Usapan

7 0 0
                                    

Habang nasa hapag kainan kami ay walang kumikibo sa amin at tahimik lang na kumakain. Seryoso siyang kumakain at ako naman patingin-tingin sa kanya paminsan-minsan. Mapagkakamalan ko talaga siyang si Juan kapag di siya nagsasalita eh. Kaso kapag sinimulan niya ng buksan ang bibig niya gusto ko nalang takpan ang tenga ko at ipikit nalang ang mga mata. 

"Will you just eat your food properly? Panakaw tingin ka pa diyan." sabi niya nang di nakatingin sa'kin at nagpatuloy lang sa pagnguya ng kakasubo niya lang na pagkain. Ang tindi naman ng pakiramdam nito. Napairap nalang ako sa sinabi niya. Napaka talaga. "Akala mo di ko alam?" pangiti pa niyang sabi at tinignan ako sandali at bumalik sa pagkain ang tingin.

"Pakialam mo ba? Sa pagkakaalam ko kasi may mata ako." pangangatwiran ko.

Napahinto siya na para bang may naisip na napakagandang ideya.

"You know what, you can treat me the way you want to treat Juan nang sa ganun ay di ka mahirapang magpanggap." sabi niya at kumain.

"Ano ka, siniswerte?" sabi ko't napataas ang isang kilay. Napakagagong ideya nun. Ang dami kong gustong gawin para kay Juan tapos sa kanya ko gagawin? Mamamatay muna ako.

"Wow. Ako pa ang swerte. Di ba dapat ikaw? Ayaw mo nun, magagawa mo sa akin ang gusto mong gawin sa taong di mapapasayo." pangisi niyang sabi na alam mo talagang nang-aasar. Ang gago talaga.

"Eh, kung ayokong ituloy 'tong pagpapanggap natin?" pagbabanta ko sa kanya.

"Chill, Patricia. I was just suggesting. Kung ayaw mo, okay lang. Kung gusto mo naman, mas maganda." pangisi na naman niyang sabi. Bwesit talaga. "Basta huwag mo kong iiwan, okay?" paseryoso niyang sabi.

Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya. Nakakainis. Di ko maiwasang isipin na para siyang si Juan kapag seryoso siya.

"Tapos na akong kumain." sabi ko nalang. Wala na akong gana.

"Busog ka na? Eh, kaunti lang kinain mo. Tsaka di ba masarap niluto ko?" tanong niya.

"Masarap naman. Sa sobrang sarap nga eh gusto ko ng manapak." sabi ko't napairap.

"Napakapikon naman." pangisi niyang sabi na para bang nakaisa na naman siyang asarin ako.

Ang lakas talaga ng apog ng taong 'to. Bwesit. Feeling close kung makaasar.

"Ulol!" sabi ko sa pagmumukha niya.

Bwesit. Parang nasabihan ko rin tuloy si Juan ng salitang yun.

"Bibig mo, Patricia. Ganyan ka ba sa mga estudyante mo?" pagpapaalala niyang bawal magmura ang isang guro. Alam niya kasing isa akong teacher. Naikwento ko kasi nung tinanong niya ako kung paano kami nagkakilala ng kakambal niya.

"Hindi. Sayo lang ako nagmumura kasi ang gago mo." sabi ko sa kanya nang with all honesty.

Tumayo siya at pumunta sa likuran ng silyang inuupuan ko.

"Baka masanay ka niyan, Patricia." sabi niya't hinawakan ang magkabilang balikat ko tsaka nilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Tsk tsk tsk." dagdag pa niya.

Di ko napigilan ang inis ko at tumayo na ako tsaka siya sinuntok sa mukha. Wala na akong pakialam kung kamukha niya si Juan.

"Gago." yan lang nasabi ko at naglakad palayo.

Bwesit, eh. Ang ayoko sa lahat ay 'yung binubulongan ako at hinahawakan ako lalo na sa balikat.

Iniwan ko siya dun nang iniinda ang panga niyang kumikirot sa suntok ko. Numumuro na eh.

Taltlong oras na ang lumipas matapos ang pagsuntok ko sa kanya at nandito lang ako sa kwarto ng ate niya. Bigla nalang niyang binuksan ang pintuan at pumasok habang nakabukas parin ito. Nakita kong may dala siyang notebook at ballpen.

Wanted and MissedWhere stories live. Discover now