Stay

11 0 0
                                    

Matapos ang pag-uusap namin nung Simoun na yun ay umuwi na ako sa tinutuluyan kong bahay. Nakapag-desisyon na akong umuwi na kina mama at papa sa Agusan del Norte kaya nag impake kaagad ako para bukas. Gusto ko ng umuwi bukas din. Ayoko na.

Wala pala tong patutunguhan tong ginagawa ko. Nagmumukha lang akong tanga. Parang baliw.

Kalokohan. Kalokohan ang kausapin ang taong kamukha ni Juan lalo na't ang sakit pa ng mga salitang binabato sa'kin. Para tuloy pinamumukha sa'kin ng taong yun na wala talagang kwenta ang mga ginagawa ko.

Kaya siguro masakit kasi totoo. Truth hurts nga daw eh. Bwesit.

Matapos kong i-impake lahat ng gamit ko ay tuluyan na akong humilata sa kama at nakatitig sa kisame habang iniisip lahat ng mga sinabi ni Simoun.

"You have given up your job just to go here in Davao for my brother? Wow. Are you nuts?"

"Di ka pa nagpaalam sa mga magulang mo. Anong klaseng anak ka?"

"So, ganyan ka ma-inlove? You'd want to lose everything you have for just one person that you love? That's a crap!"

"You said, may girlfriend na siya. It only means, he doesn't love you."

Argh! Nakakainis.

Nakakainis kasi totoo lahat. Ba't ganun? Ayokong isipin mali ang ginagawa ko pero nagawa niyang pa-guilty-hin ako.

Kainis! Ayoko ng isipin. Ayoko na.

Parang nagmukha tuloy na parang si Juan ang nagsabi ng mga yun sa'kin. Na wala talagang pag-asang gawin ko yung mga bagay na gusto kong gawin sa kanya.

Alam ko naman na may girlfriend na siya pero gusto ko lang iparamdam kay Juan ang nararamdaman ko. Gusto kong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin niya para sa'kin na hindi niya kailanman magagawa. Yun lang naman. Hindi ako aasang magiging kami.

Gusto ko lang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sa taong una at huli kong mamahalin. At si Juan yun. Siya lang.

"Patricia." Bigla akong naalimpungatan nang may tumawag sa pangalan ko. "Hija. Gising na." Dagdag pa nito at kumatok. Naalala ko tuloy si mama sa tuwing ginigising niya ako tuwing umaga para pumasok sa trabaho.

Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Si Lola Teopista pala, yung land lady nitong tinutuluyan ko.

Di ko alam na nakatulog na pala ako kagabi kakaisip nang di ko man lang namamalayan na umaga na pala. Naku naman talaga.

Medyo inaantok pa ako kaya napahikab pa ako.

"Magandang umaga, Po." Pagbati ko sa kanya nang pasimpleng kinukuha ang muta ko.

"Magandang umaga din, hija. Oo nga pala, may naghahanap sayo. Andun siya sa baba naghihintay."

Hala. Baka sila mama na 'yun. Patay. Ilang ulit na akong tinatawagan nila kaso di ko sinasagot. Paano kaya nila nalaman na nandito ako?

Pero,

"Sino nga po pala ang naghihintay dun sa baba?" Tanong ko kay lola.

"Simoun daw ang pangalan, eh. Sige na't puntahan mo na siya may gagawin pa ako." Sagot niya tsaka umalis na.

Simoun. Anong ginagawa nun dito? Tsaka, paano niya nalaman na dito ako nakatira?

Bwesit. Ano bang kailangan nung taong 'yun? Akala ko ba okay na? Kainis!

Di na ako nagtagal pa sa kinatatayuan ko kakaisip kung anong dahilan ng pagparito niya kaya bumaba na ako.

Nakita ko siyang nakaupo sa couch sa sala.

"Anong ginagawa mo dito?" Diretso kong sabi.

"I just want t--"

"At paano mo nalamang dito ako nakatira?" Dagdag ko sa una kong tanong dahilan para di niya natapos ang sasabihin niya.

Printeng-printe naman akong napaupo sa katapat niyang couch habang naghihintay ng sagot niya.

"I followed you last night." Pag-amin niya. "Magso-sorry sana ako nun kaso nakapasok ka na." Dagdag pa niya.

"Ah, yun lang pala. Sige. Alis ka na." Sabi ko sabay tayo at babalik na sanang kwarto ko.

"I'm sorry. Sorry sa lahat ng nasabi ko last night. Sorry kung ang insensitive ko." Pahabol niyang sabi.

Napahinto naman ako at hinarap siya.

"Alam mo, tama ka naman eh. Kaya huwag ka ng mag-sorry." Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh. "Dapat nga magpasalamat pa ako sayo kasi kung di mo sinabi yung mga salitang yun, baka magtagal pa ako dito't habambuhay ng sasayangin ang buhay ko para sa isang taong di naman ako mahal. Kaya, salamat. At makakaalis ka na." At tuluyan na akong humakbang paakyat papuntang kwarto ko nang may biglang humawak sa pulsohan ko.

"Please, stay."



---------

And I'd sing,

You tell me that your sorry
Didn't think I'd turn around

Hahaha

Wanted and MissedWhere stories live. Discover now