Alis!

14 0 0
                                    

Ang lakas naman ng apog nitong taong 'to. Kinalas ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa pulsuhan ko.

"Uy, wag mo kong pinaggagago ah. Pwede ba, uuwi na ako. Aayusin ko na ang buhay ko At, ikaw. Umalis ka na. Tapos na ang paghahanap ko sa kapatid mo. Ayoko na. Kaya kung gusto mong tanggapin ko ang sorry mo, umuwi ka na. Huwag mo na akong lalapitan pa. Okay?"

"No, please. Just stay, okay? Let's have a deal."

Hala gago. Anong problema nito?

"Bakit ba kasi?" nakakunot-noo kong tanong.

"I have no one else. Nakita mo naman 'yung bahay na tinutuluyan ko diba? Walang katao-tao."

"Wala akong pakialam kung wala kang kasama okay? Hindi ko na problema 'yun." sabi ko. "Total mayaman ka naman, ba't di ka maghanap ng katulong?" suhestiyon ko pa na nagpangiti sa kanya na para bang isang magandang idiya ang nasabi ko.

"Tama. Total nandito naman din na ako, ba't pa ako maghahanap kung andyan ka naman." ngiting sabi niya.

"Gago. May babalikan akong importanteng trabaho dun sa amin. Wala akong panahon para makasama ka't maging alalay mo."

"Hindi naman totally magiging katulong ka. I just really need your presence. 'Yun lang. Babayaran naman kita eh."

"Wala ka bang kaibigan? Sila ang gawin mong kasama sa bahay mo."

"Do you think hindi ko gagawin 'yan kung meron man?"

"Huh. Edi mag-impake ka't sumunod ka sa pamilya mo sa Peru."

"Ayoko nga dun. Okay?"

"Bakit?"

"Kasi ayoko."

"Walang kwenta na 'to. Umuwi ka na. At ayoko sa mga naiisip mo. Uwi."

"Please. Tutulungan kitang makita si Juan."

"Ginagago mo ba ako? Ikaw nga 'tong nag-udyok sa'kin na huwag na siyang hanapin at makita pa tapos ngayon ikaw din tong mago-offer ng ganyan? Pwede ba tantanan mo na ako. Ayoko ng umasa."

"Patricia. Please. I really need you." seryoso niyang sabi.

Nang sinabi niya ang pangalan ko at makita ang mukha niya bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Nakaramdam ako ng awa. May lungkot na kinukubli ang mga mata niya.

"I'll pay for your stay. Just, just stay with me. Please?"

Ano bang meron sa taong 'to at bigla nalang nagkaganito?

"Alam mo nagmumukha ka ng desperado. Ano ba kasi ang rason mo't nasasabi mo 'to lahat?

"You'll know kapag nanatili ka dito at kapag tumira ka kasama ako."

"Ano nga kasi?"

"Patricia naman. Sige na. Kailangan lang talaga. Trust me."

Wow. Trust daw. Big word.

"Papayag lang ako kapag sasabihin mo kung bakit."

"Fine. S-si lolo kasi. A-ano." pagdadalawang-isip niyang sabi.

"Ano nga."

"He wants to see me with a girlriend."

Napadilat ang mga mata ko sa mga sinasabi niya. Jusmiyo. Di ko gusto ang mga naiisip ko. Huwag naman sana.

"Anong plano mo Simoun? Huwag mo lang sabihin talaga na pagpapanggapin mo akong jowa mo."

"Patricia, ikaw lang ang naisip kong pwede."

"Gago ka ba? Sa dinami-daming babae sa mundo ako pa? Tsaka sabi mo nga diba malabong magkagusto ka sa'kin. Jusko naman. Alam mo, tutulungan nalang kitang maghanap."

"Kaya nga ikaw kasi alam kong walang mangyayaring attachment. Tsaka wala na akong panahon pa para maghanap pa. Kailangan na kita bukas. Kasi bukas niya gustong makipagkita. Kaya sige na naman."

"Simoun naman, eh. Alam mo bang masama 'yun? Magsisinungaling ka sa lolo mo. Malaking karma kapag nagsinungaling sa matanda. Ano ka ba naman. Ayoko ng ganun. Kaya kung ako sa'yo, magpakita ka nalang sa kanya nang mag-isa. Ang importante honest ka. Maiintindihan naman siguro ng lolo mo kung wala pa diba?

"Patricia, please. I'm begging you. Hindi to madali. Kapag nakita niya akong wala pang girlfriend, mamaliitin na naman ako nun. Na baka bakla ako."

"Bakit ba kasi wala ka pang girlfriend? Jusmiyo naman sa mukha mong yan. Tinalo ka pa ng kapatid mo."

"Isa pa yan. Ipapamukha na naman niya sa'kin na mas magaling si Juan. "

"Bakit nga kasi di ka nagi-girlfriend?"

"Patricia, hindi pa ako nai-inlove. Ayokong mag girlfriend na wala naman akong feelings sa tao."

Pfft. Gusto kong matawa nang napakalakas. Kaso pinipigilan ko kasi baka ma-offend.

"Eh, ano 'tong ginagawa mo ngayon?"

"Magpapanggap lang naman tayo. 'Yun lang. Kapag nandyan lang si lolo."

"Sakit mo sa ulo, uy."

"Buti nga sa ulo lang. Hindi sa puso."

"Shh. Manahimik ka nga."

"So, pumapayag ka na?" ngiting may pagkukumbinsi niyang tanong.

"Oo na."

"Huwag kang mag-alala. Gagawa naman tayo ng ground rules."

"Dapat lang talaga. Kaya, alis na."

"Oo na, sinta."

"Sinta? Ulol mo!" bulyaw ko sa kanya na nagpatawa sa kanya. Napaka feeling close nito.

"Wash your face. Laway at muta mo, oh." sabi pa niya tsaka dinuro pa yung mata ko at susubukan sanang kuhanin ang laway sa pisngi ko dahilan para umiwas ako. Napangisi lang siya.

"Alis!" sabi ko. Gago talaga.

Tsaka, bakit ko ba 'to ginagawa? Bakit ko siya pinagbigyan? Dahil ba kamukha niya si Juan, o sadyang matulungin lang ako?

Siraulo na ako.

----------
And I'd sing,

Say you want me, say you want me
Out of your life

Hahahaha


Wanted and MissedWhere stories live. Discover now