Chapter 62

141 2 4
                                    

Aia's POV

"Sino ba ko? Bakit wala akong maalala?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Nandito ako sa bahay daw namin. Nakalabas na ako ng ospital.

Pero bakit hindi ko maalala kung sino ako? Pakiramdam ko, pinanganak ulit ako.

Ano bang nangyari sakin? Bakit ni isang alaala, wala akong matandaan?

I can't remember my name. I can't even remember I exist.

Pinipilit kong umalala pero wala talaga. Nakaka-frustrate.

*knock knock*

"Anak, dinner is ready. Baba ka na. Kakain na tayo." sabi ng Mommy ko.

"Coming." I responded.

Bumaba na rin ako at naupo sa mesa.

"Honey, are you okay now?" tanong ni Daddy. I just nodded.

But I'm really not fine. Feeling ko, may kulang sakin. I just can't figured it out.

"Anong gusto mo anak, papasok ka sa school or home school nalang?" tanong ni Mommy.

"I want to go to school. I want to meet new people." sabi ko.

"Itutuloy mo ang course na tine-take mo?" tanong ni Mommy.

"Yes po. Ano po bang kinukuha ko?" tanong ko.

"You're taking up Bs Psychology. Next week, papasok ka na." sabi ni Mommy. Nagnod lang ako.

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Pakiramdam ko, parang naging emotionless ako.

Inikot ko ang paningin ko sa kwarto ko. At naisipan kong humanap ng bagay na pwede akong makaalala.

May nakita akong isang photo album sa bedside drawer ko. Kinuha ko yun at binuksan.

May pictures ng baby. Kasama ni Mommy. Malamang, ako ito. Binuklat ko ng binuklat pero puro pictures ko lang talaga nung bata ako eh.

Nagtataka lang ako. Nung natutulog ako, may panaginip ako. May boses ng lalaki. Pilit nya kong ginigising. Ang sabi nya, 'Aia, wake up.' sabi ng Mommy ko, Aia ang pangalan ko. Edi, ako yung ginigising nya? Sino kaya sya?

Bukod dun sa boses nung lalaking yun, wala na kong ibang natatandaan.

All I know, is that I'm Summer Aia Dominique Torres Cuesta.

-----

Nate's POV

Habang tulog sya, parati ko syang binabantayan. Lagi akong pumapasyal. Pero madalas, nasa labas lang ako ng ICU.

Naririnig ko lahat ng sinasabi ni Ace. Kung gano sya nasasaktan. At nakita ko rin kung gano nya kamahal si Aia.

Mapapanatag na ko pag umalis na ko. Alam kong hindi na nya ulit sasaktan si Aia.

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Aia. Nandito ngayon ang mama nya at ang mama ni Ace.

Nagulat ako nung gumising na si Aia. Pero mas nagulat ako sa sinabi nya.

May amnesia ba sya? Tanong ko sa sarili ko.

At nang marinig ko yung sinabi ng doctor kay Tita Elena.. Biglang tumulo ang mga luha ko.

Nagising na nga sya. Pero hindi na nya ako maaalala.

Narinig kong hiningi ni Tita Elena na wag munang pilitin si Aia.

Hindi na ko magkakaroon ng pagkakataon na magpakilala ulit sakanya.

Aalis na kami mamayang gabi eh.

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Where stories live. Discover now