birthday fireworks

5.2K 98 60
                                    

I WENT to work quite pissed. The whole day passed by with a blur and when nighttime came, umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko. Hindi ko na sinabihan pa si Kira, wala namang pakialam ang babaeng 'yun umuwi man ako o hindi sa kanya.

"Asan si Kira, 'ya?" Tanong ni Ammo at nilapag ang isang paperbag sa mesa habang nanonood ako ng tv sa sala. Binuksan nya ang paperbag at inilabas ang isang pirasong pandesal at nagsimula nang kumain. Imbes na sagutin ko sya ay sinamaan ko lang ng tingin ang hawak nyang pagkain.

"Ialis mo nga yang pandesal na 'yan sa harap ko! Gabing-gabi na kumakain ka pa rin nyan. Itapon mo nga 'yan! Tsaka 'wag kang tanong ng tanong! Mag-aral ka nga!"

"Hala sya, bad trip na naman," ani Ammo at mabilis na sinunggaban ang supot pagkatapos ay tumakbo paaalis sa tabi ko. Alam naman na pala nya eh nagtanong pa sya.

Ni hindi na ako naghapunan. Ang kulit kasi ng mga magulang ko, panay ang hingi ng apo eh wala nga akong maiharap na girlfriend sa kanila. Si Kira kasi ang manhid.

Natulog na lang ako, pero hindi pa rin tulog ang tawag niyon. Through out the night I had my eyes closed, but my thoughts lingered away towards that woman who drives me insane.

Nakakairita talaga. Kung kailan ako tumanda ay tsaka ako nagka-experience ng isang relasyon na paikot-ikot lang. Talo pa naming dalawa ang mga high school sa mga hirit namin, talo pa namin ang mga k-drama sa kadramahan namin.

I love her, although she drives me nuts, and that's okay for me. Pero parang sa kanya ay isang laro lang talaga ang lahat. We got over our differences. We got past those dark times of our lives. We already settled our issues and have completely moved on from the pain I cost her. I love her deeply, but in spite of everything, there are still something holding her back.

I can tell that she deeply cares for me, and Kira is not the type na paaasahin lang ako sa wala. Hindi pakikipagkaibigan ang habol ko sa kanya at alam kong naiparating ko iyon sa kanya ng mabuti at klarong-klaro. Sometimes, I almost felt like everything's in vain, but Kira would also make me feel that she's the fruit of my hard work, that's why I'm trying my best for her and our future together.

I just don't understand.

Ang tanda ko na pero parang pabaliktad yata iyong utak ko dahil paliit ng paliit ang nalalaman ko. No one can really understand a woman's mind.

Nakatulog ako nang mag-uumaga na.


I WANTED to say that I was enjoying the little get together my parents put out for me but I would only be lying to myself. I was drinking alone, nanonood sa bangayan ng kaibigan kong si Jeremy at si Niah habang karga-karga ni Jeremy si baby Maya, iyong 9-month old na pamangkin kong pagka-ganda ganda. Siguro kung magkakaanak na rin ako, mas maganda pa kay baby Maya, kaso nga lang...

Balik-alindog na rin si Niah, at si Jeremy naman, mukhang blooming din. Tatay na tatay ang dating eh hindi naman sya ang tatay. Hindi ko alam kung ano ang estado ng dalawa. Sa pagkakaalam ko lang, natutuwa si Jeremy kay Niah at sa anak nito. Sobrang natutuwa na hindi na nakakatuwa dahil minsan, nakakainggit na.

I felt my phone vibrated so I fished it out.

I'm outside. Can we talk?

Hay. Tanginang buhay. Dalawang simpleng pangungusap lang akala mo hinahabol na ako ng aso sa bilis ng tambol ng puso ko.

Please.

Putangina. Ano pa bang magagawa ko, eh may please na? Lintek na pag-ibig, ang hirap maging biktima niyan. Ni hindi man lang ako binati ng simpleng happy birthday pero kung makatakbo ako palabas ay parang daig ko pa si Usain Bolt sa bilis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Temporary FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon