Chapter 69

130 3 2
                                    

Aia's POV

Sa limang taon na lumipas, successful na rin kami. Ako, si Ace, si Kuya Eevo, si Kuya Clyde, si Daphnee at Allie, pati na rin ang mga bestfriends ko.

Sa limang taon din na lumipas, ang daming nagsasabi na nakikita na nila yung dating Aia. May mga memories din na nagfa-flashback sakin.

Like yung mga panahong masaya ako. Nung mga times na malungkot ako. Pati nung mga araw na nasasaktan ako. Nagfa-flashback. Nakatulong din yung mga pictures and videos namin ni Ace.

Naaalala ko tuloy si Nate. Buti may pictures syang kasama ko nung debut ko. Kaya hindi ako nanghuhula dati kung anong itsura nya. Well, sabagay. Nakaya ko nga dati nung kami pa na hindi kami nagkikita eh.

Pero, limang taon na yung lumipas. Iba na sya ngayon. Nagsesend din kasi si Ate Vane ng mga pictures nila ni Nate sakin. Ni minsan, never ko na syang nakita na ngumiti.

Kamusta na kaya sya? Sana maka-survive sya sa sakit nya. Buhay sya, alam ko. May communication pa rin kami ni Ate Vane. Pero patago na. Hindi alam ni Nate. Dahil ayaw na naming masaktan sya.

Nakakapagtaka lang, may mga times na parang namimiss ko rin sya at naiiyak nalang ako kasi naaawa ako sa sitwasyon nya. Siguro kasi, pag mahalaga sayo at nasa puso mo, kahit pa makalimutan mo, may part na rin talaga sa puso mo na maaalala mo parin sya.

Di ba nga, nakakalimot man ang isip pero hindi ang puso.

Hirap na hirap sya sa bawat chemo session nya. Napapagod na sya. Kita ko yun sa mga pictures na sinesend ni Ate Vane.

Sa limang taon din na lumipas, mas matured na kami. Lalo na si Ace. Kung dati, isip bata kami.. Laging nag-aaway dahil sa ugali ko at sobrang moody ako, ngayon.. Napapag-usapan na namin ng maayos. Vocal kami. Kaya, ayun. Hindi kami nagkakaproblema.

Busy ako sa paper works ko ng may marinig ako sa labas na ingay.

May lalaking sinurprise yung isa sa mga empleyado dito. Monthsary ata?

Lumabas ako. Hindi ko na naabutan yung harana session.

"Happy Monthsary.. I love you, Fiyah." sabi nung guy at nagkiss sila. Tapos inabot nung guy yung gift nya.

"Buksan mo na." sabi nung lalaki. Binuksan naman nung babae at ring box yung gift.

Binuksan ulit nung babae yung ring box pero walang laman. Natahimik lahat. Si Fiyah, biglang nawala yung mga ngiti nya sa labi. Malamang, sino nga bang makakangiti sa ganung sitwasyon?

"Hey. Wala talaga yang laman. Kasi..." sabi nung guy. May kinuha sya sa bulsa ng coat nya.

At bigla syang lumuhod. Itinaas nya yung kaliwang kamay nya na parang may ipinapakita. Nagulat si Fiyah at parang naiiyak nya.

"Fiyah.. Sa 8 years natin, ang dami nating pinagdaanan. Umiyak tayo. Nasaktan. Nagselos. Pero tayo pa rin talaga. Fiyah, I love you so much. And now, I want our 8 years to be forever. Will you marry me?" tanong nung lalaki. Nakakakilig naman.

Mas lumapit pa ako. Nagulat yung ibang mga empleyado at parang natakot. Pero ngumiti lang ako. Yung ngiting nagsasabing 'no, its okay'.

"Yes, Francis. I do. I will marry you!" sabi ni Fiyah na umiiyak.

Tuwang tuwa na isinuot ni Francis sa daliri ni Fiyah yung ring.

"Yes!!" napasigaw si Francis sa sobrang saya. At binuhat nya pa si Fiyah. Parang ang saya naman.

"Ahem! Congrats to the both of you." sabi ko.

"Ma--ma'am. So--sorry po." nauutal na sabi ni Fiyah.

Living with Mr. NGSB (COMPLETED)Where stories live. Discover now