Encounter #19

167 6 6
                                    

STEPHANNIE

24 hours akong nawala sa bahay ng amo ko. Alam kong galit siya sa akin dahil sa hindi niya inaasahan na ginawa kong pagsumbat sa kanya. Alam kong nagtataka ngayon sina tita at aleng Des dahil hindi ako umuwi.

Nag text sa akin si tita, ang sabi ko tumuloy ako sa kaibigan ko dahil birthday niya. Nagsinungaling nanaman ako sa puntong iyon. Pero ang totoo niyan ay sa dormitory ni Bryle ako tumuloy at nagpalipas ng gabi

Medyo awkward but I have to do it. You know that feeling? Your ex and you were in one roof sleeping together? Medyo nakakalaswa o nakakadiring isipin. Pero wala na akong nagawa dahil wala naman akong alam na matutuluyan kundi doon.

Medyo maaga pa naman, closed pa ang bahay ng amo ko pagkarating ko dito ng umaga. Dahan dahan kong binuksan ang gate pero nakalock pa ito dahilan para makagawa ito ng ingay at naging rason para ma alarma ang mga aso. Letche kayo, wag kayong maingay sabi ko na lang sa utak ko.

Naisipan kong umakyat ng gate. Marunong naman akong umakyat dahil gawain ko na ito noon kapag late na akong umuuwi galing sa school.

Dahan dahan akong umakyat sa gate, mga 1 and a half meter ang taas ng gate kaya mahirap kung tutuusin. Maya maya pa ay nakalipat na ang isa kong paa sa area na sinasakupan ng bahay. Kinakagat ko ang labi ko dahil sa sobrang kaba na baka mahulog ako o kung anong mangyari sa akin.

Kahol parin ng kahol ang mga aso. Naiinis na talaga ako. Itataas ko na sana yung isa ko pang paa para tuluyan na akong makalipat sa area ng bahay nang biglang bumukas ang pintuan ng bahay at ikinagulat ko ng bongga.

"Waaaaaahh!!!--- ouch.,, pssh.. ouch! Aray. Whoooo. Ouch!"

"Saan ka ba galing bata ka?"

"Aleng Des, naman. Nanggugulat naman kayo."

"Haynako kang bata ka kung tinext mo sana ako idi napagbuksan kita." Natulala nalang ako sa sinabi ni Aleng Des, oo nga no? Bakit hindi ko yun naisip? Haiist! Sa sobrang dami ko na sigurong iniisip.

Pumasok kami ng tahimik ni Aleng Des sa kusina para gamutin ang mga pasa at sugat na natamo ko. Mabuti na lang at hindi ako na baldado. Sobrang taas pa naman ng gate.

"Oucch! Dahan dahan lang po. Whooo. Ouch-- ahh..." angal ko sa kanya habang nilalagyan ng alcohol ang mga sugat ko. Ang hapdi.

"Oo na, wag ka ng maarte kasalanan mo naman eh, kung kahit saan-saan ka kasi pumupunta."

"Aleng Des, naman oh. Sinabi ko na sa inyo eh. May pinuntahan nga ako. Sorry naman po. Hindi na mauulit.. promise..." sambit ko habang tinataas ang kaliwang kamay ko dahil iyon lamang ang walang galos na malala.

"Huwag ka sa akin humingi ng sorry, sa amo mo. Kasi hindi ka nag paalam sa kanila. Lagot ka talaga." Natameme ako doon. Hihingi raw ako ng sorry, pero paano? Eh nahihiya ako. At isa pa natatakot ako dahil ng asa hindi ko mapigilang pagsumbat sa kanya kahapon.

"Oucch--- ahhh.. whooo. Hang shaket!"

"Oh.. my.. what happened?" Napalingon kami sa nagsalita. It was Carmen. Hindi ako kumibo. Nakatingin lang ako sa bote ng alcohol. "Is that a scars?" Dagdag pa niya.

Malamang. Alangan naman pagkain? Hindi naman nagiisip eh. Ngumiti ako sa kanya. "Ah-- eh-- oo. Hinabol kasi ako ng aso kanina sa labas nong pinakain ko sila." Pagpapalusot ko.

"Wow, it's too early for them to eat... well, whatever. I can help you. I know how to cure that one. Akin na po manang. Kaya ko na yan." Nagulat naman ako sa inakto ni Carmen. Lumaki ang mga mata ko sa kanya habang nilalagyan ng mga band aid at cotton ang aking mga sugat.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon