Encounter #15

174 6 0
                                    

Ang pag-ibig ay parang pagtawid sa kalsada. Maraming maaaring mangyari na babago sa takbo ng buhay mo, ng taong mahal mo ng mga taong nasa paligid mo.

Bawat hakbang ay isang pagsugal na maaring hindi ka na makarating sa kabilang dulo o pag-asang makaratig sa lugar na pupuntahan mo'y may isang taong matagal nang naghihintay sa'yo. Mahirap salungatin ang gulong ng tadhana. Mahirap baguhin ang agos ng kapalaran. Mahirap.

-Becca


Lahat ng pagkakataon ay pwedi kang magmahal. Pero hindi lahat ng minamahal mo ay mamahalin ka sa lahat ng pagkakataon.

Alas dyes ng umaga. Paakyat ako sa condo unit ng kaibigan ni Ricci na si Brent. Nagmamadali akong umakyat suot ang lose shirt at blue jeans at suot ang aking sling bag. Hindi ako nagpaalam na umalis ng bahay.

Naging closed kami ng Brent dahil kay Ricci. Siya kasi madalang kasama ni Ricci sa lahat ng gimik niya. Tapos ako itong laging nagaalalang katulong ay nagt-text sa kanya para kumustahin ang kalagayan ng amo ko.

Tapos kapag nagkikita kami sa mall or kung saan saan ay naguusap kami, kaya napalapit na rin ang loob ko sa kanya.

2nd floor

3rd floor

4th floor

Akmang lalabas ako ng elevator ng makita kong lumabas rin si Ricci sa pintuan ng kwarto ni Brent. Kinuha ko ang libro sa aking bag para magkunwaring nagbabasa habang naglalakad palabas ng elevator. Nakita ko sa tagiliran ko na nagkasalubungan kami kaya dali dali akong naglakad.

Hindi niya ako nakilala.

Agad akong pumasok sa kwarto ni Brent.

"Pssh!! Bakit hindi mo sinabing nandito pala siya?"

"Lowbat ako eh, hehe."

"Haiist!!"

Napaupo na lang ako sa sofa ng kwarto niya at huminga ako ng malalim. Hindi ko na pinansin kahit medyo magulo ang loob ng kwarto niya. Pumunta lang ako dito para hihingi ng kunting advice.

"Oh... coffee." He offered.

*ding   dong*

Napabalikwas ako ng marinig kong tumunog ang doorbell ng kwarto ni Brent. Inutusan niya akong mag tago sa likuran ng malaking sofa.

"Naiwan ko ba dito yung phone ko?" Narinig kong sambit ni Ricci. "Hanep ah? Nagkakape ka pala?" Dagdag pa niya rito.

"Shempre. Para pumogi lalo at tumalino." Sagot naman ni Brent. Tinakpan ko ang bunganga ko dahil sa sinabi ni Brent. Malapit pa akong masamid ng laway ko.

"Sige, aalis na ako."

"Bye, Ricci." Malambing na sagot naman ni Brent. Napasandig na lang ako sa wall at napabuntong hininga. Nginitian ko si Brent "success?" Tugon ko sa kanya.

Tumayo ako at bumalik sa pueesto ko kanina.

"Alam mo na ba?" Pag uumpisa ko ng usapan.
"Na ikakasal siya?" Sagot naman niya. Umiinom lang lang kami ng kape. "Ako mal'late sa balita?" Pagmamayabang naman niya. Sabagay kaibigan niya si Ricci kaya hindi na nakakapagtaka 'yon.

"Oo, tapos sabi ni Tita Abi sasamahan ko raw sila ng mapapangasawa niya sa Probinsya nila. 'Di ba wierd yun?"

"Alam mo bakit?" Tanong naman niya sa akin. Chill lang siya. It seems like he knows the whole story behind.

"Bakit?" Sagot ko at sumisip ng maiinit na kape.

"Kasi ayaw niyang mapalayo sayo."

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon