Encounter #13

168 5 5
                                    

Nagulat na lang ako ng makita ko ang isang babae na familiar kasama ang medyo matandang babae na pormang mayaman. Sila yung nasa mall, at yung magandang dalaga na 'yon ang nakabangga ko sa department store kanina lang.

I immediately went in the kitchen to fix all the  groceries I bought earlier. Nakakapagud ang araw na ito. Pero worth it naman kasi serves as experience na rin.

"Sino ba yang mga yan, aleng Des?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang mga grocery. "Ang sabi kanina ni madaam, siya raw yung pakakasalan ng anak niyang lalaki. Hindi ko alam kung sino sa mga anak niya." Lumaki ang aking mga mata at tumingin ng tudo sa kanya. "Haah-- si-sino po?" Utal kong tanong sa kanya. "Hindi ko nga alam, ito naman eh. Ang kulit." Sagot naman niya na parang na i-stress.

Pero ang lakas ng kutob ko na si Ricci yung pakakasalan ng babaeng iyon. Well, wala naman akong magagawa at wala rin naman akong karapatan kasi wala naman akong ka alam alam sa buhay nila.

Nakita ko na naguusap lang sila tita at kanyang mga bisita sa sala. Naisipan ko na bigyan sila ng tubig at merrienda. Nakayuko lang akong naglalakad papalapit sa kanila. Yaya mode ganon. Nakatingin lang yung Carmen sa akin habang dinidistribute ng maayos ang mga baso at tubig. Maganda naman siya, nakaka inlove ang beauty pero ewan ko na lang sa ugali.

Maya-maya pa ay nagsalita si tita abi. "So you'll going in the Hotel tonight?" Tanong niya sa matandang babae. Sumagot naman ito. Hindi ko na narinig ang mga pinaguusapan nila dahil pumunta na ako sa kusina.

Kinagabihan

Nagsusuklay lang ako sa taas dahil katatapos ko lang naghalf bath. Narinig kong naguusap sina Tita at Ricci sa ibaba. I went downstairs just to do something, but my whole intention is to know what are they talking about. Hindi naman siguro sila magagalit o hindi nila mahahalata na nakiki chissmiss lang ako kasi kasambahay lang naman ako in the first place. Kaya keber na lang.

"Mum, why do you need to marry me to someone whom I really don't know?" Narinig ko na tanong nito sa kanyang ina. "It's not about love. It's about money." Sagot naman ng kanyang ina na medyo na f'frustrate na rin kakapilit sa kanyang anak. "What? How come? Are we blind for money? That's not a good idea, perhaps dad won't allow us to do this." He replied with all intention.

"No! We already made a deal. Next week, you'll meet Carmen. You'll going to marry her for goodness sake. Sa ayaw at sa gusto mo Saturday.... Saturday ang engagement niyo." Nabilaukan naman ako habang umiinom sa kusina ng marinig ang mga katagang iyon. I felt thier deep  conversation disturb because of my reaction. Until tita Abi walked off and Ricci left at the sala with full of frustration.

Naglakad ako palapit sa kanya. Nakatayo lang siya sa sala na nakapa maywang habang pa tingin tingin sa itaas ng kesame na para bang hindi alam kung ano ang gagawin. Ano bang gagawin ko? Yung ma aadvice ko?  Tatanungin ko ba siya? Kung okay lang ba siya? Haist! Inabot ko na lang ang kamay ko sa kanya. Tumingin naman siya at tinignan ako ng what's that look.

Tinignan niya lang yung kamay ko. "What?" Tanong niya. "Congrats?" Sagot ko naman at nginitiian siya ng matamis. "For what?" He asked cluelessly. Hindi parin niya ito tinatanggap. "Para sa engagement mo po." Sagot ko naman at ngumiti ako sa kanya habang tinitignan ang kanyang mukha. "Whatever." He answred and rolled his eyes 90 degrees off. "Ang sungit mo naman ser." Sabi ko at binawi ang aking kamay. "Ano? Anong sabi mo?" Nagulat ako ng sumagot siya ng parang naiinis. "Ah wala po. Sabi ko po nasungkit mo na yung true love mo. Hehe" pagpapalusot ko naman. Napailing na lang siya at nagwalkout.

Nakikita ko sa kanya na ayaw niya ang kasunduang ginawa ng kanyang ina at sa pamilya ni Carmen, dahil lang sa pera at lupa, at bahay ay magkakaroon ng arrange marraige sa kanilang pamilya. Though e haven't seen the girl yet, but he intentionally would want not to do the deal. At sino bang tanga na papayag sa isang fix marraige? Yung ipapakasal ka sa isang taong hindi mo naman kilala. Sino bang tanga na magpapakasal lang sa isang tao dahil lang sa pera? Wala naman diba? The true essence of marraige is not about having money, it's about a two heart who beats as one.

7:54 ng gabi. Narinig kong umandar ang sasakyan. Dali dali akong bumaba ng hagdan para sundan kung sino iyon dahil sigurado akong si Ricci yon. Tumakas nanaman ang mokong. Hindi ko na siya naabutan dahil pinatakbo na niya ng mabilis ang sasakyan, I shooked my head off and gritted my teeth dahil sa ginawa niyang pagtakas. Hindi ko na binalak na sabihin ito kay tita Abi baka magagalit siya o baka may kinuha lang saglit at babalik rin kaya pinabayaan ko na lang.

Ilang minuto na akong naghihintay sa sala, umaasang babalik ang aking hinihintay upang makampanti ako sa pagtulog pero wala talaga akong nahintay. Nakatapos na ako ng ilang teleserye pero wala parin. Maya maya pa ay tumunog ang aking cellphone.

*kring*

"Hello? Sino po si--- ahh,... Brent? Saan mo nakuha number ko, ahh-- di bale. Ano???!! Lasing nana-- sorry sorry. Huwag mo na siyang pauwiin baka ano pang mangyari."

"Oyy, nag aalala ah." Sagot naman niya sa kabilang linya.

"Sige na. Baka marinig pa ako ni Tita dito." Bulong ko naman sa kanya.

"Bye, Steph" Sagot naman niya. Medyo wierdo rin itong lalaki na ito eh. Ang corny niya magsalita sa phone.

So ayon na nga. Naglasing nanaman ang amo kong lalaki sa ibang bahay. Haiist!! Dahil siguro ito sa fix marraige. Kasi isang libangan rin ang pagiinom ng alak para mabawasan ang problema at mga hinanakit na nararamdaman pero may mga pagkakataon rin nakakapagbigay ito ng sakit ng ulo.

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan. Iniisip ang mga problema na dapat ay kasiyahan lamang, ngunit tangina, bakit ang daya ng tadhana? Akala ko kasiyahan lang pero bakit nagiging problema? Akala ko matitiis ko, pero sumusuko na ang aking puso, kasi mahal ko na siya, ayaw ko ng malayo sa kanya. Pero tangina, ikakasal na siya sa iba.


#ENCOUNTER #13: ANG DAYA NG MUNDO. BAKIT KAILANGANG MAHULOG SA MALING TAO?

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon