Chapter 25

310 4 0
                                    

Ace's POV

Nasasaktan din kasi ako kapag nagkakaganun sya. Wala naman akong ibang magawa para wag na syang masaktan. Kaya I'll just protect her as long as I can.

Magde-debut na pala sya. Kailangan ko ng gawin yung plano ko.

Nandito akong nakatayo lang sa tapat ng gate nila Aia. Nag-iisip kung magdo-doorbell ba o hindi.

I was about to press the doorbell button when the gate already opened.

"Oh, Ace iho. Ikaw pala." sabi ng mom ni Aia.

"Ah, goodmorning po Tita." bati ko.

"May kailangan ka ba?" tanong ng mom nya.

"Ah opo. Gusto ko po sana kayong maka-usap. Pwede po ba?" tanong ko na sobrang kinakabahan. Pero kailangan kong lakasan yung loob ko.

"Oh, sige. Halika sa loob." sabi nila at pumasok na kami sa loob.

Pinaupo nila ko sa sofa nila sa sala. Habang naghahanda sila ng meryenda, tinignan ko yung mga frames sa table na nasa gilid ko. May mga pictures ni Aia. Nung bata sya hanggang sa paglaki nya. Ang cute nya nung baby sya. Kalbo. Haha. I mean, ang nipis ng buhok nya. Mga one year old siguro sya nento. Tapos ang ganda nya sa isang picture nya. Prom siguro nila. Bagay sakanya yung suot nya.

"Ano pala yung pag-uusapan natin?" tanong ni Tita at inilapag sa mini table sa harap ko yung dala nila.

"Ah, tungkol po sana kay Aia." nahihiyang sabi ko. Kinakabahan talaga ako.

"You can call me Tita. Ah, what about her?" nakangiting sabi at tanong nila.

Sasabihin ko na ba? Shit. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Ah, Tita. I like your daughter. Uhm, no. I love her. I love Aia." sabi ko. It took a lot of courage. Phew! Nasabi ko rin.

"You do?" Tita asked.

"Yes Tita. I really do." I said full of sincerity.

Napangiti ng sobrang lapad si Tita.

"I see. So?" tanong nila na alam ko na kung anong ibig nilang sabihin.

Itatanong ko na. Its really now or never.

"Yes Tita. Magpapaalam po sana ako kung pwede ko syang ligawan?" tanong ko.

"Of course, its fine with me. Really. You see, I really like you for my daughter. Kinekwento ka nya sakin lagi. You're sweet, kind, gentleman and thoughtful daw. But why is it me that you're asking that question? Si Aia dapat." sabi nila. I smiled. Hooh! I felt relieved.

"Really, Tita? You want me for your daughter? Ahm, kasi po, gusto ko may permission po muna kayo sakin bago ko sya ligawan. And I really appreciate your blessing. Thank you po." masayang sabi ko.

"No prob, iho. Basta, you'll take care of her huh?" sabi nila.

"Tita, kahit hindi nyo po sabihin sakin yan, talagang gagawin ko po. Gagawin ko po lahat mapasaya lang sya araw-araw. Alam nyo po Tita, ang pinaka-nagustuhan ko kay Aia, madali syang pasayahin. Masiyahin syang tao. Ngiti nya palang, napapangiti na rin ako. Pero kung bakit ko sya mahal, yun ang hindi ko maipaliwanag." sabi kong nakangiti habang iniisip si Aia.

"Salamat, iho. You see, love has no reasons. Naalala ko tuloy nung bata pa sya. Ang dami nyang kaibigan kasi napaka-masiyahin nya. Mabigyan lang ng lollipop, sobrang tuwang tuwa na sya. Hanggang ngayon, mababaw talaga ang kaligayahan nya. Ngayon, she's growing up and falling in love. But behind those smiles and her laughs, may sadness syang itinatago." naiiyak na sabi ni Tita.

"Umiyak nga po sya eh. Wala naman po akong ibang magawa. Sobra po syang nasasaktan. Tita, I hope you don't mind. Pero alam nyo po ba kung nasaan ang daddy ni Aia?" I asked. Biglang may nagpop out na idea sa utak ko.

"Hindi ako sigurado, iho. Ang probinsya kasi nila ay sa Nueva Ecija. Pero baka nasa Manila parin sya hanggang ngayon. Binalita sakin nung kaibigan ko doon na nakasalubong daw nya yung daddy ni Aia sa isang supermarket. Pero hindi ko sinabi kay Aia kasi ayokong hanapin nya ito. Ayokong masaktan yung anak ko." sabi nila na umiiyak na.

I rubbed their back para i-comfort sila.

"Tahan na po, Tita." yun lang ang nasabi ko.

"Ako mismo kasi ang humiwalay kay Alfred nun dahil may iba syang babae. Kaya inilayo ko si Aia sakanya. Kasalanan kong lahat kung bakit nasasaktan yung anak ko." sabi nila.

"Hindi nyo po kasalanan, Tita. Ginawa nyo lang po kung ano sa tingin nyo yung makakabuti kay Aia." sabi ko. Sa totoo lang, bilib nga ako sakanila eh. Hindi kaya biro ang maging single mom. Kinaya nilang mag-isa palakihin si Aia. At napalaki nilang maayos at mabait na bata si Aia.

"Pasensya ka na iho, nakita mo pa ko kung pano ako magdrama." sabi nila na natatawa habang nagpupunas ng luha.

"Okay lang po Tita. Naiintindihan ko po." sabi ko. Nagnod sila.

"Magdedebut na po pala si Aia. May plano po ba kayo para sakanya?" tanong ko.

"Meron sana. Pero kinausap nya akong wag nalang daw. Umiyak sya sakin nun kaya pumayag na kong wag na. Kaso kasi, debut nya yun kaya kahit ayaw nya, kahit salo-salo nalang." sabi nila.

"Tita, I'm planning to throw a surprise party for her. Tutulungan daw ako ni Mom." sabi ko.

"Talaga? Maganda yan! Of course, tutulong din ako." sabi nila. Nagnod ako at ngumiti.

Tinanong ko ulit si Tita about sa daddy ni Aia. Kumuha ako ng mga infos. Mga ganun.

"Basta iingatan mo si Aia huh?" bilin na naman nila.

"Opo Tita." sabi kong nakangiti.

"Wag mo syang papaiyakin huh?" sabi nila.

"Hindi ko po maipapangako pero sisiguraduhin ko po na kapag iiyak sya, yun ay dahil masaya sya at hindi dahil nasasaktan sya." sabi ko.

"Wag mo syang sasaktan." that's not a request. Its already a command.

"Tita, I'll do everything para hindi ko sya masaktan. Hindi ko po pinapangako. Kasi sabi nila, no matter how much we try not to hurt someone we love, we still gonna hurt them unintentionally." sabi ko.

"I understand, iho. Basta gusto ko lang sumaya yung anak ko." sabi ni Tita.

"Ako rin po, Tita. Gustong gusto kong sumaya si Aia." sabi ko. Ngumiti sila.

"Gustong gusto ko po syang sumaya kaya Tita.. *breathe in and out* Hahanapin ko po ang daddy nya. Gagawin ko lahat, mahanap lang ang daddy nya. Aia deserves to be happy. And I think, its about time for that happiness of her to happen."

"Iho.." sabi ni Tita na gulat.

"Eighteen years na po syang nagtiis. Ayoko na pong pahabain pa yung paghihintay nya. Ayoko na pong nasasaktan sya. Kaya gagawin ko po yun whatever it takes, Tita." sabi ko. Desidido ako.

She's been through a lot. And I think, suffering for eighteen years is already enough. Its about time for her to be happy.

And I'll do everything for that.

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Where stories live. Discover now