time

1.1K 24 0
                                    




To everything there is a season,

and a time to every purpose under the heaven.

A time to be born,

a time to die, a time to break down, and a time to build up.

A time to plant, and a time to pluck up that which is planted,

a time to kill, and a time to heal.

A time to weep, and a time to laugh,

a time to mourn, and a time to dance.

A time to cast away stones, and a time to gather stones together,

a time to embrace, and a time to refrain from embracing.

A time to get, and a time to lose,

a time to keep, and a time to cast away.

A time to rend, and a time to sew,

a time to keep silence, and a time to speak.

A time to love, and a time to hate.

A time of war, and a time of peace.

Ecclesiastes 3:1-8





Life goes on, sabi ng mga in denial.

Hindi ako in denial.

Life after Kira was hard but I had to endure. Ilang beses ko nang tinangkang puntahan sya ulit sa bahay nya at makipag-usap, magmakaawa, humingi ng tawad sa lahat ng mga naging kasalanan ko. I've been a fool to say those words out loud noong panahong iyon pa kung kailan huli na.

I admit, I really do love her. Mahal ko si Kira at isang malaking katangahan ang hindi ko nun pag-amin agad sa sarili ko. Napaniwala ko kasi ang sarili ko na okay lang, nandyan lang si Kira, hindi sya mawawala sa akin. Masyado yata akong naging kampante kaya nagkaganun.

Gago ako kaya siguro mahirap na para sa kanya na paniwalaan pa ako. Ilang beses ko na syang sinaktan, ilang beses ko na syang binigo. Ni hindi ko alam kugn anong klaseng paghihirap ang pinagdaanan nya nung panahong siguro pinaramdam ko sa kanya na panakip-butas lang sya kahit na ang totoo ay hindi, kahit na ang totoo ay masaya ako sa piling nya.

Ilang ulit ko syang gustong abangan at makiusap na sana balikan nya na lang ako ulit pero nahihiya ako. Nahihiya ako kasi nitong nakalipas na mga buwan ay naging masaya na si Kira. Ngumingiti, tumatawa--bagay na hindi nya magawa nung nandoon pa ako sa buhay nya. Sa tuwing nandoon na ako sa puntong lalapitan ko na sya at kukumustahin ay nahihiya ako. Ayoko nang mag-abang lang sa wala pero ayoko ring mawala ang mga ngiti ni Kira at alam kong mawawala iyon kapag makikita nya ako.

I am not the man Kira deserves, sino ba ako para ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya? Kalayaan na nga lang ang hiningi nya sa akin, hindi ko pa rin ba kayang respetuhin yun? Kinuha ko na ang lahat sa kanya, pambawi ko na lang ang pagrespeto ko sa desisyon nyang umalis na ako ng tuluyan sa buhay nya kaya kahit na ang sakit, kahit na ang hirap huminga ng wala sya, kinakaya ko. Hiling ni Kira 'yun, sino ba ako para humindi.

Life goes on, sabi ng mga impokritang na hindi pa yata nakaranas ng kahit isang kabiguan.

Habang kaming mga hiniwalayan? Nganga. Pero sino naman ako para magdrama? Wala ako sa lugar kasi ako naman ang nagloko. Parating ako ang walang karapatan kasi ako ang unang nagkasala.

"Shot na, george!" Tawag ni Julius sa akin.

"Pass muna ako, george. Kayo na lang muna," walang ganang sagot ko.

Temporary FixTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon