Encounter #5

284 14 2
                                    

Ang puso kapag na inlove ay mahirap nang pigilan. Pero kapag napigilan mo ito, 'yon ay ang panahong tumitibok na sa maling tao.

"Tayo ay nakatayo ngayon sa harapan ng World rennounced Spoliarium ni Juan Luna. Which a sized of 4.22 by 7.68 meters."

"Spoliarium was an entry to the prestigious exposisyon de valas artes in Madrid on 1884."

Mahabang paliwanag ng art and culture teacher ni Ricci. Nagkakaroon sila ng gallery walk activity. Since nasa museum lang naman sila ng university ay sumama na lang ako at nagnilay nilay sa loob ng museum.

"Ang unang pupukaw sa inyong paningin ay ang napuksang mandirigma na hinihila ng kawal. Larawan ng kamatayan at ng oppression."

Dagdag ng kanilang guro. Nakikita kong hindi siya nakikinig sa klase kaya kinunan ko siya ng larawan. Haisst! Ano bang klaseng college ito? Hindi man lang nagbigay ng attention sa kanyang guro na nagsasalita sa harap. Gosh! Well, college is college.

Dahil sa sobrang excited kong maglakad lakad sa loob ng mall ay umalis ako kaagad sa gallery kung saan nagl'lecture yong tracher ni Ricci.

Nandito ako ngayon sa isang painting na naglalarawan ng mga Pilipino na sinaunang sundalo ng bansa. Mayron ring nag lelecture, siguro ibang set rin ito or ibang year.

"Our history is tragic. But no matter how tragic the pass is, we must not forget. We must never forget."

Nakaka-amaze ang mga professor dito. Ang tatalino.

Napangiti na lang ako sa narinig ko. Parang gusto ko pang mag explore para makakita at makarinig pa ng iba't-ibang explanation tungkol sa mga history ng Pilipinas. Parang gusto ko na ring mag-aral dito. Waahhh! Pero tapos na akong nagaral eh. Two years course nga lang.

"Parang sa love," Pa alis na sana ako ng biglang nagsalita ulit yung prof. ng kabilang set at nirelate sa love yong topic.

Pero aminin niyo, mas nakaka excite at may thrill ang class kapag nirelate sa love.

"First love never dies. Maaring wala na kayo pero hindi ibig sabihin no'n ay kakalimutan mo ng tumibok ang puso mo sa kanya na hindi mo inakala." Saad ng prof na babae. Nakatingin lang ako ng deretso, parang kinurot yung dib-dib ko sa puntong iyon. Haaiist!! Ano bang nangyayari?

"To forget is to deny the present any significant meaning----" hindi ko na tinapos yung pinagsasabi ng professor dahil tumakbo na ako palabas ng museum. Steph, ano bang nangyayari?

Tinitignan ako ng mga taong nadadaanan ko sa loob ng museum. Hindi ko alam pero tagos sa puso lahat ng pinagsasabi ng professor. Hindi ko maiwasang maiyak habang tumatakbo palabas.

Naalala ko si Dave. Siya ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Niligawan ako ng almost tatlong buwan. At ang sweet sa akin kaya hindi ko maiwasang mahulog sa kanya. Napatibok niya ang puso ko ng sobra at siya ang kauna-unahang lalaki na minahal ko. Nangako kami sa isa't-isa na magpapakasal kami kapag umabot na kami sa legal age. Pero niloko niya lang pala ako.

Pumasok siya sa pagkasundalo na hindi man lang nagpaalam sa akin dahil nalaman ko na lang sa kapatif niyang si Kate. Mula no'n ay binura ko na ang lahat ng mga pictures, numbers, contacts, at blinock ko na rin siya sa facebook at instagram. Kinalimutan ko na siya noon pa. Pero naalala ko ng marinig ko ang mga katagang iyon na galing sa bibig ng college prof ng Unibersidad.

Gayumpaman, simula ng iniwan ako ni Dave ay hindi ko na hinayaang tumibok muli ang puso ko sa mga lalaki. At ang gusto ko na lang ay ang magpakasaya sa mga pinapasukan kong trabaho.

"Hey, umiiyak ka ba?"

"Ay--- hindi. May nakapasok lang na insecto sa mata ko sa loob kanina ng museum." Pagsisinungaling ko ng dumating si Ricci sa labas ng museum. Nakaupo lang ako sa may hagdan sa entrance ng building para madali ko lang siya makita. Pero naabutan niya akong umiiyak.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon