Chapter 29

276 3 0
                                    

(The continuation)

Ace's POV

"Sir.." pinutol nila yung sasabihin ko.

"No, just call me Tito." sabi nila.

"Thanks po. Ah, Tito.. Yun nga po. May surprise party kami for Aia. Pwede po bang maki-ride kayo sa gagawin namin?" I asked them.

"Of course. I'd love to. Para sa anak ko yun eh." sabi nila. Silang dalawa nga ni Aia ang magiging bida dun eh. Haha.

"Tito, may gusto pa po akong sabihin sainyo." sabi ko. Kinakabahan na naman ako ah.

"Ano yun?" tanong nila. Shit. Kinakabahan talaga ako. Pero dapat ko tong gawin. Eto na...

"Ah... Ano po kasi.. Tito, ahm, liligawan ko po si Aia." sabi ko. Ngumiti sila.

"Alam mo, ngayon palang kita nakilala pero pakiramdam ko, napakabait mong tao, iho. Hinanap mo pa talaga ako para sa anak ko. That's too much. Kaya masasabi kong karapat-dapat ka para sakanya." sabi nila. Napangiti ako sa sinabi nila. So I'll take that as a yes.

"Thank you po, Tito. Does that mean--" pinutol nila yung sasabihin ko.

"Of course, iho. Payag ako." sabi ni Tito. Hindi ko mailabas yung kaligayahan ko. Nahihiya kasi ako. Haha. Pero the fuck! Ang saya saya ko!

"Salamat po Tito." sabi kong ngiting ngiti. Sht. Ang saya saya ko talaga, pare.

An idea popped out.

"Tito, do you wanna hear Aia's voice?" I asked. Sunod-sunod na pagtango ang ginawa nila. Yung tango na sobrang nananabik.

"Pwede ba?" tanong nila. I nod.

"Kaso po, minamalat sya eh." sabi ko.

"Its okay." sabi nila.

I dialled Aia's phone number.

*ring ring*

["Hello?"] she said. Ni-loudspeaker ko yung phone ko.

"Hello, baby. How's your day?" I asked.

["Its fine. And I'm already okay. I took my meds. Ikaw po, kamusta na yung inaasikaso mo? Are you done?"] she asked. Napahawak si Tito sa bibig nila para hindi marinig ni Aia yung pag-iyak at hikbi nila.

"Good girl. Yes baby. Its done. And you know what? It was successful! Your prayer really works! It was so worth it." I said habang nakangiti kay Tito. Mas naiyak sila sa sinabi ko.

["Really? Wow! I told you, you can do it."] she said. Panigurado, ngiting ngiti sya.

"Of course, with your help." I said.

["When will you come back?"] she asked.

"I'll be home later, baby. Pero baka tulog ka na pagdating ko. I'll just buy you pasalubong." sabi kong nakangiti.

["Aaaaaaah! Really? Ommoooo!"] she scream. Napa-chuckle si Tito.

"Yeah. You should act like a lady, baby. You're turning eighteen on Sunday." I said.

["Hmm, okay."] she said and I bet, naka-pout na naman sya.

"I almost forgot. Bibili pa pala ako ng gift para sayo kaya baka ma-late na talaga ako ng uwi." I said.

["You don't have to. Your presence is enough."] she said. Shit. Napangiti ako sa sinabi nya. Napangiti din si Tito.

"But I want to. Baby, I'm hanging up. Magdinner na, okay?" I said.

["Ikaw din. I miss you na. Take care. Ingat sa pagdadrive."] she said. Aish! Ano ba to? Nakakahiya sa harap ng tatay nya. Haha. Binaba ko na yung phone. Nahiya tuloy ako sa daddy nya.

"Looks like my daughter loves you too." sabi nila. Napaangat tuloy ako ng tingin sakanila. Nanlaki yung mga mata ko.

"You know what I mean." sabi nila. Sa totoo lang, hindi ko talaga na-gets eh. Haha.

"Iho, dito ka na magdinner." sabi nila.

After naming kumain..

"Tito, susunduin ko po kayo dito ng saturday. Para makapaghanda po tayo sa gagawin natin." sabi ko sakanila.

"O sige, iho." sabi nila.

"Ah, Ace.. Iingatan mo yung anak ko huh? Bukod kay Elena, sayo ko lang siya maipagkakatiwala." sabi nila.

"Oo naman po Tito. Wala pong problema." sabi ko and gave them an assurance smile.

Umalis na ko at naghanap na ng maipapasalubong at maipangreregalo kay Aia. Bumili ako ng ice cream at chocolates para sa pasalubong nya.

Anong ireregalo ko? Lingon lang ako ng lingon ng kung anong pwede kong makita. Hanggang sa...

"Cool!" nasabi ko habang naglalakad papasok ng shop na yun.

Assorted things yung mga products nila. Ang napili ko, yung gitara tas pinalagyan ko 'Summer Aia Dominique' dun sa may loob ng strings, yung sa frets. Ang cool nung pagkakalagay nila. Sana lang, magustuhan nya.

Nagpagawa din ako ng shirt. Yung mala-couple shirt. I know, hindi kami couple kaya tsaka ko na to ibibigay sakanya.

Pauwi na ko. Haaay! Sobrang nakakapagod. Pero sobrang masayang masaya ako. Sa wakas, magkikita na rin sila ng daddy nya.

Alam nyo yung pakiramdam na, sobrang masayang masaya ka? Aish! Hindi ko talaga mapigilang mapangiti.

Sulit na sulit lahat ng pagod ko. Basta para sa mahal ko, okay lang na mapagod ako.

Excited na ko sa magaganap na pagkikita nila..

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant