selfie Queens' eh make-up lang naman nagpapaganda sakanila. Tss! Buti pa si nene, walang nilalagay na kung ano sa mukha nya.

Nagpa-cute yung parang pinaka-leader nila. Todo ngiti sya sakin habang kinakausap ako. Tapos nung napatingin sya kay Aia, halos tumaas yung isa nyang kilay.

Ngumiti lang ako ng pilit.

"Saglit lang, BABY huh?" sinadya kong i-emphasized yung 'Baby'. Nakita ko kung pano napangiwi yung mukha nung kumausap sakin.

Kunwari, inaayos ko yung cam ko pero ang totoo, pinakikinggan ko sila. Napagkamalan pa kami ni nene na magboyfriend. Haha. Pero napangiti ako dun ah.

"Ah, excuse me. Kung tapos na kayong pag-usapan kami ng BABY ko, pwede na ba tayong magproceed dun sa room?" sabi ko. Ang epic ng mga mukha nila.

Si Aia naman, tawa ng tawa pero mahina lang. Nilingon ko sya tapos kinindatan.

Nanlaki yung mata nya pero bigla syang namula. Anyareh dun?

Ako na yung nag-take ng pictures nung lima.

Natatawa ako habang kinukunan ko sila ng pictures kasi mga feeling model eh.

After ko silang kuhanan, kina Clyde ko na pina-edit. Tumabi na ulit ako kay Aia.

"Mam, upo po muna kayo. Mejo matatagalan po kasi marami din po tong mga pictures nyo." ngumiti si Clyde sakanila. Kilig na kilig naman sila.

"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nabobored?" tanong ko kay Aia.

"Hindi po. Okay lang po ako." sabi nya ng nakangiti habang tinitignan yung mga photo albums ng iba't ibang customer na nagpapakuha dito sa studio ko.

"Aren't you hungry? May gusto ka bang kainin?" I asked.

Napahinto sya sa ginagawa at biglang nagsparkle yung mga mata nya. Ang cute cute nya pag ginagawa nya yan.

"I want ice cream." sabi nya na habang ganun parin itsura nya. Bigla akong natawa.

"Tara. Bibili tayong ice cream." sabi ko tapos hinawakan sya sa wrist nya at hinila sya.

Dinala ko sya sa DQ. Good thing, malapit lang yung studio ko dun. Para syang bata na tuwang tuwa. Tinitignan ko lang sya habang namimili ng kung anong gusto nya. Yung ngiti nya, napapangiti din ako.

Nag-order kami ng apat na Oreo Blizzard. Para kay Clyde at Eevo yung dalawa.

Hindi na sya nakapaghintay at kinain na agad ang ice cream nya. Pero natanaw kong palabas na yung limang babae galing studio kaya ang ginawa ko, hinawakan ko yung kamay ni Aia.

Napa-pout sya kasi napahinto sya sa pagkain ng ice cream nya. Natawa tuloy ako. Nung nakasalubong namin yung lima, ang sama ng tingin nila kay Aia. Kunware, hindi namin napansin. Kaya nung nakalagpas na sila samin, humagalpak kami ng tawa.

Pagpasok namin ng studio, nakangiti parin ako at napansin na naman yun nung dalawang kumag. Nagtinginan silang dalawa at natawa ng mahina habang naiiling.

"Mga kuya, ice cream nyo po. Binili yan ni Ace." sabi ni Aia sakanila na sobrang lapad ng ngiti. Yung itsura nung dalawa, hindi maipinta sa pagkagulat.

"Anong nakain mo, dude?" natatawang tanong ni Eevo.

"Ice cream." sagot ko habang sinamaan sya ng tingin.

Natawa silang dalawa ni Clyde.

"Iba na yan." Clyde just mouthed it para hindi marinig ni Aia. Binato ko sya ng ballpen dahilan para mas lalo silang matawa.

"Thanks pala dito, dude." sabi nya Eevo.

Tumango lang ako.

Busy si Aia sa pagkain nya. Tuwang tuwa sya.

"Thank you po huh?" sabi nya. Hindi maialis sa mukha nya yung ngiti nya. Napangiti na naman ako.

Maya-maya lang, may pumasok na naman na customers.

"Kuya, papapicture po kami." sabi nung isa habang nakangiti. Nagnod lang ako.

"Uy Aia! Bakit ka nandito?" tanong nung isang babae.

Ngumiti lang si Aia. Siguro hindi nya alam kung anong isasagot nya. Napansin kong parehas sila ng uniform ni Aia. Kaklase nya siguro.

Nilapitan ko si Clyde para sya na ang magtake ng pictures. Pumayag naman sya.

"Kilala mo pala yung may-ari nitong studio?" tanong ulit nung babae sakanya.

"Ah, oo." nagsmile sya.

"Close kayo?" tanong nya. Maganda sana sya, chismosa naman.

"Ah, mejo. Bakit?" tanong ni Aia.

"Ah, ano.. Ah.. Uhm, type ko kasi sya. Baka pwedeng kunin ko yung number nya tas ano, gusto ko sanang mag-twofie kami." rinig kong sabi nung babae kay Aia.

Kitang kita ko kung pano napangiwi si Aia.

"Sakanya mo sabihin, wag sakin." masungit na sabi nya.

"Sige na, Aia. Parang di naman tayo friends." pamimilit nung babae.

"Sino naman nagsabing friends tayo?" natatawa nyang sabi.

"Ako. Dali na, please?" sabi ulit nung babae. Halata sa mukha ni Aia na naiinis na sya. Kaya umeksena na ko.

"Baby, magkakilala pala kayo?" sabi ko tapos tumabi ako kay Aia.

"Baby?!" tanong nung babaeng gulat na gulat.

"Ah, yeah. She's my baby. Is there any problem with that?" tanong ko dun sa babae habang nakangiti at sinulyapan ko si Aia na ngayon ay namumula na yung mukha.

"Girlfriend mo pala si Aia, hindi ako na-informed." sabi nung babae.

"Well, atleast, now you know." sabi ko at ngumiti ng mapang-asar.

"Ah, yeah. See you at school, Aia." ngumiting pilit yung babae tsaka nagtungo na sa room na pagkukuhanan sakanila.

"Baby, you're blushing." pang-asar ko kay Aia at nanlaki ang mga mata nya.

"I'm not!" sigaw nya.

"Yes. you are. Bigyan kita ng salamin para makita mo yung namumula mong mukha?" natatawa kong sabi.

"Mainit kasi!" sigaw nya na naman.

"Ooh, mainit daw eh kumakain sya ng ice cream tas air conditioned ang studio ko." sabi ko na natatawa parin.

Ang cute nya pag napipikon. And I'm enjoying this.

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Where stories live. Discover now