The Search

21 0 0
                                    

"Kuya, kilala mo 'to?" Tanong ko sa isang lalakeng nakasalubong ko.

"Ay, hindi eh." Sagot niya't nagpatuloy na sa paroroonan niya.

Alam kong pag-aaksaya ito ng oras. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ko pa ring gawin 'to. Kung bakit gustong-gusto ko siyang hanapin at makita.

"Ah, kuya! Salamat po." Sigaw ko nang makalimutan kong magpasalamat.

Lumingon at tumango nalang siya bilang tugon tsaka umalis.

Habang hawak-hawak ko ang maraming flyers ay nagsimula na akong magdikit sa mga poste at sa mga pader na pwedeng pagdikitan.

Nakalagay sa flyers ang pangalan niya pati ang mukha niya. Nakasulat din dun ang contact number ko kung saka-sakaling may nakakakilala sa kanya at alam kung nasaan talaga siya dito sa Davao.

Sumapit na ang gabi pero wala parin akong napala sa paghahanap sa kanya.

Nandito ako ngayon sa isang sikat na fast food chain at umorder ng makakain. Matapos nun ay umupo sa dalawahang mesa pero ako lang ang nakaupo dun. Nang ma-serve na 'yung pagkain ay agad ko ng inupakan dahil sa gutom.

Sa kalagitnaan ng pagkain ay may biglang nagsalita.

"Excuse me."

Napatingala ako at sa gulat ko'y muntik na akong mamatay sa pagkabilauk kung di lang nahagilap ng kamay ko yung coke.

Anak ng!

Napanganga lang ako sa nakita ko't di nagsalita. Di ako makapaniwala.

"Miss, okay ka lang?"

Seryoso ba 'to?

"Ah, miss." Habang winawagay-way niya yung kamay niya. Totoo ba talaga 'to?

"Huy, miss!"

At dahil dun, nagulat ako.

"Ah, eh." Di ko alam ang sasabihin ko. Tsaka, miss? Di ba niya ako kilala?

"Huy, nagka-amnesia ka ba?" Tanong ko nang nakakunot-noo.

"What? No. Why?" Sagot niya habang paupo sa kaharap kong upuan at nilapag sa mesa ang tray-ng dala niya na may lamang pagkain niya.

"Sigurado ka ba?" Pagsusuri ko ulit.

"Ah, yeah." Sagot niya na may mukhang nawi-weirduhan na.

"Di mo ba ako kilala? Ako 'to si Patreng."

"Patreng? Who? Wala akong maalalang may kakilala akong ganyang pangalan. Hindi kita kilala." Sagot niya.

Di masyadong masakit. Okay lang talaga. Kaya ko 'to.

Natapos na siya't lahat ay di ko pa rin natatapos ang pagkain ko. Nawalan na ako ng gana nung nakita ko siya.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang matapos siya sa pagkain niya. Kasi di ako makapaniwalang ang hinahanap kong tao ay ito't kaharap ko na at tumayo na siya.

"Thank you. I gotta go." Sabi niya.
Ano? Aalis na siya nang di ako kilala?

"Sandali!" Pagpipigil ko sa kanya.

"What?" Sabi niya.

"Ah.. Pwedeng maki-hitch sa sasakyan mo?" Tanong ko.

"Ano? Close ba tayo?" Nakakunot-noo niyang sabi.

"Kanina ka pa, ah. Di kita kilala. Tsaka wala akong sasakyang dala." Dagdag pa niya.

"Imposible." Sabi ko bigla.

"Anong imposible?" Tanong niya.

"Marunong kang mag-drive ng four wheels vehicle diba?" Tanong ko.

"Hindi. Tsaka, aalis na ako. Bye." Sagot niya nang may mukhang nakukulitan na at tuluyan na siyang nakalabas sa fast food chain habang ako naman ay hinayaan na lang siya.

Imposible. Imposible talaga. Siya 'yun, eh. Si Juan 'yun. Pero bakit sabi niya di siya marunong mag-drive? Eh, sabi nga niya noon na pinagda-drive niya 'yung ate niya papuntang trabaho. Eh, sino 'yun? Bakit magkamukha sila? Imposible.

Nakauwi na ako sa boarding house na niri-rentahan ko at hanggang ngayon, di pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina. Siya talaga 'yun, eh. Siya 'yun.

"Kumusta ang lakad mo hija?" Tanong ng landlady sa'kin.

"Ah, ayos naman po." Sagot ko sa kanya nang may ngiti.

"Ah. Mabuti naman kung ganun." Sabi niya't tinugunan ako ng ngiti.

"Sige, magpahinga ka na. Medyo malalim na din ang gabi, eh." Dagdag niya.

Tumango nalang ako tsaka siya tumuloy sa kwarto niya. Tinahak ko na rin ang daan papunta sa kwarto ko nang may biglang nag-message sa'kin.

From: 09*********

You are looking for someone named Juan, right? Meet me in Jollibee SM City here in Davao. I know him.






***********

And I'd sing,

When you love some JUAN, you open up your heart

HAHAHAHAHA

Wanted and MissedWhere stories live. Discover now