Encounter #16

178 7 0
                                    

Hindi naman masakit tanggapin ang katotohanan. Ang masakit lang ay 'yong hindi umayon sa iyo ang kapalaran.

Kung kailan ka pa naging handa, at saka ka pa kinalaban ng tadhana.

-Maria


~When the sun shines, we'll shine together
Told you I'd be here forever
Said I'll always be a friend
Took an oath I'ma stick it out 'til the end

~Now that it's raining more than ever
Know that we'll still have each other
You can stand under my umbrella
You can stand under my umbrella

"Guys, faster. In a few minutes darating na sila."

"Yung mga balloons, flowers, and red carpet. Okay na ba?

"Yes, madaam."

"Pakilabas na rin yung mga monoblock chairs, oh."

~(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh)
Under my umbrella
(Ella ella eh eh eh eh eh eh)

"Yung table, Steph. Pakiayos. Medyo hindi straight ang cloth niya."

"Yes, po tita."

"Paki lagay na rin dito yung mga ulam at ibang pagkain."

"Opo, tita."

~These fancy things, will never come in between
You're part of my entity, here for infinity
When the war has took its part
When the world has dealt its cards
If the hand is hard, together we'll mend your heart
Because

"Okay na ba ang lahat?"

"Opo, maam."

Saturday

Ang araw kung kailan itinakdang i-engage ang amo kong si Ricci Rivero sa isang napakagandang dalaga na si Carmen Chuan. Handa na ang lahat. Pamilya na lamang ni Carmen ang hinihintay.

Busy kami ni Aleng Des sa kusina at sa paghahanda ng buong bahay. Maraming catering crew na naghahanda ng napakalaking bahay.

"Surprise....;!!"

Napabalikwas ako ng bahagya ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang limang lalaki. Sinalubong sila ni Tita Abi at nagbeso beso. Shempre kalma lang kami sa kusina, katulong lang kaya kami.

"Where's Sahia?" Tanong ni Tito Pao kay tita habang nag b'beso-beso. Sahia ang nick name ni Ricci chinese term which means third child.

"Mommy? Anong mayron?"

"Mum, is this a surprise?"

"Mum, bakit parang may fiesta?"

'Yan ang mga katanungan ng mga anak ni tita sa kanya. Pero nag kibit balikat lang sila ni Tito Pao dahil parang sila lang ang nakaka alam sa programa.

"Okay guys. Prepare yourself. The Party begins later. This is going to be an exciting party." Nagiinganyong tugon ni Tita sa kanyang mga anak. Yung iba dumeretso na sa kani-kanilang kwarto.

Kami patuloy lang kami sa paggawa ng mga gawaing bahay at paghahanda ng iba pang kakailanganin. "Bro!" narinig kong bulyaw ng magkapatid na Prince and Rasheed nang makita nilang lumabas si Ricci sa kanyang kwarto.

Handa na lahat, ang mga ilaw, balloons, sound system, at mga chandeliers na kumikinang-kinang. Handa na ang mga upuan, at ang red carpet na inilatag sa semi-letter 's' na hagdan ng bahay.

Lumipas ang ilan pang mga oras. Ang dami ng tao sa malaking Mansion ng Pamilya ni Tita Abi. Mga elegante, mayayaman, at Business men na mga bisita. They really look so stunning wearing thier own suits and long lose dressed.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon