Chapter 34

278 2 0
                                    

Aia's POV

SINUSUMPA KITA, WINTER ACE DOMINIC CLAVERIA. ITAGA MO SA LUNGS MO!

What the hell?! Nakita nya pa yung Bench body ko! Hahaha. Kinilabutan ako dun sa kanta nya. Hindi ko alam, may manyak side din pala sya. Hahaha. De joke lang. Alam ko namang nang-aasar lang yung ulupong na yun. Ako naman, sobrang pikon. Ewan ko ba. Ang moody ko. Ang bi-polar ko. ANG GANDA KO. Hihihi. Kontra ka? Sasampalin kita.

Pero seryoso, shet! Hiyang hiya ako. Buti nalang, sya lang yung nakakita. Kunwari, hindi ako affected pero the hell! First time na may nakakitang lalaki sa katawan ko! Kainis!

About naman dun sa "Torres-Claveria" thingy na yun. Ay jusko! Hindi ko na kinakaya! Haha.

Tapos para pa syang praning na bawat palit ko ng dress, pinipicturan nya ko. Hindi ako tumitingin sa camera. Camera shy kunwari. Haha.

Pumasok na ulit ako sa fitting room para isukat yung pangalawang dress.

"Okay ba?" tanong ko sakanya. Umiling lang sya.

Tsk! Nakakapagod magsukat ah!

Pangsiyam na tong suot ko. Gown naman sya. Halter pink gown with design na gold yung pa-halter nya tas yung bandang stomach. Pa-balloon talaga. Maganda sya. Pero aanhin ko naman to? Pero sinukat ko parin sya.

Paglabas ko..

"Okay lang ba?" tanong ko.

"Its beautiful." sabi ni Ace na nakatitig lang.

*click*

Geh. Picture pa more. Haha.

"Thanks. Teka, may isa pa." sabi ko.

Then isinuot ko na. Eto yung pinakanagustuhan ko sa lahat. Black gown sya na may design na white na nakadikit na nakakalat na kikintab kintab sya pag gabi. Tapos, see through yung sa tummy hanggang pusod. Tapos parang princess kasi palobo talaga yung sa baba. Tapos yung sa likod ko, see through rin hanggang waist. Ang ganda. Eto yung gusto ko. Favorite ko kasi ang color black.

Lumabas ako.

"Eh ito?" I asked him. Inangat nya yung ulo nya. Napatitig sya. Muntik ng mapanganga. Ganda ko kasi. Haha.

"It's perfect. Mas bagay sayo yan." sabi nyang nakangiti. Ngumiti na din ako at tumalikod pabalik sa fitting room. Kinikilig naman ako.

"Teka!" sabi nya. Then... *click*

"What the?" sabi kong gulat. Kuhanan daw ba ako ng picture ng hindi prepared?!

"Nice shot!" sigaw nya.

"Patingin!" sabi ko then inagaw yung phone nya.

Bale ang kuha, nakatalikod ako pero nakalingon sakanya pero ibang direction yung tinignan ng mata ko. Tapos yung effect pa ng buhok ko, parang hinangin sya. Tapos mejo sideview sya. Yung left hand ko, nakahawak dun sa gown. Tapos yung isa, mejo nakaunat ng konti. Para akong nage-emote. Haha. Ang ganda nga.

"Ang ganda nga." sabi ko. Napangiti ako.

"Ako pa!" sabi nya na parang nagyayabang. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay. Haha.

"Yang dalawa nalang kunin natin." sabi nya.

"Hindi ko naman kasi kailangan to. Tsk!" I murmured. Kinuha nya yung damit at sya na yung nagbayad.

"Where do you wanna eat?" he asked.

"Mcdo, please?" sabi ko. Natawa sya.

"Baka ang gusto mo talagang sabihin, 'Sundae, please?' Haha." sabi nya. Napahalakhak ako sa paggaya nya sakin.

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Where stories live. Discover now