damn regrets

1.1K 32 0
                                    




I should've known that you are not for granted


"DON'T you like your food?"

Gusto ko sanang sagutin si Joseph na hindi pa naman ako gutom kaya hindi ko pa nakakain ang pagkaing nasa plato ko pero alam kong pagsasabihan lang ako nito kasi alas kwatro na ng hapon at ngayon pa lang kami magla-lunch dalawa.

Tinanong nya ako kanina kung kumain na ba ako. Sinagot ko sya na hindi pa. Sa pagkakaalam ko, ang tanong nya ay kung kumain na ba ako ng tanghalian.

Ang sagot ko naman ay hindi pa. If he just asked any further, then he would know that I didn't eat even a single grain since this morning nor did I even drink some liquids. But it's enough that he worries too much, ayoko nang mas dagdagan pa iyon.

"Wala lang akong gana." I forced a smile but I know it seemed fake. Hindi na ito umimik.

We ate in silence, or atleast Joseph ate while I played with my food. Ang dami ko kasing iniisip.

Now what? I successfully left. Dapat sana may konting kasiyahan akong nadarama. I got away from all of it. Dapat sana masaya ako kasi diba, nakaalis ako at naiwan ko lahat ng mga problema ko. I am now in such a pretty place, but instead of feeling euphoric I feel so empty. Para kong naiwan ang kaluluwa ko sa kung saan man ako nanggaling

Ang buong akala ko, makaalis lang ako, mawawala na iyong sakit. Kahit pananadalian lang, akala ko makakalimutan ko ang pighati. Konting bakasyon lang, magiging okay na rin ako. But it seemed like the more I spend time in this haven, the bigger the hollow there is in my heart. Amidst the grandeur of the place, mas lalo kong naramdaman ang pangungulila, ang pakiramdam na mag-isa na ako ngayon. The realizations came pouring in like a rapid current, wave after wave of heartache that causes me to malfunction into nothingness.

Whenever I am calm, I kept thinking about some things. If I could only turn back time, would I dare change a thing?

If I could only go back to that one decision of finally setting him free, would I still feel this kind of hatred towards myself?

Ayokong parusahan ang sarili ko, pero paulit-ulit na sumisiksik sa isipan ko na paano kaya kung ipinaglaban ko si Zak? Pwede pa kayang maging kami pa rin sa huli? Paano kung hindi lang ako naduwag? Kami pa rin kaya? Ang daming papaano, andami ng gusto kong sana'y maulit ulit. I want to reverse things. Sising-sisi ako, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at nagpaapi ako, iyong tinanggap ko lahat ng masasakit na salitang naririnig ko sa mga tao, para lang sa bandang huli ay isuko ang isang taong nagawa kong kayanin ang lahat makasama ko lang?

They say when you love someone then you have to let him go. Madali sa kanilang sabihin kasi mga  tangina nila, hindi naman nila nararanasan ang mga naranasan ko. I was so happy with Zak, na kaya kong tiisin iyong mga kaibigan nya, iyong pagkadisgusto ng pamilya nya. Walang alam si Zak na sa likod ng mga ngiti ko, nandoon iyong sakit na pilit kong itinatago kasi lahat ng iyon tinitiis ko para makasama ko sya. Iyong sakit na pinagdadaanan ko na ni minsan ay hindi ko ipanapaalam sa kanya, hindi ko ipinapakitang ang sakit na, kasi kaya ko naman iyong tiisin lahat 'wag lang syang mawala sa akin. Tapos sa huli ay pinakawalan ko na lang sya ng ganun-ganun na lang?

I just want to accept the fact that Zak can't love anyone aside from JC. My mind wants me to kasi radical naman iyong utak ko, but my heart keeps fighting for the what ifts and it's making it all the more unbearable for me to fully let go. I kept holding on to memories when I can feel how genuine Zak was to me, how he cared for me, how he... kind of loved me.

But seeing them, hearing his words, knowing it all... The game was already over for me before it even started.

Nakakainis na kahit anong pilit kong mag-let go, pakiramdam ko may pinanghahawakan pa rin ako. I know it was a lost cause, but I kept making a fool out of myself for even thinking about all of the possibilities. Tapos na ang laban. Ako iyong luhaan. I was never enough to replace somebody, and that hurts like crazy.

Temporary FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon